(TRANSCRIPT) Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate » Manila Bulletin News

Manila Bulletin Philippines

Breaking News from the Nation's leading newspaper

Tempo

Online Newspaper

Showbiz and Celebrity News

Sports News

World News
News Asia

(TRANSCRIPT) Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate

MARCH 3, 2019, 12:00 NN

Published

Senatorial candidates Shariff Albani, Gerald Arcega, Marcelino Arias, Balde Baldevarona, Jesus Caceres, and Melchor Chavez Charlie Gaddi, Emily Malilin, Jose Sonny Matula, Luther Meniano and Alan Montano during ABS CBN’s Harapan the Senatorial interview, March 3, 2019 (ALVIN KASIBAN / MANILA BULLETIN)

Senatorial candidates Shariff Albani, Gerald Arcega, Marcelino Arias, Balde Baldevarona, Jesus Caceres, and Melchor Chavez Charlie Gaddi, Emily Malilin, Jose Sonny Matula, Luther Meniano and Alan Montano during ABS CBN’s Harapan the Senatorial interview, March 3, 2019 (ALVIN KASIBAN / MANILA BULLETIN)

(Transcription by Farmout Central InTouch Inc – http://www.farmout.ph)

0:00:00.4

[Music]

[Crowd clapping]

Elchico:        Harapan na Pilipinas. Labing-isang kandidato sa pagka-senador haharap sa taumbayan, live.

Bigornia:     Animnapu’t dalawa ang naglalaban-laban para sa labindalawang pwesto sa Senado. Sino kaya ang mananalo at makakapasok sa Magic 12? Ako si Doris Bigornia.

Elchico:        At ako naman po si Alvin Elchico. Ito ang ikatlong ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate. Kapamilya, tutok na sa ating Harapan 2019.

[Music]

Elchico:        Ang mga kandidatong maghaharap, eto na para sa kanilang opening statement. Ang tanong, ano ang pangunahing batas na isusulong mo?

Simulan natin kay Shariff Albani.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Albani:         In the name of God, the most compassionate and the most merciful, ako po ay si Shariff Ibrahim Albani, ang iyong kakampi, kakambi ng sambayanan Pilipino.

Today we are disunited. Nakikita natin the Christian, the Muslim are disunited and we have two big political party in our country today, the opposition and the administration are also disunited. As a whole the Filipino people are disunited.

So si Shariff Ibrahim Albani mayroon po akong gagawin panukala. Magkakaroon tayo na tinatawag “Ecumenical Department” or “Inter-part Department”. Sapagkat ang problema ng sambayanan natin more than 600 years nakatiwangwang ang problema.

0:02:24.6   Ang solusyon dito kailangan magka-isa ang Muslim, Christian at mga katutubo sapagkat ‘yun lamang ang tunay na sagot nakikita ko, ang tunay na sagot sa tunay na pagbabago at tunay na kapayapaan ng Inang Bayan, wala na pong iba.

Si Albani ang iyong kakampi, number 4 sa balota. Marami pong salamat. Nawa sumainyo ang tunay na kapayapaan.

[Crowd clapping]

Bigornia:     Magpakilala ka, Gerald Arcega.

[Music]

[Crowd cheering]

Arcega:         Assalamualaikum warahmatullahi ta’ala wabarakatuh! Ang pagpapala po ng tanging tunay at nagi-isang Diyos na tagapag-likha ay sumaatin nawa.

Ako po si Gerald Balita Arcega, Sultan Muhammad Issa po, kandidato sa pagka-senador under the Labor Party Philippines. Kumakandidato po ako dahil alam ko ito ang tama at nararapat kong gawin. Ako po ay – ipapanukala ko po ang batas, espesyal na batas na para sa mga public officials. Corrupt public officials, wala na pong – wala na pong puwang sa lipunan ang mga corrupt public officials. Kaya iyun po ang unang-una kong ipapanukala. Kailangan ko ang kooperasyon ng sambayanang Pilipino, bitayin ang mga korap! Allahu akbar!

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:        Ikaw na, Marcelino Arias.

[Crowd cheering]

Arias:            Atty. Marcelino Arias, mula sa Agusan Del Sur. Manobo ang aking tribu, laking Maynila. Pastor po ako higit sa animnapung taon.

Ang unang isusulong kong batas, una, ay wakasan ang endo at ibalik natin ang profit sharing upang ‘yung maliliit ay tumaas naman.

0:04:34.5    Profit sharing para madagdagan ang middle class. At higit sa lahat para mabawasan ang korapsyon, isusulong natin ang freedom of information – freedom of information. Makakabawas ng korapsyon, matatakot ‘yung mga korap sapagkat may karapatan ang bawat mamamayan para tignan ang record.

[Bell rings]

Arias:            Salamat po.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

[Music]

Bigornia:     It’s your turn, Jonathan Baldevarona.

[Crowd cheering]

Baldevarona:         Jonathan Baldevarona po, kandidato ng pamilyang Pilipino. Numero 14 sa balota. Tayo po ay gagawa ng batas na magpapatibay sa pamilyang Pilipino.

Iisa lang po ang ating babalangkasin, itong batas na nagsusulong ng ikatitibay ng pamilyang Pilipino kasi kung mapapansin po natin ang ating mga batas para sa pamilya ay hiwa-hiwalay — may para sa bata, may para sa matatanda, may para sa kababaihan. Sa ngayon po, kung papalarin ang inyong lingkod ipag-isa po natin ‘yan para lalong mapatibay ang kalagayan ng pamilyang Pilipino.

Life begins at 14, kaya nga po umpisahan natin habang maaga, mga bata, mga nanay, umpisahan po natin doon sa mga sisibol na bagong Pilipino. Maraming salamat po.

[Music]

[Crowd clapping]

Elchico:        Ikaw naman, Jesus Caceres.

[Crowd clapping]

[Music]

0:06:34.9

Caceres:       Marhay na udto po sa gabos! Magandang tanghali po sa ating lahat! Si Jes Caceres po, isang Bikolano, 41 years old, isang teacher, barber and radio broadcaster.

Lahat tayo po ay produkto ng mga teacher, maging private man o public, kaya po ang unang isusulong ko sa Senado ay gawin na ring five years ang pag renew ng mga lisensiya ng mga teachers at dagdagan ang kanilang insentibo at ang allowances dahil kulang na kulang po talaga ang aming suweldo. Ako po ay isa ring teacher at ang aking misis ay isang teacher. Kaya ‘pag sa oras ng pangangailangan, emergency, sa 5-6 pa rin napupunta. ‘Yun ang kailangan po natin.

Ako po nasa Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi, grupo Pederalismo, ipasiguro sa Senado, number 17 sa balota at dagdagan natin, tulungan nating pag-aralin ang ating mga anak, mga kabataang pinapabayaan ng minsan nang ilang mga magulang. Matatawag natin silang pag-asa ng bayan kung tutulungan nang pamahalaan! Salamat po.

[Bell rings]

[Crowd clapping]

[Music]

Bigornia:     You’re next, Melchor Chavez.

[Crowd clapping]

Chavez:        Magandang gabi – hapon sa inyong lahat! Ang inyo pong abang lingkod, isang kumentarista sa radyo at siyempre ho, tubong Mindanao, North Cotabato, Kidapawan City.

Sa inyong pagbibigay-daan, ang una ho nating bibigyan ng pagsusulong ‘yun hong mga walang lupa dahil ang – ang atin hong mga kababayan ay ninanakawan ho ng mga kalupaan. Land for the landless at kinakailangan natin ng mga kababayan na itong problemang ito ay matagal na matagal na. Kaya ayusin natin ang ating mga kalupaan para ho sa kapakanan ng ating bayan.

0:08:43.9   Siyam ho ang aming kandidato sa Labor Party, tulong-tulong ho kami para manalo dito sa labanang ito. Maraming salamat sa inyong lahat.

[Bell rings]

[Crowd clapping]

Elchico:        Ikaw na ang susunod, Charlie Gaddi!

[Crowd clapping]

Gaddi:          Magandang umaga, bayang Pilipinas! Ako po si Charlie Gaddi, kandidato mula sa grupong Pederalismo. Isinusulong po namin ang Pederalismo sapagkat naniniwala kami na ito ang sistema, na ito ang bagong sistema na magbibigay sa atin ng tunay na pagbabago.

Ako po ay galit sa mga mandarambong at mga magnanakaw. Kaya po ang isusulong ko ay may kaugnayan sa mga nagkasala sa ating pamahalaan ng pandarambong. Nawawalan po tayo taun-taon. Ayon sa Global Financial Integrity, nawawalan tayo ng PPH365 billion a year dahil lamang sa kurapsiyon. Naghihirap ang ating bayan.

[Bell rings]

Gaddi:          Dalawampu’t anim na pursiyento ay nasa ilalim ng laylayan ng lipunan.

[Music]

Elchico:        Thank you po, Sir. One minute lang po tayo, Sir. Thank you. Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

Bigornia:     Magpakilala ka naman, Emily Mallillin.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Mallillin:     Magandang hapon, Pilipinas! Ako po si Emily Telan Mallillin, ina po ng bayan at kinatawan pong kandidato ng Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi. At tayo rin po ay isang katuwang ni Senador Ding Generoso sa pagsulong ng Pederalismo. Ako po ay isang simpleng mamamayan sa aming lugar, ako rin po ay simpleng negosiyante sa aming nayon.

0:10:58.9    At ang – kung papalarin po tayong bigyan ng pagkakataon na maka-upo sa Senado, ang unang-una ko pong batas na gustong isulong ay sana ang mga Pilipino matuto po sanang tangkilikin ang sarili nilang produkto, lalong-lalo po sa ating mga magsasaka.

Napakarami po nating pagkain kung tutuusin. Nga lamang ang mga Pilipino mas tinatangkilik po nila ang kanilang produkto sa ibang bansa o sa ibang lugar o sa ibang nayon kaysa po sa sarili nating bansa. Nawa po ‘yan po ang aking gustong isulong na batas.

[Bell rings]

Mallillin:     Inyo po akong sudsuran para dito. Marami pong salamat.

Elchico:        Thank you.

[Music]

[Crowd clapping]

Elchico:        Ikaw na, Sonny Matula.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Matula:        Isang malayang bukas para sa ating lahat, ako po si Atty. Sonny Matula, dating newsboy sa Butuan City, naging obrero sa Agusan, ngayon ay obrero na naging abogado, abogado ng mga manggagawa, mga magsasaka at maliliit na tao sa ating lipunan.

Isusulong ko po ang regular na trabaho, tuldukan ang endo. Regular na trabaho mula sa pagpapabilis ng ating agrarian reform program para sa modernasyon – modernisasyon ng ating agrikultura para sa ating national industrialization.

Ang mga manggagawa ay dapat huwag matakot sa kapangyarihan, dapat iluklok ng manggagawa sa Senado ang boses at ng – ang kanilang representante bilang Senador. Ito po si Atty. Sonny Matula…

0:12:53.5

[Bell rings]

Matula:        …number 47 sa inyong balota.

Elchico:        (Thank you).

[Music]

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Bigornia:     Let’s hear it from Luther Meniano.

[Crowd cheering]

Meniano:    Magandang araw po sa inyong lahat at mga Pilipino – Luzon, Visayas at Mindanao at ng buong mundo! Ako po si Luther LOT Gascon Meniano, under Labor Party Philippines, number 48 for Senator.

Ang panukalang batas po na aking isusulong ‘pag tayo’y mananalo ay wakasan na po natin ang kontraktwalisasiyon, ang kahirapan at itong kurapsiyon na ito. Unang-una, I will pass a bill for Law of Tranquility, LOT. Mabigyan po natin ng matiwasay at masaganang buhay ang bawat pamilyang Pilipino. Pangalawa po ay isusulong ko ang Law of Territory, dahil natapiyasan po ang ating asset ng Republika ng Pilipinas kaya dapat po natin i-relocate and ating teritoryo ng Pilipinas kung saan nanggagaling ang baseline. Ang pangatlo po ay Law of Transparency, LOT, na dapat po tayong transparent sa sambayanang Pilipino kung saan ginagastos ang pera ng sambayanang Pilipino dahil po nalubog tayo sa utang at nalugmok sa utang ng PHP7.16 billion…

[Bell rings]

Meniano:    …ang utang ng Pilipinas.

Elchico:        Thank you po.

0:14:14.1

Meniano:    Maraming salamat.

[Music]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:        At ang panghuli but certainly not the least, Allan Montaño.

[Crowd cheering]

Montaño:    Magandang hapon, sambayanang Pilipino! Ako po si Atty. Allan Montaño, tubong South Cotabato pero parehong mga parents ko ay from Iloilo. Sa lahat ng kumakandidato sa ngayon sa Senado, tanging si Atty. Montaño lang ang anak ng isang pisanteng magsasaka. Ako po ay naging abogado dahil sa scholarship ng mga manggagawa. Sinasabi ko, walang ibang tunay na makapag-representa sa hanay ng mga magsasaka maliban mismo doon sa nanggaling sa hanay mismo ng mga magsasaka. Wala ring tunay na makapag-representa sa mga maggagawa kundi mismo ‘yung tagapag-silbi ng mga manggagawa.

Pag ako’y mailulok sa Senado, unang ating bibigyan ng kalutasan ang problema sa kahirapan. We will establish an OFW investment fund na panggagalingan ng pondo para magsilbing kapital upang makapag-generate tayo ng enough job. I-address din natin ang korupsiyon, gawin nating bitay…

[Bell rings]

Montaño:    …’yung may korupt na mga…

Elchico:        Thank you po.

Montaño:    …involved ng 50 million pesos. Maraming salamat.

[Music]

Elchico:        Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

0:15:42.5

Elchico:        Umpisa pa lang po ‘yan ha. Maraming-maraming salamat po sa ating mga kandidato. Makakasama po natin ngayong tanghali ang Mutya ng Masa, Doris Bigornia.

Bigornia:     Ako ‘yon. Salamat partner. Napapanuod po ang Town Hall Debate sa ABS-CBN, ANC, DZMM TeleRadyo, news.abs-cbn.com, Facebook, iWant at TFC. At abangan ang pagharap ng mga kandidato sa taong-bayan sa pagbabalik ng Harapan 2019.

[Music]

[Crowd clapping]

Part 2:

[Music]

Elchico:        Balik ho tayo dito sa Harapan 2019.

[Crowd clapping]

Elchico:        Maririnig naman natin ngayon ang mga tanong ng ating mga kapamilya. Ito po ang sistema.

Isang “Town Hall” o harapan sa taumbayan ang ating debate. Pumili ang ABS-CBN ng mga taong nakaharap mismo sa mga isyung mahalaga sa bawat Pilipino. Alphabetical order ang pagkakasunod-sunod ng pagsagot ng mga kandidato. Sa bawat tanong may isang minuto ang bawat kandidato para sumagot. Maririnig ang hudyat na ito, [Bell rings], kapag tapos na ang oras para sumagot.

Ang ating Senatorial Town Hall Debate magsisimula na ngayon.

[Music]

Elchico:        Unang isyu – transportasyon. At ang magtatanong po, si Bayan Patroller Giselle Tolosa, isang data analyst mula sa Mandaluyong City. Giselle, tanong.

Tolosa:         Magandang tanghali po sa ating lahat. Ako po si Giselle Tolosa, data analyst sa isang pribadong kumpanya.

So alam naman po natin na para sa lahat ng commuters, at isa na rin po ako doon, ang main mode of transportation sa EDSA ay MRT. Nagkaroon na ng incident kung saan kinailangan naming bumaba sa isang istasiyon dahil nagkaroon ng breakdown ang MRT.

Elchico:        Mm hmm.

Tolosa:         At nai-report ko na ito sa BMPM, sa Bayan Mo Ipatrol Mo.

So sa ikalawang insidente nagkaroon ng water leakage sa ceiling ng MRT kung saan kaming mga pasahero ay gumamit ng payong upang…

Elchico:        Sa loob.

0:01:54.1

Tolosa:         …pananggalang – para hindi kami mabasa.

Elchico:        Mm hmm.

Tolosa:         So kung kayo ay papalarin na mailuklok sa Senado, ano ang gagawin niyo upang ma-improve ang trapiko at ang mga ganitong insidente sa MRT kung saan libu-libong pasahero ang naghihirap? Salamat.

Elchico:        Ang una pong sasagot, ang kandidatong si Gerald Arcega.

[Music]

Arcega:         Maraming salamat Ma’am Giselle sa katanungan. Alam niyo po, ako po ay isang commuter din simula po nung college nagco-commute ako from Laguna to – to San Beda College. At ngayon po madalas akong sumasakay ng MRT.

Alam niyo ang problema sa – sa atin, sa Department of Transportation and Communication, napakadaming corrupt d’yan sa ahensiya na ‘yan. At na – naapektuhan ang ating mga – ang ating mga komyuter. Kaya babalik tayo sa isyu ng korapsiyon, talagang tututukan po natin at isasabatas natin kung ano ang mga kahilingan ng mga komyuter lalung-lalo na sa MRT.

At lagi po akong nakaagapay at kaisa niyo po ako dahil ako’y isang komyuter at talagang nararanasan natin ang hirap. Para po tayong sardinas sa MRT. Araw-araw po simula nung nag-komyut ako sa MRT na ‘yan hanggang sa LRT, wala na pong matino, walang matinong MRT, LRT. Kailangan po siguro madagdagan na lang. Dagdagan ang mga tren. At talagang…

[Bell rings]

Arcega:         …maraming mabibitay diyan…

Elchico:        Thank you po.

Arcega:         …sa DOTC na ‘yan.

Elchico:        Thank you. Sorry, your time is up. Marcelino Arias.

0:03:31.9

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:        You have one minute.

Arias:            Salamat po.

[Crowd cheering]

Arias:            Salamat po. Dagdagan po natin ang mga Skyway sa EDSA para mabawasan ang paghihirap nung mga mahihirap na mga manggagawa. Dagdagan po ng mga Skyway. ‘Yan po ang aking isusulong kung saka-sakali iboboto niyo ako. Maraming salamat.

Elchico:        Maraming salamat po, Ginoong Arias.

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:        Ikaw naman, Jonathan Baldevarona.

[Crowd cheering]

Elchico:        On na po ‘yan, sir. Your one minute starts now.

Baldevarona:         Ayan. Eto po kasi, ang naging problema na ‘yan, ‘yan ‘yung lack of foresight ng ating mga mambabatas before kaya nagka ganyan-ganyan tayo.

So, sa ngayon, ang immediate solution natin sa problema na ‘yan ay dapat lang ipaliban ang mga bidding-bidding na ‘yan para immediately mapalitan natin ang mga coaches ng mga train na tumatakbo d’yan sa EDSA. And of course ‘yung future plans ng “Build, Build, Build” ay suportahan po natin para mapabilis po ang pag-decongest ng ating mga kalsada sa EDSA.

Ang inyong lingkod po ay naging enforcer. Wala na pong solusyon sa enforcement, doon sa engineering po saka decongestion mayroon po tayong solusyon.

Now, kung papalarin po ang inyong lingkod, i-expedite po natin itong mga solusyon, pag-aayos ng trapiko, na ipagpaliban itong mga TRO, et cetera, na mga ginagawa ng ating mga pulitiko para hindi matuloy ang mabilisang pag-implementa ng mga proyektong ganito. Maraming salamat po.

0:05:15.1

Elchico:        Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:        Kayo naman po, Mang Jesus Caceres. You have one minute, sir.

Caceres:       Salamat po sa tanong, Sir Alvin. Siguro po higpitan natin ‘yung mga private cars na masyadong – andiyan kasi kalat-kalat, napakarami. So iyon ang dapat gawin ng ating pamahalaan.

At isa pa, sa Puno Draft Constitution, mag create tayo ng maraming trabaho sa mga region upang iyong mga dayuhang mga Visaya, Bicol, o kaya iba-ibang mga kababayan nating andito, 15 million na ang nandito sa Metro Manila. Kaya masyado ng – napakarami ng ang mga pasahero. Iyon ang solusyon po. Nasa Puno Draft Constitution naka-design po iyan.

At higpitan natin ang ating mga traffic enforcer. Bantayan nila ang mga sasakyan lalung-lalo na ang illegal na mga kolorum, ‘wag nating papayagan. At sa transport system sa ating MRT po, dagdagan pa ng bagon at lalong paigtingin, pagandahin, at gawing high tech mas lalo. Salamat po.

Elchico:        Thank you po.

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:        Kayo naman po, Mang Mel Chavez.

Chavez:        Salamat, Alvin at Doris. Ang ating pananaw ay para ho sa kapakanan ng ating mga kababayan kaya ang pagbibigay daan sa trapiko dito sa LRT, MRT kailangan ho ayusin ng ating gobyerno. At hindi ‘yung – at pang negosyo-negosyo nalang at wala ang kapakanan ng ating mga kababayan.

0:06:52.8    Ang problema talaga, ‘yun hong EDSA ang trapiko. Ang kailangan nating isang magandang batas d’yan ay phase out ng 12 anyos na sasakyan pataas. Dapat mabawasan na rito sa Metro Manila at saka sa Cebu, ah. Mga metros, Davao, kailangan hong mabawasan ‘yan.

Twelve at saka pataas na mga sasakyan ay dapat mape-phase out na at bilhin ng ating pamahalaan para makagawa…

[Bell rings]

Chavez:        …ng magandang…

Elchico:        Thank you po.

[Music]

Elchico:        Kayo naman po, Ginoong Charlie Gaddi.

[Crowd clapping]

Gaddi:          Maraming salamat po sa inyong katanungan. Ang totoo, ang problema pong ito ay tinangka na pong lutasin mismo ng Kongreso ng i-deklara po ng – hilingin po na bigyan ng power si Presidente tungkol sa trapiko.

Ang sa akin po ay dalawa ang solusyon na nakikita ko – isang political solution at saka dagdag na imprastraktura. Doon sa policial solution, ang kailangan na po sigurong ipatupad ang Federal government.

Bakit po Federal government? Pagka po nagkaroon tayo ng Federal government, lahat po ng federated region, mula – mula po sa Mindanao – one, two, three hanggang 18 region, ‘yan po ay hindi na po magko-concentrate ‘yung ating mga negosyo o kumpanya o manufacture – manufacturer dito sa Metro Manila. ‘Yan po ay kakalat na sa lahat…

[Bell rings]

Gaddi:          …ng region, kung kaya…

Elchico:        Thank you po.

Gaddi:          …hindi na po…

0:08:43.7

Elchico:        Maraming salamat po.

Gaddi:          …magkakaroon ng trapiko.

[Music]

[Crowd clapping]

Elchico:        Thank you very much. Nagtanong si Giselle, ano ang sagot mo, Emily Mallillin?

[Crowd clapping]

Mallillin:     Marami pong salamat sa katanungan. Siguro ang akin, gusto kong ibato sa mamayang Pilipino o bawat Pilipino ang inyong katanungan sa akin ngayong hapon. Kasi kung kayo ay bibigyan niyo kami ng pagkakataon, kaming lahat dito mga baguhan na naka-upo, bibigyan niyo kami ng upuan sa Senado, siguro naman ‘yang napakatagal ng sitwasyon na ‘yan na problema na hindi masolu-solusyunan ng napakamarami na pong umupo, baka sakali po pagbigyan n’yo kami kahit minsan lang. Baka kami pong mga naka-upo ditong lahat ay amin pong masolusyunan ang problemang ‘yan. Marami pong salamat.

[Crowd clapping]

Elchico:        Maraming salamat po.

[Music]

Elchico:        You have one minute to answer, Ginoong Sonny Matula.

[Crowd clapping]

Matula:        Magandang hapon ulit mga kasama.

[Crowd cheering]

Matula:        Ang isang solusyon d’yan ay dapat i-nationalize na natin ‘yung ating minimum wage para hindi ma-magnet ang Metro Manila na dito maraming mga manggagawa. So kung pantay-pantay ang sahod, ‘yung ating mga manggagawa ay hindi rito pupunta sa Metro Manila sapagkat pare-pareho naman ang sahod.

0:09:59.1    Ang isa pa, direkta duon sa question tungkol dito sa LRT, ‘yun ang kailangan natin na bigyan ng emergency power ang Presidente para bumili ng bagong mga bagon. Kasi sa oras ng rush hour ay talaga sardinas. Isa ako sa mga kliyente ng LRT na sumasakay d’yan. Kaya dapat bigyan ang Presidente ng kapangyarihan na ma-exempt sa mga bidding ‘yan.

Tapos bibigyan din natin ‘yung ating gobyerno, huwag natin na dito i-concentrate sa Metro Manila. Pwede ba ‘yung ating Malacañang o ang central government natin ilagay na natin sa Clark. Kinakailangan ng batas d’yan. At ‘yun ay ating gagawin. ‘Yung mga eskwelahan, dapat sa labas ng Metro Manila. Siguro naman ay ating…

[Bell rings]

Matula:        …mabigyan ng kalutasan…

Elchico:        Thank you po.

Matula:        …ang traffic na ‘yan.

Elchico:        Maraming salamat.

[Music]

Elchico:        What about you, Luther Meniano?

[Crowd cheering]

Elchico:        Ano pong sagot niyo?

[Crowd cheering]

Meniano:    Magandang hapon po.

Elchico:        Magandang hapon po.

Meniano:    Ang atin pong isusulong unang-una ay rehabilitasyon ng ating MRT at LRT dahil napakaganda ang chassis pero bulok naman ang makina. Kaya kailangan po nating ng rehabilitasyon at kailangan tayong bibili ng mga bago. At kailangan nating i-aircondition ang mga station ng tren dahil mahirap po ang ating mga mararalita na sumasakay ng train ay napapawisan. Pagdating nila duon sa kanilang mga trabaho ay nahihika na po, kaya kailangan ng rehabilitation.

0:11:20.0    And number two is good maintenance. Ay kailangan may pondo po ang gobyerno ang – LTO, Land Transportation, para po ma-rehabilitate ito at may maintenance na palaging maganda ang makina, hindi lang maganda ang porma.

At ang pangatlo po, ay etong ating EDSA. We have 18 billion na nawawala taun-taon. Kaya kailangan po may infrastructure projects na dapat nating ilagay sa mga terminals ng bus. Maraming salamat po.

Elchico:        Thank you.

[Music]

[Crowd cheering]

Elchico:        Ano po ang sagot ninyo, Ginoong Allan Montaño?

Montaño:    Napaka-ganda nung tanong. Nakiki-simpatya ako sa iyo. Minsan ako ay sumasakay din ng train at nagkataon lang, hindi din ako naka-experience na dumala ng umbrella, ah, dahil tumutulo.

Pero ganon pa man, ramdam na ramdam ko ‘yung hirap naramdaman mo. In fact sa katunayan, dahil nga sa traffic na ‘yan, ayon sa Japan International Cooperation Agency, nawawalan tayo ng PHP3.2 billion a day dahil nga sa traffic na ‘yan.

Ngayon, ako nagtataka, ba’t ayaw nilang gawan ng hakbang? Simple lang ang tingin ko ang solusyon d’yan. Except through the exercise by the state of its police power, magpasa tayo ng batas na lahat ng private cars between 5:30 in the morning hanggang 8:30 in the morning ganon din sa hapon, ipagbawal ‘yung private cars d’yan. Hayaan ang mga bus ang dumaloy d’yan so that from 15 minutes to 20 minutes ‘yung mga manggagawa natin from Monumento ay nandoon na sa Ayala. Mase-save natin ‘yung PHP3.2 billion. Bakit hindi natin gagawin ‘yun?

0:12:48.2    ‘Yung sa MRT, dagdagan natin ‘yung mga bagon, right? ‘Yung mga binili nilang mga bagon na hindi fitted, dapat through the oversight function ng Senado, imbistigahan ‘yan…

[Bell rings]

Montaño:    …at ipakulong…

Elchico:        Thank you po.

Montaño :   …kung sinong dapat managot d’yan.

Elchico :       Maraming salamat po.

[Music]

[Crowd cheering]

Elchico:        And last but not the least, Shariff Albani.

Albani:         Sa ngalan ng Diyos na siya’y maawin, matulungin at mapagmahal. Para sa akin ang problema natin dito kaunting disiplina lalung-lalo na sa mga driver natin. Mayroon naman tayong nakikita dito ‘yung tinatawag na loading and unloading.

Sa ibang bansa kung nakikita mo, mayroong silang loading at saka unloading. Dito lahat walang place ng loading at saka unloading. Sana ito ang ipanukala natin at bigyan natin ng suporta ang lahat ng mga kaukulan, dapat magkaroon ng disiplina.

Pangatlo, itong gagawin po natin sana magkaroon tayo ng tinatawag na subway. At saka ’yung train natin, kailangan dagdagan pa natin.

Pangatlo – pang-apat, itong tinatawag na ating mahal na President, bigyan natin ng special power upang mag negotiate dito. Sapagkat ito lamang, siya lamang nakikita natin, magkakaroon ng tinatawag na kalutasan dito sa ating bansa lalung-lalo na ang transportation. Maraming salamat.

[Crowd clapping]

Elchico:        Maraming salamat po sa ating mga kandidato. Giselle, ano ang assessment mo sa sagot ng mga nag-aasam na maging Senador?

0:14:12.9

Tolosa:         Lahat naman sila talagang mayron kanya-kanyang opinion kung paano nila susolusyunan. So, nasa taong-bayan nalang ‘yung kung paano nila huhusgahan ‘yung kredibilidad ng bawat kandidato.

So, salamat po sa inyong mga kasagutan po sa aking tanong. Thank you.

Elchico:        Maraming-maraming salamat. Doris, ikaw naman.

[Crowd clapping]

Bigornia:     Issue number two. Nagbabaga ito. Trabaho. Alamin natin ang kwento ni Bayan Patroller Leoniber Faciol mula sa Navotas kasama natin siya ngayon, ‘di ba. Leony, o ‘di ba, close na tayo. Ano naman ang iyong tanong?

Faciol:          Magandang hapon po sa ating lahat. Ako po si Iber Faciol po, isa pong Bayan Patroller. Ang akin pong katanungan ay related po sa trabaho po.

Sa aming komunidad po ang karamihan pong nagtatrabaho ay kontraktwal po lamang at wala pa po sa minimum wage ang suweldo. Paano niyo po mabibigyan ng tamang atensiyon ang problema sa contractualization? At kung sakaling papalarin po kayong manalo, paano niyo po makukumbinsi ang kapwa mambabatas na ipatigil ang endo?

Bigornia:     Alamin natin ang plano ni Marcelino Arias.

[Crowd cheering]

Arias:            Para magkaroon ng trabaho ang mga walang trabaho, simple lamang po, alisin ‘yung kontraktwalisasyon para sila ay maging eksperto at ipasok natin, ‘yung sinabi ko kanina, profit sharing. Para ‘yung mga manggagawa ay magsisikap para mapa-unlad ang kanilang kumpanya. Sa pamamagitan nito, ‘yung mahihirap ay maitataas at dadami ang ating middle class sa ating bansa. Ganyan lang po.

Bigornia:     Maraming salamat.

0:16:06.5

[Music]

[Crowd cheering]

Bigornia:     Mula naman kay Jonathan Baldevarona.

Baldevarona:         Well ah, simpleng-simple lang po ang problema na ‘yan. Kung titignan po natin mga kababayan, mga kapatid, mga kapamilya, ang contraltualization na sinasabi nila, bilang isang naging negosyante po, titignan po muna natin kung ako naibigyan niyo ng mandatos para balangkasin po ‘yan ‘no, titignan po muna natin, alin ba ang dapat pang-long-term job, alin ba ang dapat pang contractualization? Kasi hindi po pupuwede lahat ng trabaho ay magiging long-term para sa mga manggagawa.

Ngayon, kung kayo ay nalagay doon sa mga trabaho na dapat pang mahabaan, doon po natin i-secure ang inyong employment. Ngayon, duon sa mga short-term job, halimbawa, huhukay ka lang ng septic tank, hindi kita pwedeng suwelduhan habang-buhay kasi ang project na ‘yan ay hanggang duon lang.

So, kung ako’y papalarin po, hihimayin natin mabuti ‘yan kung saan natin pro-protektuhan ang mga long-term job na may expertise at ‘yung mga short-term job para lahat sila naka-kontrata ng tama at protektado ang mga manggagawa, ‘yan.

[Crowd cheering]

Bigornia:     Maraming salamat po.

[Music]

Bigornia:     Ngayon naman mula kay Mang Jesus Caceres. Mang Jes?

Caceres:       So ang kailangan po natin mag-create ng napakaraming trabaho sa mga bayan, sa mga probinsya, at mga region upang magkaroon ng mga kumpetensiya ng trabaho. Siguro sa isang paraan na ‘yan, aalagaan ng mga employer ang kanilang mga empleyado. ‘Yan ang pinaka mabisa po at naka-design na ‘yan sa Puno Draft Constitution na ating ipa-praktis kung tayo ay mahalal sa Senado.

0:17:44.8     At napakahalaga po na magkakaroon ng trabaho. Ang mga boss ay hindi nila talaga basta basta ma – mapanatili o kaya gawing permanente ang kanilang mga empleyado dahil may mga negosyante na puwedeng malugi kaya tinatapos agad nila ‘pag tapos na ang anim na taon, tinatapos nila ang – ang kontrata ng mga empleyado kaya nakaka-awa naman po.

Iyan ang solusyon, isang naisip nating solusyon – mag-gawa ng naparaming trabaho sa mga bayan, sa mga probinsya at sa mga region. Lalung-lalo na pag naging Federal Constitution na po, naging Federal system of government na ang ating pamahalaan. Salamat po.

Bigornia:     Thank you.

[Crowd clapping]

Bigornia:     Ngayon naman po, Mang Mel Chavez.

Chavez:        Thank you, Doris at sa ating mga kababayan. Ang aking pananaw ay kung sana’y hindi namatay si Ambassador Roy Señeres noong dapat na tumakbong pangulo ay wala na ho ‘yung endo, wala na ‘yang 555.

Kaya sa tingin ko, ang mga pananaw natin dito sa ating mga kababayan ay ayusin natin ang atin hong mga manggagawa na kung saan ay sa pribado at pampubliko ay dapat na ho’y mayroong early retirement ang atin hong mga manggagawa. Twenty years na, dapat hong magpahinga na ang ating mga manggagawa at magnegosyo, that pag nagkaroon po ng retirement pay ang ating mga manggagawa, doblehin ng gobyerno para ho may pang-negosyo ang ating mga manggagawa. Kaya sa tingin ko, magandang pananaw ‘yan para sa kagalingan ng ating mga manggagawa na magiging entrepreneur sa ating bansa.

[Bell rings]

Chavez:        Maraming salamat po.

Bigornia:     Thank you.

[Crowd clapping]

0:19:31.0

[Music]

Bigornia:     Mula naman kay Mang Charlie Gaddi.

Gaddi:          Salamat po. Muli ang akin pong approach dito sa ating problema sa endo, ay pang – pangkalahatan ‘no.

Ang problema po natin ngayon, ang atin pong ekonomiya ay walang kakayahan na magbigay ng trabaho. Ito po ay pinatutunayan ng pito hanggang sampung libong Pilipino na ngayon ay nasa abroad.

Ano – ano ang dapat nating gawin para magkaroon ng trabaho? Unang-una, palakasin natin ang ating industriya. Pangalawa, gumawa po tayo ng lahat na makinarya na kailangan ng ating industriya na hindi na kinakailangan na tayo ay magi-import pa ng mga makinaryang ‘yan para lamang gamitin dito. Kailangan po natin palakasin ang lahat ng industriyang ito sa Pilipinas para makalikha ng trabaho at ang atin pong gagamitin ay mga makinarya na yari mismo sa ating bansa. Bakit dito kinakaila – kailangan natin mayari dito ang ano – ang ating mga makinarya? Sapagkat mas mura po pagka po…

[Bell rings]

Gaddi:          …tayo ay dito bumili o gumawa ng sariling ating…

Birgonia:     Thank you po.

Gaddi:          …makinarya.

[Music]

Birgonia:     Thank you, Sir.

Gaddi:          Salamat po.

Birgonia:     Kayo naman Ma’am, Ma’am Emily Mallillin.

Mallillin:     Magandang hapon, kuya. Kuya, ano na nga uli ‘yung trabaho mo na sinasabi mo kanina?

Faciol:          Regarding po sa contractualization po.

0:20:58.5

Mallillin:     Ah…

Faciol:          At saka ‘yung endo po.

Mallillin:     Ah, sa endo. Alam niyo nakakalungkot talaga ‘yung ganon kasi na – lalung-lalu na ang tinatamaan ng mga endong ‘yan ay ‘yung mga kapwa natin hindi nakatapos, hindi nag-graduate, hindi – wala tayong degree at saka mostly d’yan ‘yung mga mahihirap. ‘Yun nga ‘yung isang nakakalungkot. Bakit parang ibang-iba tayo sa lipunan, ‘no? Na ang sahod natin hanggang ganon lang at dapat hanggang six months lang tayo magtatrabaho. Hindi tayo pwede dun sa marangal na trabaho. Alam niyo, kung papalarin tayo, isa ‘yan sa ating tutuldukan at hihimayin at titingnan natin dahil ‘yan ang pinakamalaking problema ng lipunan natin. Marami pong salamat.

[Crowd clapping]

Birgonia:     Thank you, Ma’am.

[Music]

Birgonia:     Mang Sonny Matula, ikaw naman.

Matula:        Okay, magandang hapon ulit mga kasama. Ako po ay nagtuturo ng labor laws sa tatlong unibersidad at nakitang-kita ko kung paano ang problema sa ating batas sa endo. Kami po ay nagsusulong sa Federation of Free Workers na labanan ang endo at kasama kayo nagka-isa, Labor Coalition, at mayroon kaming proposal na pinasa na sa House of Representative subalit tatlong taon na hindi pa pinasa sa Senado ‘yung Senate Bill 1826, Strengthening the Right to Security of Tenure and End of Endo Act.

Dapat ang isa ditong babaguhin ‘yung penalty sa batas sapagkat sa kasalukuyang batas, Article 288 ng Labor Code, ang penalty ay PHP1,000 lamang hanggang PHP10,000 pesos. Kung 1,000 ang mga workers mo na nasa labor only contracting, piso-piso lang ang penalty. Kaya dapat baguhin natin ang batas ’yan para maging deterrent sa mga employer na mag-engage sa labor only contracting…

0:22:48.6

[Bell rings]

Matula:        …ng 555.

Birgonia:     Thank you.

Matula:        Thank you.

[Music]

Birgonia:     Thank you po. Mang Luther Meniano, ikaw?

[Crowd cheering]

Meniano:    Magandang araw po sa inyong lahat. Atin pong balangkasin itong kontraktwalisasyon na ating amendahan po sa Senado. Dahil makikita po natin na ang kontraktwalisasyon ay mayroon pong dalawang punto na ating dapat balangkasin.

Unang-una po ‘yung short-term or seasonal job at itong long-term job. Kailangan po ‘yung mga short-term job or seasonal job ay mapaloob dito sa kontraktwalisasyon at ‘yung long-term job kailangan tapusin na po natin itong endo na ito, contractualization, dahil nawawala po ang mga benefits dito like housing benefits, like insurance benefits, PhilHealth benefits at maternal leave at iba pang absence of leave at 13th month pay. Kaya po kailangan balangkasin natin ng maigi itong kontraktwalisasyon.

Ang pangalawa po ay kailangan mabigyan ng security of tenure ang ating mga trabahante at of course living wage ang kailangan na maipataas ang kanilang mga sahod. Maraming salamat po.

[Crowd cheering]

[Music]

Birgonia:     Thank you, Sir. Punta naman tayo kay Allan Montaño.

Montaño:    Kalunos-lunos nga at kawawa ang sitwasyon ng ating mga contractual employees. Habang sila ay contractual employees, syempre ang sahod hanggang doon na lang sa minimum wage. Walang pagkakataon na aangat doon. Kung mayron man kapira – kapiranggot lang ‘yun. Dahil ito naman talagang mga employer, itong mga agencies nangungumisyon din lang naman sa principal employer. Ang masaklap pa niyan, kung kayo ang mag-unyon, sigurado after two years, mawawalan pa kayo ng trabaho dahil lilipat lang sa ibang agency ‘yung inyong amo. ‘Yan ang isang masaklap na sitwasyon ng ating mga contractual workers.

0:24:38.2    Ang solusyon dito, kailangan mag-create, kaya maraming contractual employees at maraming mga agencies d’yan dahil kokonti lang ang trabaho na available. We should have to create more jobs. At ito ay sa pamamagitan nga ng ating overseas – ng OFW investment fund na magsisilbing capital, mag-create ng jobs para maging puhunan. Like for instance, South Cotabato, daming mga saging doon, so kung may puhunan tayo pu-pwede tayong magtayo duon ng ketchup factory, mag-employ ng regular workers.

[Bell rings]

Montaño:    ‘Yun lang ang paraan.

Birgonia:     Thank you, Sir.

[Crowd cheering]

Birgonia:     Teka lang. Andidito ready naman na si Shariff Albani.

[Music]

[Crowd clapping]

Albani:         Sa ngalan ng Diyos na siya’y maawain, matulungin at mapagmahal. Nasabi na po nila lahat. Lahat kami dito ay against contractualization. Pero dito dapat natin dagdagan ang trabaho. Sa paano po natin dadagdagan ‘yung mga trabaho sa mga manggagawa?

The foundation of the government which is the barangay. If the barangay is weak, the administration is weak. If the barangay is strong, the administration is strong. Nakikita natin sa ka-Mindanaoan lalung-lalo na ang southern Philippines, walang ilaw, walang tubig, walang school, walang hospital, walang livelihood.

0:25:45.1     So nakikita natin doon kapag magkaroon ng massive development na magkakaroon tayo – we will not rely on the national government kung kinakailangan we have to do something outside the box, paano tayo mag-infuse ng investment thru micro financing dito sa lahat na mga mamamayan Pilipino sa iba’t ibang barangay.

So kami lahat, bilang isang ‘yung lingkod na tapusin namin itong tinatawag na contractualization, sama-sama kami lahat upang – for the highest interest of the manggagawa lalung-lalo na ang sambayanang Pilipino.

[Bell rings]

[Crowd clapping]

Birgonia:     Thank you. At ang panghuli, si Gerald Arcega.

[Crowd clapping]

Arcega:         Alam niyo po, napakatagal ng poblema ng endo at kontraktwalisasyon dito sa ating bansa. Nasabi na po nilang lahat, napaka-gagaling ng aking mga kasama. Ang kailangan natin dito ngayon ay political will. Kung papaano natin tatapusin ang endo na ‘yan.

Ako mismo po sawang-sawa na ako sa sigaw ng ating mga manggagawa. Ako ay nasa Labor Party Philippines. Ang tanging solusyon po natin, iboto natin lahat ng mga nandito sa harap natin…

[Crowd clapping]

Arcega:         …dahil ito po ang tanging paraan para matapos na ang kontraktwalisasyon na ‘yan.

Ang ating mga national leader, wala ng pakialam. Napakatagal na ng poblema. Paulit-ulit nalang tayo. Nandito po ang Labor Party Philippines, partido ng manggagawa at magsasaka. Paninindigan po natin ang pagtatanggol sa mga manggagawa. ‘Yan po ang nararapat. Nandito kaming lahat…

0:27:24.1

[Bell rings]

Arcega:         …para sa inyo.

[Crowd clapping]

Birgonia:     Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Friend, friend Leony, okay ka ba ‘dun sa mga narinig mong sagot nila?

Faciol:          Okay naman po. Maganda naman po ‘yung mga opinyon nila. Sana po maging makatotohanan if ever na manalo po kayo. Maraming-maraming salamat po sa inyo po.

[Crowd clapping]

Birgonia:     Thank you, friendship. Sa aming pagbabalik, masusubukan ang bilis sa pagsagot ng ating mga kandidato. D’yan lamang kayo. Ito ang Harapan 2019.

[Music]

 

Part 3

Elchico:            Ito na, narito na po tayo sa unang round ng ating Fast Talk. Mabilisang sagot sa mabilisang tanong. Mabilisan po ah. Dalawang minuto sa bawat kandidato.

Simulan natin kay Jonathan Baldevarona.

[Crowd clapping]

Elchico:            Are you ready?

Baldevarona: Yes, sir.

Elchico:            Naging pinuno ka ng towing at impounding ng MMDA, ano ang pinakamalaking dahilan ng traffic sa Metro Manila?

Baldevarona: Disiplina.

Elchico:            Bibigyan mo ba ng emergency powers ang Pangulo para masolusyunan ang traffic sa Metro Manila?

Baldevarona: Dapat.

Elchico:            Dahil?

Baldevarona: Dahil kailangan talaga.

Elchico:            Dapat na bang buwagin ang MMDA?

Baldevarona: Hindi.

Elchico:            Kung wala kang garahe, dapat ba wala ka ring kotse?

Baldevarona: Dapat lang.

Elchico:            Pabor ka ba sa Charter Change?

Baldevarona: Yes, sir.

Elchico:            Dahil?

Baldevarona: Kailangan mabigyan ng karapatan ang tao magbalangkas ng kanilang batas na angkop sa kanilang kultura at paniniwala.

Elchico:            Ano ang stand mo sa Federalism?

0:01:09.7

Baldevarona: I am pro-Federalism.

Elchico:            Dahil?

Baldevarona: Isa akong pederalista from the very start.

Elchico:            Pabor ka ba na tanggalin ang term limits ng mga halal na opisyal?

Baldevarona: After the Federalism is in place.

Elchico:            Dapat bang patawan ng death penalty ang pandarambong o plunder?

Baldevarona: Yes, literally bitay in a public place.

Elchico:            Dapat bang isiwalat ang detalye ng SALN ng mga mambabatas?

Baldevarona: Dapat lang.

Elchico:            Sang-ayon ka ba sa Anti-Drug Policy ni Pangulong Duterte?

Baldevarona: Sang-ayon.

Elchico:            Dapat bang ipa-deport ang mga illegal Chinese workers?

Baldevarona: No. Kasi dapat dito sila managot sa batas.

Elchico:            Dapat bang babaan ang retirement age sa Pilipinas?

Baldevarona: Sa ngayon dapat – tama lang.

Elchico:            Kung sususpendihin ang TRAIN Law, pabor ka ba?

Baldevarona: Tustusan ang mga project ng ating gobyerno kagaya pagpapabilis ng ating mga Build, Build, Build projects.

Elchico:            Sino ang ini-idolo mong senador?

Baldevarona: Panfilo Lacson.

Elchico:            Dahil?

Baldevarona: Ayaw ng sa – ng Pork Barrel.

Elchico:            Kung mananalo ka, saan ka aalyado? Sa administrasyon o sa oposisyon?

0:02:20.4

Baldevarona: Depende kung saan ang magtatanggol sa pamilyang Pilipino.

Elchico:            Kung mananalo ka, ano ang unang isyung iimbestigahan mo?

Baldevarona: Ang pandarambong.

Elchico:            Kung mayroon man, ano ang pinakamagandang nagawa ng Duterte administration?

Baldevarona: War on drugs.

[Bell rings]

Elchico:            Maraming, maraming salamat, Ginoong Baldevarona. Doris?

Bigornia:          Tayo naman, Mang Jesus Caceres. Mang Jess.

Mang Jess, naging chairman ka ng Sangguniang Kabataan, sa palagay mo may saysay pa ba ang SK?

Caceres:           Mayroon pa po.

Bigornia:          Bakit po?

Caceres:           Kailangan habang nasa kabataan pa ay matuto na ng pamamahala.

Bigornia:          Palagay mo dapat baguhin ‘yung SK Law?

Caceres:           Mayroon lang ibang provision.

Bigornia:          Eh kung tanggalin na natin?

Caceres:           Sayang naman.

[Crowd laughing]

Bigornia:          Oh, bakit? Bakit po?

Caceres:           Kasi po ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kailangan nating turuan sila kung paano mamahala at ngayon pa lang dapat matuto ng ating saligang batas.

Bigornia:          Pabor ka sa Charter Change?

Caceres:           Yes, Ma’am.

Bigornia:          Bakit?

0:03:22.4

Caceres:           ‘Yan ang pinaka-importante para magkaroon ng pagbabago sa sistema ng gobyerno at liderato, para umasenso ang bayan ng Pilipinas.

[Crowd clapping]

Bigornia:          Ikaw mismo, anong gagawin mong pagbabago?

Caceres:           Ako mismo po talagang tutulungan kong maging Pederalismo ang ating bansa.

Bigornia:          Mm hmm.

Caceres:           At magiging totoo, tunay, tapat sa pagsisilbi sa bayan na nanunumpa tayo sa harap ng mga tao dapat maging totoo. Gawin natin ang ating tungkulin.

Bigornia:          Para sa’yo wala nang term limits kung ikaw masusunod?

Caceres:           May term limits po.

Bigornia:          Mm hmm. Para?

Caceres:           Kasi nag-aabuso na ‘yung iba sa puwesto.

Bigornia:          Mm hmm. Dapat bang patawan ng death penalty ang mga nandarambong?

Caceres:           Siguro po reclusion perpetua na lang kasi nakakalaya naman silang mayayaman. Ang kawawa lang ang mga mahihirap.

Bigornia:          Mm hmm. Ang mga detalye ng SALN?

Caceres:           Kailangan po i-detalye po talaga lahat. Walang itatago.

Bigornia:          Mm hmm. So transparency talaga?

Caceres:           Yes, Ma’am.

Bigornia:          Eh kung ayaw?

Caceres:           Parusahan po ng ating pamahalaan.

Bigornia:          Mm hmm. ‘Yung Anti-Drug Policy ni Pangulong Duterte, pabor ka?

Caceres:           Pabor po.

0:04:22.6

Bigornia:          Pabor na pabor?

Caceres:           Pabor po kasi kailangan ang mga tao maging disiplinado na at huwag titikim niyang nakakasira ng isip na nagiging sanhi ng kriminal at maraming problema sa ating bayan.

Bigornia:          So go lang dahil wala kang nakikitang mali doon sa polisiya?

Caceres:           Mayroon naman pong iba.

Bigornia:          Mm hmm. Kagaya ng?

Caceres:           Kagaya ng ‘yung ating mga kapulisan minsan iba ang ginagawa.

Bigornia:          Mm hmm. ‘Yung mga Chinese dapat ba sa palagay mo eh ipa-deport na natin?

Caceres:           Hindi naman po.

Bigornia:          Mm hmm.

Caceres:           Siguro ‘yung mga may ginawa lang na mali.

[Bell rings]

Bigornia:          Maraming salamat po. Alvin?

Elchico:            It’s your turn, Mang Melchor Chavez. Are you ready?

Bilang isang mamamahayag, kung mananalo ka, paano mo malalabanan ang paglaganap ng fake news?

Chavez:             Wala naman talagang fake news eh.

[Crowd laughing]

Elchico:            Wala po?

Chavez:             Wala.

Elchico:            Kung may nabalitang mali tungkol sa iyo online, magsasampa ka ba ng cyber-libel charge?

Chavez:             Depende ho ‘yun sa kung sasagutin mo, ‘di sasagutin mo.

Elchico:            Ano po ang stand niyo sa Charter Change?

0:05:30.1

Chavez:             Eh, ayaw natin.

Elchico:            Dahil?

Chavez:             Ayusin natin ang mga ating mga puno o magtatanim tayo ng mga puno.

Elchico:            Sang-ayon ka ba sa Federalism?

Chavez:             Matagal na, 1963 pa ang mga pede – ang mga Labor Party para ho sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Elchico:            Pabor ka ba na tanggalin ang term limits ng mga halal na opisyal?

Chavez:             Dadagdagan natin ang – ‘yung tatlong taon. Magiging apat na taon pero tatlong term ang kailangan natin.

Elchico:            Nangurakot sa gobyerno, dapat bang i-death penalty?

Chavez:             Kailangan lang sigurong 40 years.

Elchico:            Imprison?

Chavez:             Imprison.

Elchico:            Dapat bang isiwalat ang SALN ng mga mambabatas?

Chavez:             Dapat lang.

Elchico:            Dapat bang suportahan ang Anti-Drug policy ng Pangulong Duterte?

Chavez:             Kailangan nating suportahan natin ‘yun pero walang patayan na dapat mangyayari sa ating mga mahihirap na mga kababayan.

Elchico:            Kung ika’y maging senador, dapat bang suspindehin ang TRAIN Law?

Chavez:             Dapat ang – ‘yung hong makakahirap sa ating mga kababayan.

Elchico:            Kung may hinahangaan kang senador, sino ito?

0:06:40.3

Chavez:             Dalawa lang ho ang aking mga kaibigang senador na hinahangaan. Pero hindi na ho ngayon mga senador ito. Pero dating senador, Rene Saguisag at si Senador Nene Pimentel na hindi magnanakaw sa bayan.

Elchico:            Kung papalarin ka, ano po ang unang isyung iimbestigahan niyo?

Chavez:             Marami ho. Ang land grabbing dahil ito ang salot ng ating mga kababayan.

Elchico:            Naniniwala ka ba kung walang kotse dapat…

[Bell rings]

Elchico:            …kung walang garahe, walang kotse?

Chavez:             Wala talaga dapat.

Elchico:            Maraming salamat po. Doris?

Bigornia:          Salamat, partner. Ang susunod si Mang Charlie Gaddi.

Mang Charlie, ikaw pala ay isang independent ha. Sino ang nagpopondo ng inyong kampanya, ha?

Gaddi:               Kami-kami lang po.

Bigornia:          Mm hmm. Sino po kayo? Gusto kong malaman.

Gaddi:               Ah, ‘yun pong aming partido.

Bigornia:          Okay. Kung mananalo ka, kanino ka aalyado? Sa administrasyon ba o sa oposisyon?

Gaddi:               ‘Yun pong nagtataguyod ng Pederalismo.

Bigornia:          Sa palagay mo, anong batas po ang hindi dapat naging batas?

Gaddi:               Sa ngayon ay ito pong ano, TRAIN Law.

Bigornia:          Bakit po?

Gaddi:               May bahagi siyang pabor ako, ‘no?

Bigornia:          Mm hmm.

Gaddi:               Pero gusto ko sana i-suspend muna ‘yung ano, ‘yung excise tax.

0:08:00.9

Bigornia:          Mm hmm. Dapat bang ipatigil ang pagmimina sa buong bansa?

Gaddi:               Pansamantala itigil muna dahil kinakailangan i-rationalize po natin ‘yan. Hindi po natin nakikita kung paano – saan napupupunta ‘yung mga tax niyan.

Bigornia:          Mm hmm.

Gaddi:               Ang totoo, tayo po ang pinakamalaking mina sa buong – pangatlo tayo sa mayroong pinakamalaking mina sa mundo. Mayroon po tayong $875 billion…

Bigornia:          All right.

Gaddi:               …na halaga ng mina.

Bigornia:          Okay.

Gaddi:               Pero saan po napupunta ang kita niyan?

Bigornia:          Mm hmm. Dapat po ba sa college – ang – college graduate ang mga senador natin?

Gaddi:               Dapat lang po.

Bigornia:          Mm hmm. Tatanggap ka ng Pork Barrel?

Gaddi:               Ay naku, hindi po.

Bigornia:          Mm hmm. Bakit?

Gaddi:               Idolo ko po si Lacson eh, pagdating sa Pork Barrel.

Bigornia:          Mm hmm. Talagang idolo mo?

Gaddi:               Opo.

Bigornia:          Mm hmm. Pabor ka ba na tanggalin ang term limits sa mga halal na opisyal?

Gaddi:               Dapat po dalawang term lang. Huwag na po nating i-extend. Sobra-sobra na.

Bigornia:          Mm hmm.

Gaddi:               Nagkakaroon na po ng political insanity ha.

0:09:07.5

Bigornia:          Mm hmm.

Gaddi:               ‘Yung political insanity paulit-ulit, taun-taon nag-aano, nangangampanya. “Pagagandahin ko ang Pilipinas. Pauunlarin ko,” pero ‘pag nakaupo na, wala na.

Bigornia:          Dapat bang rendahan ang social media sa palagay mo?

Gaddi:               Hindi po.

Bigornia:          Bakit po?

Gaddi:               Eh, karapatang konstitusyunal po ‘yan.

Bigornia:          Mm hmm. May dapat bang baguhin sa kalakaran ng Senado?

Gaddi:               Mayroon po.

[Bell rings]

Bigornia:          Okay. Thank you.

Elchico:            Maraming salamat. Are you ready, Ms. Emily Mallilin?

Sabi sa ‘yong CoC, isa kang businesswoman. Ano ang isusulong mong batas para tulungan ang mga maliliit na negosyante?

Mallilin:           Ang unang-una po nating gawin diyan, BIR. ‘Yan po ang napakalaking problema naming mga negosyante.

Elchico:            Kung senador ka noong botohan sa TRAIN Law, ano ang boto mo?

Mallilin:           TRAIN Law? Paulit po, hindi ko…

Elchico:            Ano ang magiging boto mo kung senador ka noong ipinapasa ang TRAIN Law? Yes or no.

Mallilin:           No.

Elchico:            Dahil?

Mallilin:           Dahil ang makikinabang lang sa TRAIN Law ay mga malalaking negosyante.

Elchico:            Ano ang tingin mo sa Federalism?

0:10:13.9

Mallilin:           Yes.

Elchico:            Dahil?

Mallilin:           Dahil Federalism ang tangi nating nakikita para solusyunan lahat ng problema ng bayan.

Elchico:            Dapat bang patawan ng death penalty ang mga nandarambong o namamlunder ng gobyerno?

Mallilin:           Super yes po.

Elchico:            Kung mayroong kandidato sa pagka-senador ngayon na hindi dapat manalo, sino ‘yun?

[Crowd laughing]

Mallilin:           Mahirap po yata ‘yun, sir, na tanong.

Elchico:            Sang-ayon ka ba sa Anti-Drug policy ni Pangulong Duterte?

Mallilin:           Medyo lang po.

Elchico:            Alin doon ‘yung ayaw mo?

Mallilin:           ‘Yung – ‘yan lang ang pinapatay, ‘yung user, pero ‘yung pusher po hindi.

Elchico:            Sino ang idolo mong senador at bakit?

Mallilin:           Wala rin po.

Elchico:            Kung mananalo ka, saan ka aalyado, administrasyon o oposisyon?

Mallilin:           Kung saan po may malapit sa puso ng mga kababayan at magpapasa po ng Pederalismo.

Elchico:            Dapat bang i-regulate ang social media?

Mallilin:           Yes naman po.

Elchico:            Sa mga millennial, ano ang matututunan nila kay Mallilin, kung mayroon man?

[Crowd laughing]

0:11:11.2

Mallilin:           Marami.

Elchico:            Magbigay ng isa.

Mallilin:           Isa, ‘yung pagiging mapagmahal sa lahat, sa kapwa, lalo na ang mga kabataan, turuan ang kabataan ng maayos na – ibalik ‘yung dating noon na pagiging “po at opo”.

Elchico:            Dapat bang ipatigil ang pagmimina sa buong bansa?

Mallilin:           Yes, kasi nasisira po dahil po nag – doon po nagmumula ang climate change natin.

Elchico:            Dapat bang bigyan ng emergency powers ang Pangulo para masolusyunan ang traffic sa Metro Manila?

Mallilin:           Siguro hindi na po. Siguro pagtuunan na lang po natin na isulong ang Pederalismo. Nandoon po ang solusyon.

Elchico:            Maraming salamat…

[Bell rings]

Elchico:            …Ma’am.

[Crowd cheering]

Elchico:            Isyu ng Chinese workers at ang inyong programa para sa mga kabataan, para sa mga millennials, ‘yan ang ating babalikan. Kapit lang.

Ito ang Harapan 2019.

[Music]

[Crowd clapping]

Part 4:

Elchico:        Nagbabalik po ang Harapan 2019. Isyu number 3 na po tayo, ang patuloy na pagdagsa ng mga Chinese workers sa Pilipinas. Ang magtatanong mula sa Far Eastern University, si Ginoong Arvin Carlos. Arvin, anong tanong?

Carlos:         Magandang hapon po sa ating lahat. Ako po si Arvin Carlos from the Far Eastern University, ako po ay isang student leader. Napansin ko lang po na karamihan sa Divisoria ang mga nagtatrabo at may negosyo ay mga Chinese at kamakailan lang po ay nabanggit ng ating Pangulo, nag-aalinlangan siya kung papa-deport niya ang mga Chinese. Sa inyong palagay, ano po ang stand niyo about sa pag-dagsa ng mga Chinese workers sa ating bansa?

Elchico:        Ang una pong sasagot, Ginoong Jesus Caceres.

[Music]

Caceres:       Salamat po sa inyong katanungan. Siguro po ang solusyon ng ating pamahalaan d’yan, dahil noong una pang panahon ay naging ka-partner natin sa kalakalan at doon tayo sa mga Chinese natuto ng maraming negosyo. Siguro pag-usapan po ng maigi ‘yan ng ating pamahalaan at ng China upang maisa-ayos ang mga dayuhang mga Tsino dito sa ating bansa sapagkat ‘pag may magandang usapan o kaya relasyon ang dalawang bansa, ang China at ang Pilipinas, siguro doon natin pararaanin ‘yan upang lalong mag-asenso ang ating bayan. Kailangan niyan gamitin ang ating puso sa pag-uusap. Hindi daanin doon sa iniisip nating giyera para daanin – may batas ang dalawang bansa, pag-usapan ng ating mga lider upang masolusyunan ang problemang ‘yan. Kasi tayo ang isa sa pinaghahangaang bansa dito sa buong mundo. Maraming salamat po. Sana makatulong.

Elchico:        Maraming salamat po sa inyo, Ginoong Caceres. Mel Chaves, kayo naman po.

0:01:53.0

Chavez:        Sa tingin ko, Alvin, ang problema natin ay ‘yung teknikal na mga Chinese ho na may ka-kontrata ang ating Pangulo, ang ating gobyerno na kung saan ay dapat ay iyon lang dapat ang mga teknikal na mga Chinese na naririto sa atin. Pero ‘yung mga ang dami-dami na ay dapat ho na nating kasuhan, palayasin dito ho sa ating bayan. Dahil marami hong mga manggagawa na kailangan hong magtrabaho na marunong din magtrabaho katulad ho sa mga Chinese na ‘yan. Kaya sa tingin ko, ‘yan ang nararapat at tuloy-tuloy ho ang pagnanasa natin na ang ating mga manggagawang Pilipino ay makikinabang ho sa ating mga trabaho. Sa inyong lahat ho, magandang hapon. Maraming salamat sa inyong lahat.

[Music]

Elchico:        Ano ang sagot mo, Ginoong Charlie Gaddi?

Gaddi:          Ang sa akin po ay dapat po nating i-regulate ang pagpasok ng mga Tsino dito sa Pilipinas. Sapagkat ang nakikita ko, sa dami ng pagpasok ng mga Tsino dito, ang nagdurusa ‘yung atin pong mga manggagawa. Marami po tayong mga manggagawa na walang trabaho. Katunayan nga po ang statistic natin ngayon ay napakalaki ng unemployment at gayun din ng underemployment. Ngayon, kung patuloy natin tatanggapin at tatanggapin ito ng hindi natin nire-regulate, aba’y ang darating – ang mangyayari nito tayong mga Pilipino, ang ating mga manggagawa ang siyang mawawalan ng trabaho. Kaya ang akin pong suggestion, selective ha, ‘yun pong kailangan lamang ng ating bansa ang ating papapasukin dito sa – dito po sa ating bansa.

Elchico:        Maraming salamat po, Ginoong Gaddi.

[Music]

Elchico:        Kayo naman po, Ma’am Emily Mallillin.

Mallillin:     Ah, siguro po ang pwede lang ipa-deport ng Pilipinas sa mga Chinese, siguro ‘yung mga sukdulan pong mga may maraming mga kasalanan. Mostly po kasi na nag – tagapasok ng drugs sa ating lugar ay mga mostly Tsino po.

0:04:10.4    Siguro ‘yung mga mabibigat po na dahilan kung bakit sila pwedeng paalisin ay ‘yun lamang po siguro. ‘Yung mga iba naman na nakakatulong sa ating maliliit na manggagawa ay baka po pwede namang mag-stay po sila. Thank you po.

Elchico:        Maraming-maraming salamat po, Ms. Mallillin. Kayo naman po, Mang Sonny Matula.

Matula:        Dapat lamang ‘yung manggagawa ay may proteksyon sa ating bansa. ‘Yung mga dayuhan o ‘yung mga lokal natin na mga manggagawa. Dapat i-proseso ng ating mga pamahalaan kung ito bang mga Chinese workers na ito ay iligal dito sa ating mga bansa. Kung iligal, so dapat sumunod sila sa ating batas. Dapat hindi sila manatili dito kung iligal ‘yung kanilang pagtira dito sa ating bansa. Pero, kung ako maging senador dapat gagawa tayo ng batas na may heavy penalty ‘yung mga employer na nag-engage nitong mga illegal recruit na ito at dapat mas mabigat ang penalty ng mga employer nito at ‘yung mga recruiter ng mga iligal na mga manggagawang ito.

Elchico:        Maraming salamat po, Ginoong Sonny Matula.

[Music]

ELchico:      It’s your turn, Luther Meniano.

[Crowd clapping]

Meniano:    Titignan po natin ang implementing rules and regulations ng DOLE. Kasi kung nagre-recruit tayo ng mga dayuhan alamin po natin kung ilan din ang kailangan, ang limitasyon ng mga manggagawang Pilipino. Say for example, Filipino workers can have 80%, then para sa mga dayuhan we can have 20%. So ‘yan kailangan balangkasin natin at titingnan ang implementing rules and regulations ng DOLE. At pangalawa, kailangan din nating matuunan ng pansin na itong mga alien kung wala namang kasalanan ay ‘wag nating i-deport. Eh kung may mga kasalanan at iligal nga ang entry nila, ‘yan ang dapat tututukan ng ating gobyerno. Kaya napaloob sa patas na batas at patas para sa manggagawang Pilipino. Maraming salamat po.

Elchico:        Thank you po.

0:06:08.7

[Music]

[Crowd clapping]

Elchico:        Mr. Allan Montaño, paki-sagot po si Arvin, sir.

Montaño:    Maliwanag ang batas natin. Ipinagbabawal sa batas natin ‘yung pag-employ ng mga aliens unless mayroong permit na inisyu ang Department of Labor and Employment.

Ang isang kondisyon d’yan, pupwede mag-hire ng mga – ng mga foreign workers kung walang willing, qualified, and able na Filipino worker. All right?

So ngayon, sa isyu o sa usapin ng pagdami ng mga Chinese workers, tingnan natin, imbestigahan natin bakit sila nakapasok. Ngayon, kung talagang iligal ‘yung pagpasok nila after sila maiproseso at saka natin sila ide-deport, na illegal aliens nga sila dito sa atin, illegal working aliens.

Ngayon, pero kung mayroon silang mga permit at naiproseso, at talagang determined na they are needed dahil walang able and qualified Filipino na pupwedeng mag-perform ng kanilang trabaho, ay dapat lang naman i-honor natin ‘yung kontrata sa kanila. But again, tignan natin. Baka mayroong sabwatan o may nagkasabwat na mga employers at taga-Department of Labor or taga-Bureau of Immigration sa usapin na ito. So we have to investigate that.

Elchico:        Thank you. Kayo naman po, Shariff Albani.

[Music]

[Crowd clapping]

Albani:         Ah dapat po bigyan natin ng pansin ang relation po ng China pati Philippines, this is more than – more than 600 years relationship ang pagkakaibigan ng China at saka Philippines. Regarding po sa pagdami ng mga Chinese dito sa atin, titignan natin, bakit maraming manggagawa dito? Ano ba ‘yung mga dahilan bakit sila nakapasok. Mayroon mga polisiya dito, baka ‘yung mga recruiter nila o kaya mga employee nila nagpasok dito, mayroong mga tinatawag sabi pa may sabwatan nangyayari dito.

0:07:50.5    Ang titignan po natin dito, karamihan mayroon tayong mga teknikal na mga Pilipino alam din ang ginagawa kung ano ang gawa nila. Tulad sa Dubai, nakikita natin, from janitor up to the executive, Pilipino lahat. Kung walang Dubai, walang Pilipino. Bakit hindi natin magawa dito sa sarili nating bayan itong mga pangyayari? So mayroon mga magandang dahilan dapat balangkasin natin anong mga polisiya bakit nakapasok itong mga may…

[Bell rings]

Elchico:        Thank you po. Maraming salamat.

[Crowd clapping]

Elchico:        Gerald Arcega.

Arcega:         Salamat kapatid na Arvin sa tanong. Napakalaki na po ng problema natin sa unemployment. Napakaraming manggagawa, napakaraming mga bagong graduate na walang trabaho. Ang kailangan po derechohan na, ipagbawal, isabatas ang pagbabawal ng pagpasok ng mga illegal alien para magtrabaho dito sa bansa. Isasabatas po natin ‘yan at paninindigan na wala na, bawal na ang mga Chinese workers dito sa bansa. At kailangan po, palakasin natin ang entrepreneurship ng ating mga kapwa Pilipino. Napakadami po, nandyan ang SBGFC – Small Business and Guarantee Fund Corporation, DFSMB-SSS. Napakadami pong pwedeng pagkunan ng pondo para ipautang sa mga Pinoy na gustong magnegosyo. ‘Yan din po ang sagot sa mga Chinese businessman, kailangan tapusin na rin natin. Mga Pinoy dapat ang mga employer dito, hindi mga Tsinoy. Marami pong salamat.

Elchico:        Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

Elchico:        Kayo na po, Mang Marcelino Arias.

Arias:            Hindi ko po alam kung bakit Intsik ang pinagu-usapan natin.

0:09:26.4

[Crowd laughing]

Arias:            Tayo ay mayroong tinatawag na rule of law. Kinakailangan i-apply ‘yung batas natin. Ngayon, kung tungkol naman sa mga Intsik, sila’y napunta dito, paano sila napunta rito? Ilan ang dapat na kilanlin? Kaya with all due respect sa Presidente, ayaw i-deport ang mga Intsik sapagkat baka gumanti ang China. Ito ang aking opinyon. Dapat ‘yung mga Intsik na iligal ang pagpasok sa Pilipinas ang isibak. At ‘yung mga Pilipino naman na pumasok sa China na iligal ibalik sa Pilipinas para pantay-pantay ang batas.

[Crowd clapping]

Elchico:            Maraming-maraming salamat po. And last but not the least, Jonathan Baldevarona.

[Music]

[Crowd cheering]

Baldevarona: Well, kuya ang view ko dito is, hindi naman tayo dapat basta-basta nang de-deport. We have to check kung ano talaga ang dapat naging violations ng mga ‘to if it falls on deportable violations. Pero titignan din natin ‘yung mga kapalpakan ng mga ahensiya na nakatuon dito. ‘Gaya ng Bureau of Immigration at saka Department of Labor and Employment, dapat titignan natin kung itong mga trabaho na ginagawa ng mga Tsino dito sa atin ay hindi kayang gawin ng local, ng mga workers natin. That’s the time na siguro kailangan din naman natin ng tulong to improve our technology, kaya kailangan din natin silang tanggapin.

But in as far as deportation is concerned, ang question nga nating kapatid dito ay dapat kung anong nararapat na doon sa batas natin ay i-implement po natin para respetuhin tayo ng mga Tsino.

So bilang advocate ng – para pagpatibayin ang pamilyang Pilipino, isa po yan sa pagkukunan ng kabuhayan ng pamilyang Pilipino, ‘yung binibigay nating trabaho sa kanila. So let’s give priority to local workers. ‘Yun lang po.

0:11:24.1

[Bell rings]

Elchico:            Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga kandidato. Alam ko magaling kumilatis ang mga mag-aaral ng FEU. Kuntento ka ba, Arvin, sa naging sagot ng mga nagaambisyong maging senador?

Arvin:                Okay naman po lahat ng sagot nila. Magaganda naman. Lahat sila parang may pinaghuhugutan. So good luck po sa inyo kung sino man ‘yung mga mananalo. At sa mga botante, pumili tayo ng tama na ihahalal para sa ating bansa. Thank you po.

Elchico:            Thank you, Arvin. Doris, ikaw naman.

Bigornia:          Salamat partner. Ngayon naman, issue number 4. Ang kabataan ang ating kasamang si Juan De Jesus – ano ba ‘to. De Jesus mula naman – ay kapwa pala tayo Paulinian – St. Paul University, Quezon City, may tanong po para sa inyong lahat. Si Juan.

De Jesus:         So magandang hapon po sa ating lahat. Ako po si Juan Antonio De Jesus mula po sa St. Paul University Quezon City at kasalukuyang SK kagawad ng barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal. Ang aking katanungan po ay, “Ano na ang mga nagawa niyo o kasalukuyan na ginagawa upang mapaglingkuran ang kapwa Pilipino lalong-lalo na ang sektor ng kabataan? At kung sakali ‘man po na kayo ay papalarin at mahalal bilang senador, ano po ang mga polisiya at platapormang ihahahain niyo upang mas mapalakas pa ang boses ng kabataan?” Maraming salamat po.

Bigornia:          All right. Simulan natin po kay Mel Chavez. Singilan na ito. Mang Mel.

Chavez:             Maraming salamat, Doris. Dahil bilang announcer, public service ho ang ating programa. Kaya sa lahat ng mga kabataan, lahat ng mga magulang, ‘pag kailangan ho ng tulong, tulong ho kaagad ang mga announcer. Katulad ho ni Doris at saka ni Alvin. Kaya wala ho kaming pananaw na para sagkaan ang kagalingan ng ating mga millennial, ang mga kabataan. Dahil sa tingin ko ah, ang pananaw ko nga, ang ating hong bayani na si Gat Andres Bonifacio, ganon din si Jose Rizal, ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan.

0:13:41.9          Kaya sa tinging ko ito na ang nararapat nating mangyayari. Sa Senado, dapat ho’y mga nagmamahal sa atin hong mga kabataan. Kami hong lahat, sa Labor Party para ho sa mga kabataan. Maraming salamat po.

Bigornia:          Salamat, Sir. Mang Charlie, ikaw naman. Charlie Gaddi.

Gaddi:               Ang aking pong sagot diyan ay empowerment of the youth. Paano po natin ma-empower ang mga kabataan? Unang-una, kailangan po natin ng capability building. ‘Yung pong kanilang mga pagsasanay ay kailangang ihanda natin. Ihanda po natin sila sa mga iba’t ibang uri ng pagsasanay sa teknolohiya, lalo na – sapagkat sila ang bubuo, sila ang magiging daan upang maging matatag ang ating bansa. At sa pamamagitan nila ay masisimulan natin ang pag-unlad ng bansa.

Ako po sa – ay naging Chairman ng Seed of Hope Young Lives Foundation. Ginagawa po namin dito ay nagpapaaral po ng libre. Kami po ay nakikipag-coordinate sa Department of Education, sa ALS, ‘yung pong informal education.

[Bell rings]

Gaddi:               Gayon din po…

Bigornia:          Thank you sir.

Gaddi:               Maraming salamat po.

Bigornia:          Maraming salamat po, Sir Charlie. Ma’am Emily, halika na Ma’am.

Fransisco:        Napakagandang sagot. Gustong gusto ko ‘yan. Alam niyo ba magmula ng 2000, nagpaaral na tayo ng iba’t ibang kabataan. So nakapagtapos tayo ng 70 na kabataan na sa ngayon ‘yung iba nakaupo na sa ating gobyerno. At kahit papano sa aming lugar ay hindi – nabawasan na ‘yung medyo corrupt. Hindi lang sa oras, hindi lang sa pera.

0:15:33.3         At ang mga batang ‘yan ay naturuan natin kung paano may takot sa Diyos, may pag-galang sa kapwa. May pag-ibig sa bayan at may pag-galang at ‘pag – may pagmamahal sa kalikasan.

Ang gusto kong mai-inculcate sa mga kabataan para tumaas pa ‘yung kanilang karangalan o sinasabi mong “tinig”. Sana bumalik ang mga kabataan ng mga millennial doon sa “po”, “opo” at pag-mamano. ‘Yun po yung ating gustong marinig at ibalik sa inyong mga kabataan sa kasalukuyan. Marami pong salamat.

Bigornia:          Thank you, Ma’am. Si Sonny Matula, ano naman kaya ang kasagutan mo, Sir?

Matula:             Napakagandang tanong ng ating mga kapatid ano, mula sa St. Paul. Thirty years ago ang inyong lingkod ay lider ng mga estudyante sa Mindanao State University. At kami ay hindi lamang nag-confine sa Mindanao State University, kami ay pumunta sa mga magsasaka sa Lala Kapatagan, sa Federation of Free Farmers at tumulong kami sa pag-oorganisa ng mga magsasaka.

Tumulong din kami sa pag-organisa ng Federation of Free Workers sa Iligan City, kasama na diyan ‘yung National Steel Corporation at iba pang mga kompanya sa Iligan.

Nang ako’y nagtratrabaho sa Institute of Social Orders sa Ateneo, ang mga kabataan ay binigyan din namin ng malaking papel para tumulong sa mga basic sector sa ating lipunan.

At nung nasa Federation of Free Workers kami, marami kami hinubog ng mga lider. ‘Yung mga pangulo ngayon ng aming mga unyon ay galing sa mga kabataan. Kaya ‘yun ay tuloy-tuloy nating suportahan na ang mga kabataan ang mangunguna sa…

0:17:17.0

[Bell rings]

Matula:             … ating bayan.

Bigornia:          Thank you, Sir. Mang Luther Meniano.

Meniano:         Magandang hapon po. Ang livelihood, sports and education, ang atin pong tuunan ng pansin para maiangat natin ang pangkabuhayan ng ating mga kabataan. At pangalawa po, kailangan din ng disiplina. Disiplina sa ating mga kabataan na dapat kailangan nila na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng disiplina ay – ang pang-apat po, ang aking mga nagagawang para sa taumbayan ay ‘yung pagpapakasal po ng mga hindi pa ikinakasal ng mga nasa kabataan dahil ‘pag hindi kasal, mga live-in partners lang ay parang hindi na buo ang pamilya. Kaya tinutulungan po namin na maikasal sila at magkaroon ng buong pamilya, masaya, at magkaroon ng masaganang kinabukasan. Maraming salamat po.

Bigornia:          Thank you, Sir. Mula naman kay Allan Montaño, sir.

Montaño:        Napakaganda nung katanungan. Si Atty. Montaño po ay naging isa sa mga co-converners nitong Nagkaisa Labor Coalition. Ito po ang isa sa pinakamalaki so far na nabuong coalition sa history ng buong bansa.

Ngayon, bilang isa sa mga co-conveners ng Nagkaisa Labor Coalition, ako po ay naatasan bilang chairman ng Lobbying Committee. Kami po ‘yung nag lo-lobby doon sa Lower House at saka sa Senate noong mga gusto nating measures na maisabatas.

Ngayon, isa sa mga usapin – ito ngang strengthening the Security of Tenure Bill, na kung saan – dahil nga ang karamihan sa biktima rito ay itong ating mga kabataan. Right? So isa sa mga isinusulong natin ‘yung Security of Tenure Bill.

Pangalawa, dahil nga itong ating mga newly graduates, mga kabataan natin, sila’y may kulang sa experiyensiya, sila ‘yung madalas na biktima, hindi lamang ng kontraktwalisasyon, pati itong mababang pasahod. So sila ‘yung inaabuso rin. Kaya kami, ina-advocate rin namin ‘yung pagpasa ng batas na dapat maging pantay-pantay ang pasahod nationwide. ‘Yung rationalization ng minimum wage. Among others, kulang lang tayo sa oras.

0:19:21.1

[Bell rings]

Montaño:        Maraming salamat.

Bigornia:          Thank you po, sir. Shariff Albani.

Albani:              Sa ngalan ng Diyos, na Siya’y maawain, matulungin at mapagmahal. Napakagandang katanungan po ‘yan. Una-una saluduhan natin – naririto kami ngayon dahil sa kabataan. Bilang isang kapatid niyong Muslim sa Mindanao, nagiging youth leader din ako. Nararanasan ko noong una hanggang sa ngayon continue ‘yung advocacy natin. Umiikot si Albani noon at the age of 16 up to ngayon, ang pagkakaisa ng Muslim-Christian at mga katutubo. Nakikita namin ‘yun ang tunay na sagot sa tunay na pagbabago, at tunay na kapayapaan.

Regarding sa mga kabataan, kayo po ang future generation ng bansa na ito. ‘Pag kami – mawawala din kami. Kayo na ang susunod na magiging lider sa bansa. Ang hinihingi lang namin – alam namin, matalino kayo kaysa sa amin, pero ‘yung moral and highly spiritual respect, sana magkaroon sa mga kabataan ngayon. Maraming salamat sa mga kabataan. Nawa’y sumainyo ang tunay na kapayapaan.

Bigornia:          Thank you po, sir. Gerald Arcega, anong sagot mo?

Arcega:             Ako po ay isa sa mga member din ng mga kabataan. Nakita niyo naman, batang-bata pa.

So ang kabataan po ay pag-asa ng ating bansa at ako po, ina-advocate namin sa bansa – sa Tagalog Youth Congress, sa New Philippine Sultanate ang pagtatatag ng mga kooperatiba na nagi-involve ng mga kabataan. Pero ang isyu po sa ngayon ng ating mga kabataan ay ang – karamihan na hindi nag-aaral.

0:20:57.3         So kailangan po mapatatag ang libreng edukasyon dito sa ating bansa.

Ako po, against sa K-12 eh. Napakadami lalo ng mga kabataan na hindi nag-aaral dahil sa K-12. So kailangan – siguro ang magiging trabaho ko, magiging misyon ko ay patatagin ang edukasyon ng ating mga kabataan dito sa bansa. At mai-inculcate sa isipan ang pagiging makabansa. Panahon na para magkaroon tayo ng mga kabataan na nagmamahal sa – ng tunay sa ating bayan at sa ating mga kababayan. Masha allah hu allah.

[Crowd clapping]

Bigornia:          Thank you sir. Marcelino Arias, kayo naman po.

Arias:                 Maraming salamat. Sabi ni Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Eh, paano kaming matatanda?

[Laughing]

Arias:                 Wala na bang pag-asa?

[Crowd clapping]

Arias:                 Kaya nakatayo ako rito para sabihin sa mga kabataan na tignan niyo ang halimbawa ng inyong mga magulang. At ‘yung mali, ‘wag niyong gayahin. At ‘yung tama, ‘yun ang ipamuhay niyo. Kaya ang pangungusap ko ngayon hapon, ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at ang matatanda ang katatagan ng ating bansa!

[Crowd clapping]

Arias:                 Ano ang nagawa ko na sa mga kabataan? May napaaral na po ako, ngayon mga abogado na. Consultant ng isang mayor! Mayroon po akong pinaaral, judge na po ngayon! At marami pong nakapagtapos at sila’y mga guro na.

[Bell rings]

0:22:38.5

Bigornia:          Maraming salamat po, Sir. Kayo naman po, Jonathan Baldevarona.

Baldevarona: Tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Kung mapapansin mo, ako ay isa ring Paulinian. I graduated my high school in St. Paul School, Barotac Nuevo, Iloilo.

Sa iyong tanong kapatid, sana masunod ang ating adhikain at sinusulong na batas para sa pamilyang Pilipino. Number 1 po ang mga kabataan dito sa ating sinusulong bilang pundasyon ng isang matatag na pamilya. Ang edukasyon ng mga bata na magsusulong ng sunod na henerasyon, magproprotekta sa sunod na henerasyon ay dapat mag-uumpisa sa inyo.

So Youth Empowerment for me ay dapat isusog doon sa mga batas na magdadagdag ng tibay sa kabuhayan at ikauunlad ng pamilyang Pilipino.

Ngayon po, kung tayo po ay palarin, ito po – isa po ito sa ating mga batas na dapat protektahan at isulong na talagang malagay sa implementation.

[Bell rings]

Bigornia:          Thank you.

Baldevarona: Maraming salamat.

Bigornia:          Maraming salamat po. Last po tayo, si Jesus Caceres.

Caceres:           Para sa akin po, dahil ako’y naging SK Chairman, huwag nating i-abolish ‘yung SK, ay napakahalaga po ng ating kabataan ay bigyan natin ng – maraming – matinding edukasyon. Ngayon pa lang po ay dapat matuto na sila kung paano mamahala at turuan ng moralidad at magagandang kaugalian.

Sundin natin ‘yung mga diwa ng ating mga bayani na dapat magkaroon tayo ng paggalang at maging marangal na tao sa darating na panahon sapagkat ang kabataan, sabi nga ni Gat – Dr. Jose Rizal – ang pag-asa ng bayan na sila ang susunod na henerasyon na hahawak sa ating pamahalaan. Kung hindi natin ngayon sila tuturuan ng mga pasistema ng paghahawak ng gobyerno, kailan pa?

0:24:34.1         Kaya ang important po magkaroon sila ng boses sa pamahalaan sa Senado, sa Kongreso upang ano man ang kanilang mga hinaing sa mga kanilang mga programa at sa susunod ng mga panahon ay dapat malaman ng ating pamahalaan. Salamat po at magandang hapon.

Bigornia:          Okay.

[Crowd clapping]

Bigornia:          Juan, friendship.

De Jesus:         Yes po.

Bigornia:          Pasok ba sa’yo? Oks ba sa’yo ‘yung mga naging sagot nila?

De Jesus:         Opo. Pasok na pasok po. Napakaganda po noong mga pinanggalingan po nilang background ‘no, at naging – ang nakakatuwa po dahil napakaganda noog mga programa at polisiyang ihahain nila. Kalakip po nito, ako po ay umaasa na sana po kung kayo po ay mabibigyan ng pagkakataon ay – nawa po ay ipatupad po niyo ang inyong mga sinabi. Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

Bigornia:          All right. Maraming salamat, Juan. Hinga lang po tayo sandali ha. Naku, umiinit, umiinit ang pagsabak ng mga kandidato sa ating Fast Talk, susunod na sa Harapn 2019.

[Music]

[Crowd clapping]

Part 5:

Elchico:            Fast Talk po tayong muli ah. Una po kayo, Ginoong Sonny Matula. Are you ready?

Matula:             Yes, sir.

Elchico:            Let’s begin. Bilang labor lawyer, ano ang pinakamalaking pasakit sa manggagawa ngayon?

Matula:             Ang kontraktwalisasyon at abusadong Labor-Only Contracting at abusadong 5-5-5.

Elchico:            Naging commissioner po kayo ng SSS, ano ang maisusulong mo para patatagin ang ating state pension fund?

Matula:             Dapat ang gobyerno ay magbibigay ng pondo sa SSS.

Elchico:            Pabor ka ba sa Charter Change?

Matula:             Pabor ako pero sa pamamagitan ng constitutional convention.

Elchico:            Ano po ang stand niyo sa Federalism?

Matula:             ‘Yung ating Federation of Free Workers ay noon pa man hanggang ay isinusulong ‘yung federal structure of government.

Elchico:            Kung magaling naman ang opisyal, dapat bang wala ng term limit?

Matula:             Ayaw ko po kasi ‘yung magaling na opisyal ay puwedeng mag-abuso rin ‘yan.

Elchico:            Sang-ayon ka ba sa Anti-Drug policy ni Pangulong Duterte?

Matula:             Sang-ayon ako ‘pag kontra sa drug pero ayaw ko ng patayan. Ang pulis ay to serve and to protect, not to kill and destroy.

Elchico:            Dagsa po ang mga Chinese ngayon, dapat bang ipa-deport ang mga illegal Chinese workers?

0:01:14.1

Matula:             Ang mga workers ay dapat protektahan. Kung iligal sila dito sa Pilipinas dapat i-proseso sila.

Elchico:            Kung ika’y senador noon, ano kaya ang magiging boto mo sa TRAIN bill?

Matula:             Ako po ay – ayaw ko ‘yung excise tax sa petrolyo, sa diesel at gasolina.

Elchico:            May dapat bang baguhin sa kalakaran sa Senado sa ngayon?

Matula:             Dapat baguhin na kasi dapat bago na at manggagawa naman sa Senado.

Elchico:            Kung mananalo ka, saan ka aalyado — administrasyon o oposisyon?

Matula:             Aalyado ako sa mga manggagawa. Kung ang administrasyon ay pabor sa manggagawa, susuporta ako.

Elchico:            Kung mayroon man, ano ang pinakamagandang nagawa ng Duterte administration para sa iyo?

Matula:             Ang kampanya against kontraktwalisasyon ay nakatulong pero hindi pa enough para malutas ang problema ng kontraktwalisasyon.

Elchico:            Kung wala kang garahe, dapat wala kang kotse. Agree or disagree?

Matula:             Agree siyempre.

Elchico:            Dapat bang i-regulate ang social media?

Matula:             ‘Yan ay dapat hindi i-regulate.

Elchico:            Anong matututunan ng millennial sa iyo?

Matula:             Ang tiyaga at hindi pagsusurrender sa ano mang laban.

Elchico:            Maraming, maraming salamat po.

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:            Doris?

0:02:24.9

Bigornia:          Tayo naman, Mang Luther Meniano.

[Crowd clapping]

Bigornia:          Sir, sabi po sa inyong CoC, isa kang businessman. Ano ang isusulong mong mga batas para tulungan ang mga maliliit na businessman?

Meniano:         Ang mga batas po nating isusulong ay patungkol dito sa food security and productivity on aquaculture and hydroponics.

Bigornia:          Okay. Kung ang anak mo ay nagkasala, papaluin mo ba?

Meniano:         Minsan.

Bigornia:          Minsan lang?

[Crowd laughing]

Bigornia:          Gaano kami – kadalas ang minsan?

[Crowd laughing]

Meniano:         ‘Pag talagang (naka-list) na.

Bigornia:          Okay. Sabi – ang tanong kanina, sino ang iniidolo mo na senador ano? Ngayon ang tanong ko naman, sino sa palagay mo ang dapat hindi idolohin na senador?

Meniano:         Mahirap. ‘Yung mga mandarambong siguro pero I do not name names.

Bigornia:          Okay. Suspension ng TRAIN Law, pabor ka?

Meniano:         May mga dapat nating amendahan.

Bigornia:          Mayroon bang nagawang maganda o mabuti ang Pangulong Duterte para sa iyo?

Meniano:         Marami.

Bigornia:          Kagaya po ng ano?

Meniano:         Itong drug on wars, ay kailangan lang na pagbutihin yoong implementasyon ng ating Philippine National Police.

Bigornia:          Ang detalye po SALN dapat lahat ba ibuyangyang?

0:03:36.3

Meniano:         Dapat ibuyangyang…

Bigornia:          Mm hmm.

Meniano:         …at malaman ng taumbayan ‘yung SALN natin.

Bigornia:          Anti-drug war, papaano ho ang inyong proseso sa palagay niyo?

Meniano:         Ang proseso wala pong patayan. Kailangan ng pulis ay imbestigahan ng husto at hindi lang lagyan ng karton at lagyan ng mga sachet at sabihin ng patay na, ay ikaw ay drug pusher, drug dealer. Hind po ganoon. Kailangan imbestigahan ng husto para ma-implementa ang batas ang maisalang ang ligal na proseso para sa mamamayang Pilipino.

Bigornia:          Sir, mayroon kayong solusyon sa traffic?

Meniano:         Mayroon po.

Bigornia:          Ano po ‘yun?

Meniano:         Imprastraktura.

Bigornia:          Gaya ng?

Meniano:         Gaya ng terminal para sa mga buses. Hindi po pwedeng gawing terminal ang EDSA. Kailangan lalabas po sila doon sa isang terminal para doon ang mga ating mamamayang Pilipino maganda po ang kanilang pag-uupo doon at namimili kung saan silang rota.

Bigornia:          Magsusulong – una mo bang isusulong ang batas laban sa endo?

Meniano:         Dapat po.

Bigornia:          Mm hmm.

Meniano:         End of contractualization but to do seasonal jobs naman ay ipagpatuloy natin yoong seasonal contractual doon sa seasonal job. But for long-term job, andoon na po tayo.

[Bell rings]

0:04:41.5

Meniano:         End up na ang endo.

Bigornia:          Thank you, sir.

[Music]

[Crowd clapping]

Elchico:            Maraming salamat. Fast talk naman tayo, Ginoong Allan Montaño. Ready, sir?

Montaño:        Yeah, ready.

Elchico:            Ipinanganak ka sa South Cotabato, bilang isang taga-Mindanao. BOL nga ba ang sagot sa problemang pangkapayapaan?

Montaño:        Ay mahalaga ‘yun, ang BOL, para magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

Elchico:            Bilang isang labor leader, ano ang pinakamalaking pasakit sa mga manggagawa ngayon?

Montaño:        Ang malaking pasakit is ‘yung talagang kakulangan sa trabaho.

Elchico:            Kung may matututunan ang millennial sa iyo, ano ‘yun?

Montaño:        Kapag may tiyaga, may nilaga.

Elchico:            Pabor ka ba sa Charter Change?

Montaño:        Pabor po ako pero through constitutional convention.

Elchico:            Ano ang stand mo sa Federalism?

Montaño:        Since college days, ako talagang — naging thesis ko ‘yan – ako ay pabor sa Pederalismo.

Elchico:            Nagnakaw ang isang opisyal ng gobyerno ng PHP100 million, dapat bang death penalty agad?

Montaño:        Proposal ko nga PHP10 million lang eh.

Elchico:            Pabor ka ba na tanggalin ang term limits sa mga halal na opisyal?

0:05:33.2

Montaño:        Hindi po.

Elchico:            Ano po ang stand niyo sa Anti-Drug policy ng Pangulong Duterte?

Montaño:        Maganda ‘yung kampanya kaya lang ‘yung execution dapat walang halong paglabag sa human rights.

Elchico:            Kung kayo ang pulis na hinagisan o sinabuyan ng taho, anong gagawin niyo?

Montaño:        Ah, syempre magreklamo ako. Magreklamo ako.

[Crowd laughing]

Elchico:            Dapat bang ipa-deport ang Chinese na ‘yun?

Montaño:        After due process, yes.

Elchico:            Dapat bang suspendihin ang TRAIN Law?

Montaño:        Sa kasalukuyan tingin ko kailangang pag-aralan because we have to study also carefully kung saan natin kukunin ‘yung panggastos sa free education, universal healthcare at sa aking – ating Build, Build, Build program. So kailangang pag-aralan ‘yan.

Elchico:            Kung mananalo ka, saan ka aalyado, administrasyon o oposisyon?

Montaño:        Aalya – maging kaalyado ako noong pumapabor para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Elchico:            Kung papalarin ka, ano ang isyu na una mong paiimbestigahan?

Montaño:        Kung sakali man ‘yung mga pangloloko sa mga magsasaka natin. Tingnan mo lahat ng biktima ng Napoles scam na ‘yun puro farmers ang naging dahilan doon.

Elchico:            Ano sa…

Montaño:        Sa ngayon, mahirap ang mga magsasaka natin.

0:06:29.3

Elchico:            Ano sa palagay mo ang pinakamagandang nagawa ng Duterte administration?

Montaño:        Well, so far itong campaign on drugs.

Elchico:            Dapat bang i-regulate ang social media?

Montaño:        Dapat lang. Walang – there is no such thing as absolute right.

Elchico:            Dapat bang ipatigil ang pagmimina sa buong bansa?

Montaño:        Ako hindi ako sumasang-ayon. Ibigay natin ‘yung pagkakataon sa pagmina na ‘yan. Gamitin natin ‘yung OFW funds. Kung may makinabang man ‘yan kundi sarili nating mamamayan hindi kung sino mang mga dayuhan.

Elchico:            Bigyan ng emergency powers ang Presidente to solve the traffic, yes or no?

[Bell rings]

Montaño:        Yes, pwede.

Elchico:            Thank you.

[Crowd clapping]

[Music]

Bigornia:          Okay. Tayo naman po, Mang Shariff Albani. Galing po kayo sa partido ng manggagawa at magsasaka, kung senador ka noong pagbotohan Rice Tariffication Law, ano kaya ang naging boto mo?

Albani:              No.

Bigornia:          Bakit po?

Albani:              Sapagkat ito nakikita natin ay isang sagabal sa sambayanang Pilipino.

Bigornia:          Mali – may mali sa batas sa palagay mo?

Albani:              Marami po.

Bigornia:          At anong babaguhin mo kung sakali?

0:07:26.7

Albani:              Ang gagawin po natin, marami pong nakatiwangwang na lupain dito sa bansa natin. We can convert the Southern Philippines through Mindanao into a food basket.

Bigornia:          Mm hmm. Pabor ka po ba na tanggalin ang term limits sa mga halal na opisyal?

Albani:              Hind po. Depende sa mga nagawa nilang tama sa bayan natin.

Bigornia:          Dapat po bang babaan ang retirement age sa Pilipinas?

Albani:              I think hindi po.

Bigornia:          Mm hmm. Sino sa palagay niyo ang ka-idolo-idolong senador?

Albani:              Sa panahon ngayon, wala. Ang kailangan ng idolo ko ‘yung bago dapat maglingkod sa sambayanang Pilipino.

Bigornia:          Kung mananalo po kayo, sir, saan ka aalyado, administrasyon o oposisyon?

Albani:              Naaalyado po ako sa sambayanang Pilipino na handang magserbisyo sa bayan kung sino ang nararapat sa kanila.

Bigornia:          Isyu po na inyong iimbestigihan unang-una kung sakaling palarin kayo?

Albani:              Unang-una po, nakikita natin na – tingnan natin ‘yung itong nakikita natin na Bangsamoro Organic Law because as a Muslim, nakikita natin ay isang siyang solusyon pero kailangan dagdagan natin because the stakeholder kailangan naroroon…

Bigornia:          Mm hmm.

Albani:              …like the MNLF, the Sultanate, the aborigine which is the indigenous people and the Christian.

Bigornia:          Okay.

Albani:              So sana magiging long lasting peace solution in our country.

0:08:49.1

Bigornia:          Umaangal po ang mga manggagawa sa minimum wage na itinatakda ng mga Wage Board, dapat po bang buwagin na ang Wage Board?

Albani:              Dapat po at sana dagdagan ang minimum wage.

Bigornia:          Anong naging batas ang hindi dapat naging batas para sa iyo?

Albani:              TRAIN Law.

Bigornia:          Dapat bang i-regulate ang social media?

Albani:              Yes po.

Bigornia:          Ang pagmimina po sa buong bansa?

Albani:              Tayo po sana…

[Bell rings]

Albani:              …we are the…

Elchico:            Thank you.

Bigornia:          Thank you.

Elchico:            Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:            Ikaw na, Gerald Arcega.

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:            Let’s begin.

[Crowd clapping]

Elchico:            Galing po kayo sa Labor Party of the Philippines, ano sa tingin mo ang dapat ba tayong maalarma sa pagdating ng mga Chinese workers sa bansa?

Arcega:             Dapat po. Mas prioridad dapat ang kapwa nating Pinoy hindi ang mga Instik na yan.

Elchico:            Chinese po.

0:09:36.3

Arcega:             ‘Yung mga Chinese.

Elchico:            Sang-ayon po ba kayo na ipa-deport ang mga illegal Chinese workers?

Arcega:             Sang-ayon po ako. Dapat lang.

Elchico:            Pabor po ba kayo sa Charter Change?

Arcega:             Pabor po ako kung constitutional convention.

Elchico:            Federalism, anong stand niyo?

Arcega:             Federal parliamentary po ang nararapat sa atin hindi po presidential.

Elchico:            Maraming nanonood na millennials, ano ang pinakaproblema ng millennials sa palagay mo…

Arcega:             Ang…

Elchico:            …kung mayroon man?

Arcega:             Ang lack of education po at ang pagiging makabayan nawawala na sa ating mga kabataan.

Elchico:            Nagnakaw sa kaban ng bayan, death penalty ba dapat agad?

Arcega:             Dapat lang bitayin ang mga corrupt.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:            Anti-Drug policy ng Pangulong Duterte, ano ang dapat baguhin kung mayroon man?

Arcega:             Dapat unahin ang mga drug lords. Patayin ang mga drug lords, ‘yan ang nararapat. Hindi lang ‘yung mga maliliit na mga pusher ang namamatay, dapat ‘yung pinakamalalaking drug lords.

Elchico:            Ano ang ayaw mo sa TRAIN Law kung mayroon man?

Arcega:             Excise tax.

Elchico:            Sino ang idolo mong senador at bakit?

0:10:35.5

Arcega:             Miriam Defensor-Santiago.

Elchico:            Dahil?

Arcega:             Parehas kami ng prinsipyo at paninindigan.

Elchico:            Dapat bang isiwalat ni Pangulong Duterte ang lagay ng kanyang kalusugan?

Arcega:             Dapat lang po.

Elchico:            Kung mananalo ka, ano ang unang isyung iimbestigahan mo?

Arcega:             Once and for all ‘yung PHP6.4 bilyon na shabu na ‘yan kailangang maimbistigahan as soon as possible.

Elchico:            Kung wala kang garahe, dapat ba walang kang kotse?

Arcega:             Wala po akong garahe, pero may kotse ako.

[Crowd laughing]

Elchico:            So dapat okay lang…

Arcega:             Okay lang.

Elchico:            …na may kotse? Dapat bang i-regulate ang social media?

Arcega:             Dapat lang po.

Elchico:            Dahil?

Arcega:             Marami pong mga kabataan natin na nalululong na talaga sa social media so marami pong mga dapat na i-regulate lalung-lalo…

Elchico:            Kung ika’y tatanungin, dapat na bang ipatigil ang pagmimina ng anumang uri sa buong bansa?

Arcega:             Lahat po ng foreign corporation na na-involve sa minahan dapat ipatanggal ng ating gobyerno. Dapat ang mga…

[Bell rings]

Elchico:            Thank you po. Maraming salamat, Ginoong Gerald Arcega.

[Music]

0:11:34.3

[Crowd clapping]

Bigornia:          All right. Tayo naman po, Mang Marcelino Arias.

[Crowd clapping]

Bigornia:          Mang Seling, bilang isang senior citizen pero hindi naman yata masyado halata ‘no, ano ang inyong isusulong na batas para mapabuti ang ating mga senior citizens?

Arias:                 Kagaya po ngayon, ang isusulong kung batas eh bigyan ng mandato ang mga barangay na i-inventory ang mga senior citizen para ang biyaya ay diretso na rin sa barangay at kung magluko ang barangay madali mahuli.

[Crowd laughing]

Bigornia:          Okay.

[Crowd clapping]

Bigornia:          Dapat po ba may natapos na college degree ang sino mang tatakbong senador?

Arias:                 Hindi na po. Basta ‘yung taong ‘yan eh ay may mabuting pag-iisip.

Bigornia:          Mm hmm. May dapat…

[Crowd clapping]

Bigornia:          …bang baguhin sa kalakaran ng Senado?

Arias:                 Oo, pagdating namin doon babaguhin nating lahat ‘yan.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Bigornia:          Sino po – sino po ang idol mo – idolo mong senador at bakit?

Arias:                 Matagal na po ang – ang pinaka-idolo ko po si Ganzon.

Bigornia:          Sino po, sir?

Arias:                 Si Ganzon, si Recto.

0:12:47.0

Bigornia:          Mm hmm.

Arias:                 ‘Yan ang mga senador ko.

[Crowd laughing]

Bigornia:          Ah, okay. Ayos, okay.

[Crowd laughing]

Bigornia:          Kung wala kang – kung wala kang garahe dapat po bang walang kotse?

Arias:                 Bakit naman ganoon?

[Crowd laughing]

Bigornia:          Ayaw niyo?

Arias:                 Eh, pwede naman ako makigarahe sa gasolinahan?

[Crowd laughing]

[Crowd clapping]

Bigornia:          Eh, magbabayad po kayo doon. Okay lang magbayad?

Arias:                 Kung may kotse ako syempre may pera ako.

[Crowd laughing]

[Crowd clapping]

Bigornia:          Ayos. Pasakay na lang po sa kotse niyo ha? Dapat po bang i-regulate ang social media?

Arias:                 Dapat lang.

Bigornia:          Opo.

Arias:                 Kaya nga po isusulong ko ‘yung freedom of information.

[Crowd clapping]

Bigornia:          Okay. Wala ng fake news, gusto mo?

Arias:                 Wala na ho fake news.

[Crowd laughing]

0:13:34.3

Bigornia:          Ah, okay. Rerendahan?

Arias:                 May renda ho.

[Crowd laughing]

Bigornia:          Okay. Magiging strikto ka?

Arias:                 Strikto ang batas.

Bigornia:          Mm hmm. Bababaan po ba dapat ang retirement age?

Arias:                 Igaya na ho natin doon sa retirement age ng pulis…

[Bell rings]

Arias:                 …singkwentay-kwatro.

Bigornia:          Okay. Maraming salamat po sir.

[Crowd clapping]

Elchico:            Maraming, maraming salamat po. Ang mensahe…

[Music]

[Crowd laughing]

Elchico:            …ng mga kandidato para sa mga botante sa huling ratsada ng ating Harapan2019.

[Music]

[Crowd clapping]

Part 6:

Elchico:            Sa pagtatapos ng ating Harapan, narito naman po ang mga huling mensahe ng mga kasama nating mga kandidato.

Bigornia:          Harapin po niyo ang taumbayan at sabihin kung bakit kayo ang dapat nilang iboto at paano niyo ipapakita ang pagmamahal sa bayan. Isang minuto lang po. Charlie Gaddi.

Gaddi:               Mahal ko ang aking bayan kung kaya sumali ako sa partidong Pederalismo – nagsusulong ng pederalismo. Sapagkat naniniwala ako sa pagkakaroon lamang ng bagong sistema, magkakaroon ng tunay na pagbabago ang bansa. Kung kaya pagdating po ng halalan, huwag niyo pong kalilimutan ang aking numero, 31 po, huling numero sa kalendaryo. Maraming salamat po.

Elchico:            Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

Elchico:            Kayo naman po, Emily Mallillin.

Mallillin:          Panawagan ko lang po sa bawat Pilipino, nawa itong susunod pong halalan, mag-iwan na po tayo ng ating mga legasiya. Huwag na po nating uulitin pa sa susunod. Magsimula na po tayong mag-iwan ng para po sa susunod na henerasyon. Sa ating mga ina po, nang sa ganoon, huwag po tayong pumayag na ganitong klase ng bayan ang ating iiwanan, ganito klaseng kagulo at ganitong klaseng kasalimuot ang ating iiwan sa ating mga apo at sa ating mga susunod na henerasyon. Number 42 po sa balota, Emily Telan Mallillin po. Itawis po kami at saka Ilokano. Mabuhay po tayong lahat.

Bigornia:          Thank you, Ma’am.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Bigornia:          Kayo naman po, Mang Jose Matula.

0:01:49.3

[Crowd clapping]

Matula:             Kwarentay-dos milyones ang mga manggagawang Pilipino, walang representasyon sa Senado. Sa kasalukuyan, ang inyong lingkod ay nagsusulong ng regular na trabaho, tuldukan ang endo, pambansang sahod hindi regional wages. Palakasin natin ang ating Social Security. Ang mga manggagawang nag-organisa ng unyon ay dapat protektahan sa kanilang mga karapatan.

Ang mga manggagawa ngayon ay huwag dapat matakot sa kapangyarihan. Ang manggagawa dapat ang humawak sa kapangyarihan. Walang tunay na makapagsalita para sa mga manggagawa, para sa mga magsasaka kung hindi ang mga taong nanggagaling sa kanilang hanay. Manggagawa naman ang ating ilagay sa Senado…

[Bell rings]

Matula:             …sa darating na Mayo.

[Crowd clapping]

Elchico:            Thank you po. Maraming salamat. Kausapin mo ang publiko, Luther Meniano.

[Crowd cheering]

Meniano:         Magandang hapon po sa inyong lahat.

[Crowd clapping]

Meniano:         Mula sa Labor Party Philippines, atin pong wakasan ang kontraktwalisasyon, kahirapan at itong korapsyon na ito. Kailangan po isulong natin sa Senado the Law of Tranquility, LoT, Law of Territory, LoT, and the Law of Transparency, LoT. At also, I am going to pass a law for the livelihood on track, LoT.

Marami pa po tayong batas para sa mga manggagawang Pilipino – 12 million underemployed, 12 million unemployed and we have 39% ng mga botante natin ay galing sa mga kabataan kaya po representahan po natin sila for livelihood, sports, and education para sa mga kabataan at manggagawang Pilipino. Magandang hapon po sa inyong lahat.

0:03:49.9

Bigornia:          Thank you, sir.

[Crowd clapping]

Bigornia:          Mang Allan Montaño, ikaw naman.

Montaño:        It’s time for labor to win.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Montaño:        Kung sakali po si Atty. Montaño na tubong South Cotabato ay mailuklok sa Senado, panahon na para lumikha tayo ng disenteng trabaho, A agrikultura at industriya ay palakasin. B, babaan ang presyo ng pangunahing bilihin. O, OFW defense and empowerment sa pamamagitan ng pag-establish ng OFW investment fund with the return of investment at the rate of 12% with state guaranty. At ‘yun ang magsisilbing puhunan para doon po sa ibang – iba’t-ibang activities na makapag-generate ng enough jobs para sa ating mga mamamayan.

Double – R, regular na trabaho. Tuldukan ang endo. W for wages. Dapat i-nationalize na ang minimum wage. Wala nang basis, walang factual basis ang regionalization ng wage dahil mas mahal pa sa ngayon ang bilihin, ang bigas, ang de lata sa probinsiya kaysa sa Metro Manila. And finally, ang at – ang I, insurance or unemployment insurance para doon sa ating mga kababayang nawawalan ng trabaho.

[Bell rings]

Elchico:            Thank you.

Montaño:        Kailangan ng ayuda sa gobyerno. Maraming salamat.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

0:04:58.6

Elchico:            Mm hmm. Isang bagsak para kay Shariff Albani.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Albani:              Salamat sa mga kapatid kong mamamayang Pilipino, Luzon, Visayas and Mindanao. Tumatakbo po si Albani. We have 24 Senators in our country today: 21 in Luzon, 3 in Visayas, none in Mindanao. Wala po tayong boses sa Mindanao.

Out of 100% income of the national government, 65% came from Mindanao, 35% Luzon and Visayas. Without Mindanao, the Philippines can never stand alone. Kailangan po natin ang boses sa Mindanao.

Our country today has a multifarious problem – problem of morality, child abuse, disease, corruption, terrorism, killing. All problem in the Philippines, the root cause is poverty. We have to eliminate our poverty today.

Ano po ang dahilan na paano natin ma-eliminate or ma-eradicate ang poverty? Nakikita ko ang hidwaan sa Mindanao, more than 600 years na ang hidwaan, hindi pagkakaintindihan ng Muslim, Christian at mga katutubo lalung-lalo na ang ating gobyerno. Ang tunay na – kasalukuyan na solusyon, kailangan na po at napapanahon, magkaisa ang Muslim, Christian at mga katutubo.

[Bell rings]

Albani:              ‘Yun lamang ang tunay na sagot…

Elchico:            Thank you.

Albani:              …sa pagbabago…

Bigornia:          Thank you.

[Crowd clapping]

Albani:              …at kapayapaan.

Elchico:            Maraming salamat po.

0:06:08.9

Bigornia:          Thank you, sir. Ikaw na ba ang Mr. Right para sa amin, Gerald Arcega?

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

[Music]

Arcega:             As-Salaam-Alaikum! La Ilaha Ill-Allah Muhammad Rasool Allah. There is none who has the right to be worshipped but Allah.

Ako po si Gerald Balita Arcega, number 10 po sa balota, tinawag na Senador Bitay. Naniniwala po ako na ang tunay na ugat ng kahirapan dito sa bansa ay ang korapsyon. Kaya po isinisigaw ko na bitayin ang mga korap para sa mga susunod na henerasyon. Hindi na po tama. Pag-asa natin ang mga bagong lider po ng bansa natin. Maawa na tayo sa ating mga anak, sa ating mga apo.

Sa susunod na mga lider ng bansa, kailangan nating magkaroon ng isang malinis na gobyerno. Nawawala na po ang malinis na gobyerno na ipinaglalaban natin noon. Ngayon po, panahon na ng pagkakaisa. Tayo naman. Huwag na – huwang ‘yang mga mandarambong na ‘yan. Huwag ang mga pulitiko – ang mga pulitikong korap, walang puwang sa ating lipunan. Dapat po iboto natin ang tama. Mag-isip po tayo nang tama. Mabuhay po kayo.

[Bell rings]

Arcega:             Mabuhay ang sambayanang Pilipino.

Elchico:            Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

[Music]

Elchico:            Kayo naman po, Mang Marcelino Arias.

0:07:21.2

[Crowd clapping]

Arias:                 Hindi ko maintindihan bakit tinawag niyo akong Mang.

[Crowd laughing]

Elchico:            Sorry po. Mr. Marcelino Arias.

Bigornia:          Kuya.

[Crowd laughing]

Arias:                 Mag-ootsenta’y uno anyos na po ako.

[Crowd cheering]

Arias:                 Pero kung ako ang inyong itapon sa Senado…

[Crowd laughing]

Arias:                 …unang-unang gagawin ko po, imbestigahan natin at ipasunod ang desisyon ng United Nation tungkol diyan sa South China Sea. Atin ‘yan!

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Arias:                 Pangalawa po, pag-isahin natin ang kapitalista at ang mga manggagawa para tumaas ang middle class ng ating bansa sa pamamagitan ng profit-sharing. Hindi ko maintindihan kung naintindihan niyo ‘yun eh.

[Crowd clapping]

[Crowd laughing]

[Crowd cheering]

Arias:                 Pero ganoon pa man, mabuhay tayong lahat!

[Crowd cheering]

[Bell rings]

Bigornia:          Okay.

Elchico:            Maraming salamat po.

0:08:23.4

Arias:                 Arias! (Pastor).

[Crowd cheering]

Elchico:            Thank you, sir.

[Crowd cheering]

Arias:                 (Inaudible)

Elchico:            Thank you, sir.

Bigornia:          Opo, sir. Opo, sir.

[Crowd cheering]

Bigornia:          Okay. Si Mang Jonathan naman. Jonathan Baldevarona.

[Crowd clapping]

Baldevarona: Kuya Balde po ng pamilyang Pilipino. Maayong hapon sa inyong tanan kag sa tanan ya na naglantaw dira sa Iloilo, sa Region 6, sa mga kababayan ko, sa buong Pilipinas.

Ito po ang Balde ng pamilyang Pilipino. Tutulungan ko po kayong ayusin ang batas para protektahan ang – ang kalagayan ng pamilyang Pilipino. We will solve the problem from where it starts, sa pamilya po natin unahin kung saan nag-umpisa ang lahat ng problema. Hindi po agawan sa teritoryo ang dapat unahin nating i-solve. Agawan – ang giyera po ngayon ay nandoon sa lamesa, agawan ng isusubo na kanin at ulam sa lamesa. ‘Yun po ang uunahin natin. ‘Pag natapos po natin ‘yung mga problema na ‘yan at nabigyan na natin ng tibay ang pamilyang Pilipino, kasunod na po doon ang tibay at matatag na bansa. Uunlad ang Pilipinas. Umpisahan natin sa pamilyang Pilipino.

Life begins at 14. Number 14 po sa balota, ang inyong Balde…

[Bell rings]

Baldevarona: …ng bayan.

Elchico:            Thank you.

0:09:38.1

[Music]

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:            Banatan mo, Jesus Caceres.

Caceres:           Magandang hapon po ulit sa lahat. Panahon na po upang isulong natin ang Bayanihan Federalism. Ibalik natin ang kapangyarihan sa mga tao. Magbabago ng sistema ng gobyerno at liderato.

Mga kababayan, ang inyo pong tiwala ang hinihintay ng ating bansa. Tulad ng ating mga pambansang bayaning sina Gat Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio at iba pa, walang takot na sinuong ang laban makamtam lang ang kalayaan ng ating bayan. Kaya itong korap – itong korapsyon na ito, ‘tong paghihirap natin na gawa ng ating mga kababayang mga lider, nasa atin po ang solusyon. Sundin po natin ang ating puso – sinasabi ng ating puso sa pagpili ng ating mga lider dahil nasa ating puso nakatira ang pinaka-importante sa lahat, ang ating buhay – sapagkat ang puso ay hindi ‘yan nagsisinungaling.

Magkaisa tayo. Tulad ng bahaghari, magkakaiba ang kulay ngunit hindi naglalamangan, hindi nagdadayaan. Magkakaparehas ang sukat at magkakasama saan man pumaroon. Ang iniisip ang kapakanan ng bayan hindi pansariling interes lamang. Number…

[Bell rings]

Caceres:           …17, Caceres.

Bigornia:          Thank you po.

[Music]

[Crowd clapping]

Bigornia:          Maraming salamat. At last hugot mo, Mel Chavez.

0:10:50.7

Chavez:             Salamat, Doris at saka Alvin. Sa ating mga kababayan, ako ho ang tagapangulo o presidente ng Labor Party. Siyam ho ang aming kandidato at siyempre 7 ho nandidito sa amin sa – sa atin hong harapan ngayon.

[Crowd clapping]

Chavez:             Kaya kailangan ko ho nating – kami ho ay tuloy – tulong- tulong para manalo. Andito ho ang aming IPs na si Digayuma. Nasa labas siya. Hindi kasama.

[Crowd laughing]

Chavez:             Nandito ngayon ang aming senior, ang aming abogado…

[Crowd clapping]

[Crowd laughing]

Chavez:             …ang amin hong mga labor leaders, si Meniano, si Matula, ganoon din ho si Montaño.

[Crowd laughing]

Chavez:             At ‘yan po ang mga kasama kong si (inaudible)…

[Crowd laughing]

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:            Okay lang, sir. May 10 seconds ka pa. Mm hmm.

Chavez:             Ganun din ho si Ginoong Afuang. Sa inyong lahat, maraming salamat! Manalo kami!

[Bell rings]

Chavez:             Para sa (lahat).

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:            Maraming maraming salamat po.

Bigornia:          Maraming salamat.

0:11:54.4

[Music]

Elchico:            Maraming salamat sa ating mga kandidato. Partner?

Bigornia:          Maraming maraming salamat po sa ating mga kandidato at siyempre pa sa mga kasama nating live na live audience lalo na ang mga Bayan Patroller at ang ating partner schools: University of the Philippines, University of Asia and the Pacific, STI, at Far Eastern University. Ako po si Doris Bigornia.

[Crowd clapping]

Elchico:            At ako po si Alvin Elchico.

[Crowd clapping]

Elchico:            Ito po ang Harapan 2019.

[Music]

 

 

Tags:

Related Posts