(TRANSCRIPT) Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate » Manila Bulletin News

Manila Bulletin Philippines

Breaking News from the Nation's leading newspaper

Tempo

Online Newspaper

Showbiz and Celebrity News

Sports News

World News
News Asia

(TRANSCRIPT) Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate

MARCH 3, 2019, 7:00 PM

Updated

(L-R) Senatorial candidates Ernesto Arellano, Toti Casino, Leody De Guzman, JV Ejercito, Elmer Francisco, RJ Javellana, Dado Padilla, Dan Roleda greet the audience during the fourth installment of ABS-CBN's Harapan 2019 Sunday night, March 3, 2019. (ALVIN KASIBAN / MANILA BULLETIN)

(L-R) Senatorial candidates Ernesto Arellano, Toti Casino, Leody De Guzman, JV Ejercito, Elmer Francisco, RJ Javellana, Dado Padilla, Dan Roleda greet the audience during the fourth installment of ABS-CBN’s Harapan 2019 Sunday night, March 3, 2019. (ALVIN KASIBAN / MANILA BULLETIN)

(Transcription by Farmout Central InTouch Inc – http://www.farmout.ph)

0:00:00.5

Elchico:         Harapan na Pilipinas. Walong kandidato sa pagka-senador, haharap sa taumbayan, live.

Bigornia:        Animnaput-dalawa ang naglalaban-laban para sa 12 puwesto sa Senado. Sino sa kanila ang makakasagot sa mga tanong at hinaing ng bayan? Ako po si Doris Bigornia.

Elchico:         At ako naman po si Alvin Elchico. Ito ang pang-apat na Senatorial Town Hall Debate ng ABS-CBN. Kapamilya, tutok na sa ating Harapan 2019.

[Crowd cheering]

[Music playing]

[Crowd cheering]

Elchico:         Sasamahan pa rin po tayo ng Mutya ng Masa, Doris Bigornia, dahil nagpapagaling pa po ang ating kasamang si Karen Davila. Get well soon, Karen.

Simulan na po natin ang ating Harapan, sa opening statement ng mga kandidatong kasama natin ngayong gabi.

Ang tanong, ano ang vision o pangarap mo para sa Senado at ano ang pangunahing batas na isusulong mo?

Una kang sasalang, Ernesto Arellano.

[Crowd cheering]

[Music playing]

Arellano:        Naimbag nga rabii yo amin, apo. Ako si Ernesto Arellano, isang abogado, (number 11 sa balota).Ako’y nominadong kandidato ng KKK, Katipunan.Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi. Ito ay isang partido na binubuo ng 12. Pero dalawa sa amin ang hindi pinayagan dahil daw ay nuisance candidate.

Isang hindi magandang palatandaan dahil ginagawa ng election para sa mga milyonaryo lamang.

0:02:33.6      Sa loob ng 50 taon na ako ay naging abogado ng mga manggagawa, walang kaso ng mga employer, aking natuklasan na kailangan dalhin ang laban – laban ng mga manggagawa, mga informal settlers, at mga mamamayang nasa laylayan sa Senado.

Ang Senado ay isa sa pinakamataas na ahensya ng gobyerno. Ito ang body na kung saan ipapamalas sana ng mamamayan na ang kanilang kataas-taasang awtoridad, ito ‘yung sinasabi nilang “sovereignty resides in the people”. Kaya ito ang isa sa katotohanan…

[Bell rings]

Arellano:        …una.

Elchico:         Thank you po, Sir. Maraming, maraming salamat.

[Music playing]

[Crowd cheering]

Bigornia:        Ikaw naman po, Toti Casiño.

[Crowd cheering]

Casiño:           Ako po si Toti Casiño ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino. Ang aking pangarap sa Senado ay guluhin, bulabugin sila para maging masigla at masigasig dahil maraming kailangan na patakaran na baguhin sa ating pamahalaan. Sa loob ng tatlong taon, pipili tayo ng bagong pangulo.

[Crowd cheering]

Casiño:           Mantakin niyo ‘yan. Pero maraming pangangailangan ang ating magsasaka, ang ating mga guro, ang ating mga OFW, ang ating mangingisda.Pero nasaan tayo ngayon? Wala!

[Crowd clapping]

Casiño:           (Basta ako na nagtataya) at nakakahiya ang ating – ang ating takbo sa ating rehiyon. Kahiya-hiya na tayo. Papayag ba kayo niyan?

[Crowd cheering]

0:04:22.2

Casiño:           Ang kailangan natin ay masigla at masigasig na Senado, nagtatrabaho 24 oras, pitong araw kada linggo, walang tulugan! Kaya niyo ba ‘yan?

Kaya piliin niyo ang mga kandidato ng KDP!

[Crowd cheering]

Casiño:           Katipunan ng Demokratikong Pilipino, kami ay masigasig, kami’y mga makabago! Hindi kami pangkaraniwan na kandidato! Ang pangunahin kong – ang pangunahin kong pakay  sa Senado ay ayusin ang halalan ng malawakang kadayaan.

[Crowd cheering]

Casiño:       Tanggalin ang SmartMatic, ayusin na ‘yung protesta, itong pangalawang pangulo dahil doon malalaman natin kung sino talaga ang nagwagi noong halalan noong 2016!

[Crowd cheering]

Casiño:       Para malaman natin ang katotohanan. Kayong mga nasa buong daigdig na nakikinig, nagdaya ang COMELEC noong 2016.

[Crowd cheering]

[Bell rings]

Elchico:      Maraming salamat po.

[Music]

Elchico:      Magpakilala ka, Leody De Guzman.

[Crowd cheering]

De Guzman:        Ako po si Ka Leody De Guzman, mula sa Naujan, Oriental Mindoro. Doon po ako ipinanganak at lumaki, nakapagtapos ng high school. After ho ng aking graduation nung high school, two days after ng aking pag-graduate ng high school naging manggagawa na ho ako sa pabrika dahil mahirap ang buhay ng aking nanay, tatay – magsasaka, kaya ako’y naging factory worker for 12 years.

0:05:49.8  Pero gusto ko sanang umunlad rin ang buhay kaya nag-working student ako at nakapag tapos ako ng BS Custom Administration. Kaya lang, eh nagkaroon ng pagpatay kay Ninoy Aquino at napasama ako doon sa kilusan laban sa diktadurang Marcos at ‘yun iniwan ko na ‘yung aking napag-aralan at ako’y nagtuloy-tuloy na ng pagkilos para ipagtanggol ang karapatan ng mga manggagawa at ng mga masang naaapi.

[Crowd clapping]

De Guzman:        Kulang ang palakpak.

[Laughing]

[Crowd clapping]

De Guzman:        Ah, pangarap ko sa Senado ay maging Senado ng manggagawa at ng masang Pilipino, hindi ng elitista at ng mga trapo na siyang nangyari sa mahabang panahon.

[Crowd clapping]

De Guzman:        ‘Yun po ‘yung pangarap ko sa Senado. Maging Senado ng mamamayan hindi ng iilan. Kaya’t pangarap ko na pagka ako’y nanalo – kung sakali palarin na manalo sa Senado ay isusulong ko ‘yung trabahong regular, hindi kontraktwal. Dahil hindi kontraktwal ang pagbabayad ng kuryente, ng…

[Crowd clapping]

[Bell rings]

De Guzman:        …tubig, ng tuition fee.

Birgonia:    Salamat po.

De Guzman:        Kaya dapat regular ang trabaho.

[Music]

Birgonia:    Thank you, Ka Leody.

De Guzman:        Maraming salamat.

Bigornia:    Salamat po. Haharap din sa taumbayan, Senador JV Ejercito.

[Crowd cheering]

0:07:15.5

Ejercito:     Magandang gabi po sa inyong lahat. Para masabing ikaw ay matagumpay na lingkod-bayan, dapat mai-angat mo ang antas ng buhay ng iyong nasasakupan.

Nung ako’y nagsimula bilang mayor ng San Juan 2001, ay reporma ang aking isinagawa upang maging maayos, magkaroon ng tiwala sa – ang mamamayan at mga investor sa atin pong panunungkulan.

At para ho umikli, ay ang atin pong panunungkulan ay nakilala ang San Juan bilang the most financially managed LGU. At higit sa lahat ang aking pinagmamalaki, the lowest poverty incidence – the local government unit with the lowest poverty incidence. Ibig sabihin, nabigyan natin ng trabaho, maganda, masigla ang ekonomiya, ang bilang na mahihirap ay kakaunti.

Ngayon ako’y nabigyan ng pagkakataon na mapunta sa Senado, isinulong din natin ang mga batas na kung saan ang layunin nating mai-angat ang antas ng buhay at guminhawa ang buhay ng bawat Pilipino. Sa pagsasabatas at pagpirma ng Pangulo kamakailan ng Universal Health Care Law at ng creation ng Department of Human Settlements, isa po para sa kalusugan at isa po para pa sa pabahay ay isa na rin pong pagtupad sa atin pong pangako na gusto nating guminhawa ang buhay ng bawat Pilipino.

Ngunit hindi pa tayo tapos, hangga’t mayroon pang mahihirap, hangga’t marami pang problema ay marami pa tayong dapat gawin. At ‘yan ang nais nating isulong kung paano pa maging – guminhawa ang buhay ng…

[Bell rings]

Ejercito:     …bawat Pilipino. Mabuhay.

Elchico:      Thank you po.

[Crowd cheering]

Elchico:      Ang susunod, Elmer Francisco.

[Music]

0:08:52.5

[Crowd cheering]

Francisco:  Magandang gabi po sa inyong lahat, ako po si Elmer Francisco, numero 30 sa inyong balota, mula sa Partido Federal ng Pilipinas.

Ang pamilya Francisco po ay gumagawa nuong Francisco Jeepney simula 1942. 72 years na po tayong nagbibigay ng daan-daang libong trabaho at kabuhayan sa mga jeepney drivers, sa mga jeepney operators at sa mga manggagawa ng jeepney.

Ano po ba ng pangarap ni Francisco sa Senado? Ang gusto po nating makita ay mga Senador tulad po natin na mag – na tutulong magpa-angat ng buhay ng mga Pilipino mula sa kahirapan. Kaya ang number one po na legislative agenda natin ay pambansang industriyalisasyon.

Para po mapababa natin ang presyo ng mga transportasyon, ng mga bilihin, ng pagkain, pati mapababa natin inflation at makapag-bigay ng milyun-milyong trabaho para sa mga Pilipino tulad po ng ginagawa natin sa Camarines Norte, kay Mayor Dong Padilla sa Jose Panganiban, gumagawa po tayo ng 30,000 jobs sa economic zone at mayroon pong international airport.

Sa Laguna rin po, kay Gov. E.R. Ejercito na kasama rin natin sa partido, na napakaraming trabaho sa Laguna. At sa Capas, Tarlac, kay Mayor TJ Rodriguez, na gagawa rin po tayo ng sobrang daming trabaho. At napakarami pa po nating gagawin ‘pag nasa Senado.

[Bell rings]

Elchico:         Thank you.

Bigornia:        Maraming salamat po, Sir.

[Music]

[Crowd clapping]

Bigornia:        Ikaw naman, RJ Javellana.

0:10:38.3

[Crowd cheering]

Javellana:      Mabuhay ang Pilipinas!

[Crowd cheering]

Javellana:      Ako po si Rodolfo B. Javella, Jr., ang aking nickname ay RJ. Ang numero ko po sa balota ay 39. Ang aking partido, Katipunan ng Demokratikong Pilipino.

Kasama ko po sa listahan si Prof. Butch Valdez, Atty. Glenn Chong, Atty. Larry Gadon.

[Crowd cheering]

Javellana:      Nand’yan po si Atty. – si Prof. Toti Casiño.

[Crowd cheering]

Javellana:      At siyempre, huwag po natin kalilimutan si Lady Ann Sahidulla.

[Crowd cheering]

Javellana:      Ano po ang pangarap ni RJ Javellana sa Senado? Isang Senado na demokratiko, isang Senado na may paninindigan, isang Senado na patriyotiko.

Ano po ang nais ni RJ Javellana na unang batas na gagawin sa Senado? Nais ko po na magpasa ng isang batas upang magkaroon ng re-nasyonalisasyon ng mga istratehikong mga industriya ng ating bayan…

[Crowd cheering]

Javellana:      …tulad po ng kuryente na napaka-mahal, na kontrolado ng mga oligarko – tubig, transportasyon, at marami pang iba.

Iyan po ang aking mga pangunahing gagawin sa Senado para matulungan po ang lahat ng sektor – ang consumers, ang commuters, ang masang Pilipino.

Muli, ako po si RJ Javellana Jr., Pilipino, 39 sa balota, patriyotiko.

0:12:19.6

[Crowd cheering]

Javellana:      Marami pong salamat. Mabuhay po kayong lahat.

[Crowd cheering]

Elchico:         Maraming salamat. Hinihintay ang sagot mo, Dado Padilla.

[Music]

[Crowd cheering]

Padilla:           Magandang gabi po sa inyong lahat. Ako po si Dado Padilla, anak ng manggagawang bukid, isang magsasaka, guro, at isang abogado.

Nanungkulan po sa pamahalaan kasama ng ating Pangulong Duterte upang matupad ang ipinangakong pagbabago. Tulad po ni – ng Pangulong Duterte, nais ko po sana ang isang bansang ligtas sa droga, walang kriminalidad, walang mahirap, sa – at walang insureksyon sa ilalim ng sistemang Pederal.

Ang tangi ko pong madadala sa ating – sa Senado ay ang pangalang walang bahid ng kurapsyon.

[Crowd clapping]

Padilla:           May determinasyon, may disiplina, at integridad sa gawain. Tulungan n’yo po ako. Tulungan n’yo po akong buksan ang kandado ng Senado para sa ordinaryong taong katulad ko.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Padilla:           Mula sa mahirap, para sa mahirap. Dado Padilla po, number 53 sa balota mula sa Partido Pederal ng Pilipinas, galing sa Nueva Ecija, galing ng Nueva Ecija. Magandang gabi po.

[Music]

[Crowd clapping]

Bigornia:        Maraming salamat po.

0:13:48.2

[Crowd cheering]

Bigornia:        At salubungin natin, Dan Roleda.

[Crowd cheering]

Roleda:          Magandang gabi sa inyong lahat, ako po ay si Atty. Dan Roleda. Ako’y taga-Calbayog City, Samar, isang Waraynon. Ako po’y nagtapos ng AB Economics sa UST noong 1977. Ako’y nagtapos ng Bachelor of Laws noong 1981, magna cum laude, valedictorian. Ako po’y nag-number 27 sa 1981 BAR examinations.

Noong 1992 hanggang ’98, ako po’y naging konsehal ng Maynila sa ika-apat na purok, Sampaloc, Sta. Mesa area. 1992, I am one of the founders of the National Movement of Young Legislators. 1995 ako’y naging Presidente ng Philippine Councilors League.

Noong 1998, ako’y lumahok sa unang party list election bilang representante ng ALAB o Ang Lakas ng Bagong Kooperatiba. Noong 2001, ako naman po’y natalagang Presidential Adviser for Foreign Investments under President GMA, from 2001 to 2010.

Kay Dan Roleda, pamilya ang bida. Kaya ang una kong isusulong na mga panukala at programa at mga batas ay iyong mga nauukol sa pagpatibay ng pamilyang Pilipino, ito’y nauukol sa edukasyon, sa kalusugan, kabuhayan, pagkain at disenteng pamamahay. Naniniwala ako na ‘pag ito’y ating magawa ay titibay ang pamilyang Pilipino.

Twenty-eight years na po akong naglilingkod sa pamahalaan at alam ko marami pa akong kayang gawin. Ako po’y dumaan na sa tatlong sangay ng ating pamahalaan. Naging lawmaker ako, ako’y naging executive, at bilang abogado, may karanasan ako sa judiciary.

Magsama-sama po tayo sa pagsulong ng bagong Pilipinas.

Magandang gabi po sa inyong lahat, Dan Roleda po.

0:15:30.7

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:         Maraming, maraming salamat po sa ating mga kandidato.

[Crowd cheering]

Bigornia:        Napapanood po ang ating Town Hall Debate sa ABS-CBN, ANC, DZMM Teleradyo, new.abs-cbn.com…

[Crowd clapping]

Bigornia:        …Facebook, iWant, at TFC.

[Music]

[Crowd cheering]

Elchico:         At abangan ang pagharap ng mga kandidato sa taumbayan sa pagbabalik ng Harapan 2019.

[Crowd cheering]

0:00:00.9

[Music playing]

[Crowd cheering]

Elchico:         Balik po tayo dito sa Harapan 2019. Sa puntong ito, ang taumbayan mismo ang magtatanong sa mga kandidato. Ganito po ang sistema.

[Music playing]

Elchico:         Isang “Town Hall” o harapan sa taumbayan ang ating debate. Pumili ang ABS-CBN ng mga taong nakaharap mismo sa mga isyung mahalaga sa bawat Pilipino.

[Music playing]

Elchico:         Alphabetical order ang pagkakasunod-sunod ng pagsagot ng mga kandidato. Sa bawat tanong, may isang minuto ang bawat kandidato para sumagot. Maririnig ang hudyat na ito,[Bell rings] kapag tapos na ang oras para sumagot. Ang ating Senatorial Town Hall Debate, magsisimula na, ngayon.

[Music playing]

Elchico:         Issue number 1, kalusugan. Sadya pong napakamahal magkasakit, ano po?Paano nga ba natin matutulungan ang mga kababayan nating kailangang magpagamot?

Narito ang kwento ni Tatay Arthur Valdez.

Valdez:           Tatlo po anak ko. First baby po namin, hindi nabuhay. ‘Yung pangalawa binawian po siya ng buhay. Noong January 6, nilalagnat daw po ‘yung anak ko, mayron daw pong pigsa. Ilang araw hindi na raw po niya maitapak ‘yung kanang paa niya.

Pag-uwi ko po rito, iba na po ‘yung itsura niya, kinakapos po ng hininga. Ang sabi ko i-confine na natin. ICU po kaagad, eh. Infection daw po sa puso. ‘Yung bacteria po rito sa paa, umakyat na, endocarditis daw po.

‘Yung bill po namin sa ospital, may natira pa pong PHP154,000. Iniisip po namin kung saan po namin kukunin.

0:01:51.7       Ibinenta ko po ‘yung tricycle ko. Nag-usap-usap po kaming magkakapatid na baka po pwedeng ibenta ‘yung lupa doon sa baryo. Hindi pa rin po nagkasya.

Mahirap ‘pagka nagkasakit, wala kang dudukutin sa bulsa mo.

[Music playing]

Elchico:         Narito po si Tatay Arthur. Ang inyo pong tanong sa ating mga nag-aambisyong maging Senador. Tatay Arthur?

Valdez:           Magandang gabi po inyong lahat. Paano niyo po ba kami matutulungan sa serbisyong pangkalusugan ‘pag kami po ay lubog na sa pagkakautang dahil sa pagpapagamot? ‘Yun lang po, salamat po.

Elchico:         Ang una pong sasagot, Ginoong Toti Casiño.

[Crowd cheering]

Casiño:           Maraming salamat sa inyong tanong. Alam mo, mayroon po tayong tinatawag na Early Childhood Development Program, ‘yan po ay bumibigay ng tamang sustansiya at nutrisyon habang ang bata nasa sinapupunan palang ng ina. Para pag-anak niya, pagsilang niya ay kumpleto na ang kanyang mga ano.

Ang problema po ang ating mga kinakain, dahil mataas ang bilihin, protina, carbohydrates at ang calcium, mababa. Kaya nga ang nangyayari po dito, hindi nabibigyan ng tamang sustansiya at sigla ang iyong ina.

Kaya nga sa ating mga mamamayan, dapat patibayin natin ‘yan at magkaroon ng masaganang programa para habang (nasa sinapupunan) at bago isilang ang bata ay malakas na siya hanggang umabot siya ng zero to six years old. Para pagdating niya sa eskuwelahan, ang kanyang talino ay masigasig na, madali siyang makaabot hanggang makatapos siya ng high school.

Marami sa ating mga kabataan, malnourished at ‘yan ay kakulangan lang (gaya nito). Kaya ang kailangan ng protina, ang mataas ng bilihin ng sardinas, ang mataas na bilihin ng mga daing. Nandiyan palang ang mga sustansiya ng protina. Kaya nga sana magkaroon tayo ng matibay na programa para mababa ang presyo nito, abot-kaya ng mamamayan.

0:03:43.9

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Elchico:         Maraming salamat po. Kayo naman po ang sumagot, Leody de Guzman.

[Crowd cheering]

De Guzman:  Hindi lang naman sa kaniya ‘yan nangyayari ano? Sa halos lahat ng ating mga kababayan lalo na ‘yung mga mahihirap ay nag – nakakaranas ng ganyang problema.

Ang problem natin ay ‘yung patakarang pinaprivatize ‘yung ating mga hospital.

[Crowd cheering]

De Guzman:  Sabit ‘yun eh. Ginawang negosyo ‘yung dati dapat sana ay serbisyo. Ito ay ginawang patakaran ng ating gobyerno na mali para sa – patakarang pabor lamang doon sa mga negosyante. Dapat baliktarin ang mga patakarang iyan.

Dapat akuin ng gobyerno, ng pamahalaan ang kaniyang – ang kalusugan nung ating mga mamamayan. Tiyakin, ‘yung sinasabi ni Toti na mula sa pagkabata ay tiyakin ang balaseng pagkain at tiyakin na tatanggapin ng ating mga kababayan na may – nagkakaroon ng karamdaman sa hospital at hindi hihingian muna ng pang-down at ‘pag walang pang-down ay hindi tatanggapin, mali ‘yun. Kinakailangan protektahan ang kalusugan ng ating mamamayan dahil ang malusog na mamamayan ay malusog na bayan.

[Bell rings]

Elchico:         Thank you po.

[Crowd cheering]

Elchico:         It’s your turn, Senator JV Ejercito.

0:04:57.0

[Crowd cheering]

Ejercito:         Magandang gabi po. Anim sa sampung Pilipino ay hindi man lang nakakakita ng doktor at namamatay.

Alam ko po bilang dating mayor, nakausap ko lalo na ang mahihirap napakabigat ang magkasakit. Sabi nga, “Bawal ang magkasakit.” Kung kaya’t ‘yan ang nagtulak sa akin para isulong ang Universal Health Care Law na ngayon ay batas na. Sa ilalim ng Universal Health Care Law ay lahat ng Pilipino ay automatic na magiging covered at miyembro na ng PhilHealth, lahat ay mabibigyan ng ayuda.

Pangalawa ay layunin natin na mapababa ang out-of-pocket expense o ‘yung gastusin pangaraw-araw sa pamamagitan ng mas maganda at strategic na pagbigay ng assistance sa bawat mamamayan.

Pangatlo, ang check-ups at ang basic laboratory test ay libre na rin, covered na ng PhilHealth ng sa ganon…

[Crowd cheering]

Ejercito:         …ay ma-monitor natin kung may sakit pa ang – para hindi na lumala ang sakit pa. Kung kaya’t hindi ko na po – hindi na po ako mangangako dahil ginawa na po natin ang Universal Health Care Law, batas na po ito.

[Crowd cheering]

Elchico:         Maraming salamat. Kayo naman po, Ginoong Elmer Francisco.

Francisco:      Maganding gabi po. Unang-una, papasalamat po tayo kay Pangulong Duterte pati sa ating mga Senador sa Universal Health Law dahil malaki po ang maitutulong nito.

Pero hindi po puwede na puro reaction na lang ang gagawin natin. Dapat po tayo ay maging proactive. Ano pong ibig kong sabihin? Ako po ay isang vegan o tinatawag na plant-based diet. Hindi po ako kumakain ng karne o kahit anong seafood, dairy products. Ang kinakain ko po ay mga gulay.

0:06:30.4      Bukod po sa ito ay mas mura, ito po ay mas masustansya. Lahat – karamihan po ng sakit katulad ng mga sakit sa puso ay nagmumula sa pagkain ng karne. Hindi po alam ‘yan ng mga tao. Kailangan po nating ipaalam ‘yan sa mga tao.

So, kapag kayo po ay kumain ng ano, plant-based diet, mare-reverse po ang mga plaque sa ating mga puso, sa mga arteries. Bukod po d’yan, kailangan po ayusin natin ‘yung polusyon. Kaya po tayo gumagawa ng mga electric jeepneys na pang-palit sa mga mauusok para po maiwasan natin ang iba’t-iba pang mga sakit na nakukuha ng ating mga kababayan. Salamat po.

Elchico:         Thank you po.

[Bell rings]

Elchico:         RJ Javellana, ikaw na.

[Music]

[Crowd cheering]

Javellana:      Kinakain po ng malaking pambansang budget ‘yung pagbabayad ng utang. Kapag ako po ay naging Senador, ako po’y magpapasa ng isang batas na kung saan ay 10 taong pagtitigil muna ng bayad-utang. At ‘yang – ‘yang bayad – ‘yang malaking porsyento na ito ay gagamitin natin sa mga pangunahing serbisyo tulad po ng kalusugan.

Dahil po nagkukulang ‘yung budget na ito, kinakain sa utang panlabas. At kung totoong tumutulong po sa atin ‘yung mga dayuhan at mga bangkong oligarko, papayag po sila d’yan para sa kalusugan ng sambayanang Pilipino.

Ikalawa po, kinakailangan po magkaroon ng pagsasapubliko ng tinatawag natin na mga ospital para ang lahat ng mga Pilipino ay bukas po ang pintuan ng mga ospital na ito at mapangalagaan natin ang kalusugan ng bawat Pilipino.

At ikatlo po, ‘yung mga senior citizen natin, bukod sa PHP1,000 na kanilang pondo, lagyan natin ‘to ng additional PHP500 na manggagaling po sa taumbayan doon sa pondo na ito. Marami pong salamat.

0:08:11.0

[Crowd cheering]

Elchico:         Thank you po. Kayo na po, Ginoong Dado Padilla.

[Music]

[Crowd cheering]

Padilla:           Kamuntik na po akong maiyak doon sa nakita ko na parang malalaglag ‘yung luha nuong ating kababayan. Ah, talaga pong ganoon ang problema ng mga nasa – nasa baryo ano.

Pero tayo po, mayroon na tayong Universal Health Care. Sinagot na po ng pamahalaan sa pangunguna po ng ating Pangulo ang problema ng mga kababayan natin lalo sa mga baryo. At ito po ay pinangungunahan nga ng ating Senador na JV Ejercito. Siguro po…

[Crowd clapping]

Padilla:           …ay hindi lang – ‘ala palang pong IRR, pero ito po ang sagot sa pangangailangan ng mahihirap nating mamamayan.

Actually, ito pong Universal Health Care na ito ay para talaga sa mahirap. Kaya po siguro iyon ang magiging solusyon sa problema mo at ito ay para sa mahihirap kaya po ito ay dapat pasalamatan natin sa ating Presidente. Marami pong salamat.

Elchico:         Maraming salamat po.

[Music]

[Crowd clapping]

Elchico:         Ano ang sagot mo kay Mang Arthur, Dan Roleda?

[Crowd cheering]

Roleda:          Ang – ang kalusugan ay isa sa mga pangunahing programa ko sa “Pamilya ang Bida” ang program ko. Gagawin kong batas, itatalaga ko na ang mga barangay health workers sa health center ay lalabas ng health center at magbahay-bahay araw-araw, binibisita ang bawat pamilya at tinitignan ang kanilang kalusugan. May dalang timbangan, may dalang gamot, may dalang injection, may dalang kung anu-anong mga kailangan para matugunan kaagad ang mga pangangailangan ng bawat pamilya.

0:09:43.7      Ang kalusugan ay mahalaga. At ito’y gagawin ko ding mandatory ang rural service ng mga nag-aaral ng doktor at nurses na sila’y may compulsory rural services bago sila magkaroon ng lisensya para magkaroon ng tuloy-tuloy na supply at ng tao na magtatao sa mga barangay health workers.

We will impose that so that there’ll be continuous personnel that will take care of the health of all the barangays. In this manner, tuloy-tuloy ang serbisyo. At ibabalik ko din yung dental programs bawat baranggay buwan-buwan. Ito’y isasabatas natin para hindi ito pauso-uso lang. At kung ito’y batas, ay patuloy nating gagawin. ‘Yun lamang.

[Bell rings]

[Crowd clapping]

Elchico:         Thank you po. And last but not the least, ano po ang sagot niyo, Ernesto Arellano.

[Crowd cheering]

Arellano:        Healthcare dapat libre. Dapat ito ‘yung obligasyon ng estado sa kanyang mamamayan kaya i-enlarge ang coverage ng Universal Health Care para sa mga mamayan na kagaya ng ating kapatid dito sa Harapan. Ito ang obligasyong social ng pamahalaan.

Meron tayong budget, puwede tayong kunin dito sa mga budgets na nakalaan para sa mga representatives na PHP160 million. Meron din tayong PHP3 billion na allocations para sa bawat Senador. Kinakailangan mag-slash tayo dito sa budget na ito for free healthcare sa mga mamayan na kagaya ng ating kapatid. Ito ang social obligation ng pamahalaan.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

0:11:27.0

Elchico:         Maraming salamat po. Ngayon tanungin natin si Mang Arthur, siya ang nagtanong kanina.Siya naman ngayon ang tatanungin natin. Kuntento ka ba sa naging sagot ng mga nag-aambisyong maging Senador?

Valdez:           Hindi po kasi ako kuntento.

Elchico:         Dahil?

Valdez:           Dahil parang may kulang po.

Elchico:         Anong kulang, Mang Arthur? Kaya mo ‘yan. Anong kulang sa sagot na sa palagay mo ay dapat sinabi nila noong sila’y tinanong?

Valdez:           Dapat noon pa po sana talagang batas na po sana talaga na wala pong…

Elchico:         Gastos.

Valdez:           …wala pong gastos talaga sa ospital ultimo piso. Wala po sana talagang gastos, kaya lang po hindi po nasusunod ‘yun. Hanggang ngayon po ultimo swero na nga lang po, ‘yang injection na nga lang po na maliit…

Elchico:         Or bulak may gastos?

Valdez:           …o bulak.

Elchico:         Opo.

Valdez:           Binibili pa na nga lang po namin, limang piso isang bulak na maliit.

Elchico:         Opo. Maraming salamat po sa inyo. That is something that they can take note of kasi sila ang mga kandidato at sakaling palarin puwede nilang tutukan.

Next issue, Doris.

Bigornia:        Salamat, partner. Issue number 2. Dikit sa ating mga sikmura. Presyo ng krudo at ng bilihin, may naiiuwi pa ba ang mga driver ng pampasaherong sasakyan? Dinggin natin ang kwento ni Domingo Zillabo.

0:12:55.0

Zillabo:          Napakahirap, at tiyaga lang po ang magmamaneho. Noong araw kasi, biyahe ka ng biyahe, konti lang ‘yung babayaran mo na diesel. Kabaliktaran ngayon eh. May PHP1,000 ka, PHP750 ang krudo mo, PHP250 lang ‘yung ano mo – net mo, bawat ikot mo konti lang ‘yung matitira sa kinikita mo. Pagka kailangan na naman may babayaran, ‘yun hindi na naman – nahihinto ako babyahe. ‘Yan makaabot na nang gabi, iba 19 hours. Kung halimbawa i-phase out ang jeep, paano na ang buhay namin? Parang iiyak ka na lang eh, paano na mag-aaral ‘yung mga anak mo?

Bigornia:        Kasama po natin ngayon si Mang Domingo kapapasada lang, ang inyo pong tanong?

Zillabo:          Magandang gabi po sa inyong lahat po, sir. Ano po ba ang magagawa niyo para mapababa ang presyo ng krudo para naman ho tumaas ng konti ang naiiuwi naming kita para sa aming pamilya po?

Bigornia:        Wait lang, Mang Doming ha. Ang unang sasagot diyan, Leody de Guzman.

De Guzman:  ‘Yan ang – yan ang – problem ‘yan, niyo, at saka ng lahat ng drayber dahil mula noong isabatas ‘yung Oil Deregulation Law ay nag – wala ng tigil ang pagtaas ng presyo ng krudo at ng gasolina. At ang problema, deregulated ‘yung presyo ng gasolina, pero regulated naman ang inyong kita. Minsan tatlong taon na hindi pa kayo nadadagdagan ng inyong sa pamasahe. Ang dapat diyan i-review ‘yung Oil Deregulation Law.

Una siguro, isuspende ‘yung TRAIN Law kasi ‘yan ang nagdagdag ng excise tax.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

De Guzman:  Dapat isuspende ‘yan. Then kung matibay-tibay ‘yung mga magiging – mananalong senador na magiging kasama ko, dapat baliktarin talaga ‘yung Oil Deregulation Law. Dapat ma-regulate, magkaroon ng kontrol ang gobyerno dahil ‘yan ang papel ng gobyerno, proteksyunan ‘yung ating mga mamamayan.At isang paraan para proteksyunan, magkaroon ng regulasyon, huwag bigyan ng laya ‘yung mga negosyanteng nagsasamantala ng kumpanya ng langis.

0:15:05.3

[Bell rings]

Bigornia:        Salamat, Ka Leody.

[Crowd clapping]

Bigornia:        Sunod naman, Senador JV Ejercito.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Ejercito:         Naintindihan natin ang problema ng ating mga jeepney drivers. Napakabigat ho talaga, ‘no. Talagang kakapiranggot na lang naiuuwi minsan. Kung kaya’t ‘yun pong TRAIN Law no, bagamat kami po ay bumoto diyan dahil sa ating – sa hiling ng ating Pangulo dahil ang intensyon nito ay para mapasigla ekonomiya kinakailangan nating mag-invest sa inprastructura.

At mayroon namang proseso kung sa tingin namin na ito ay pagkakamali may proseso upang ito’y amyendahan. At kung saka-sakali mapagbigyan ng pagkakataon ay ako rin ay nagsalita noon noong aming explanation of votes na bagamat ako’y pabor pero dapat ay ‘yung excise taxes on fuel ay hindi gaanong itaas nang sa ganoon hindi maging pabigat lalung-lalo na sa ating pong mga public utility vehicles, sa ating mga mangingisda at iba pa.

So kung may pagkakataon ay kung aamyendahan ay palagay ko ‘yun ay – ‘yun po ang akin pong amendment na ipo-proprose. Salamat po.

Bigornia:        Thank you sir.

[Crowd cheering]

0:16:11.5

[Crowd clapping]

[Music]

Bigornia:        Ikaw naman Elmer Francisco, anong sagot mo?

[Music]

Francisco:      Magandang gabi po sir. Unang-una, kailangan itigil ‘yung excise tax sa krudo. Dahil unang-una hindi dapat pinag-eexperimentohan ng Senado ang ating mga mamamayan dahil hindi po pupwede ‘yun.

Ngayon hindi lang po ‘yan ang solusyon marami pa po. Bukod diyan mayroon din po tayong alternatibo katulad ng biodiesel na inimbento ni ano – ni kasama nating Ric Capistrano ‘yung ano – ‘yung refinery niyan. Mas makakamura tayo dahil kino-convert ang cooking oil into biodiesel. Makakamura ho tayo nyan at malinis pa.

Bukod po diyan, hindi lang po ‘yan. mayroon po tayong programa na boundary hulog para sa mga jeepney. Para ho hindi maapektohan ‘yung kasalukuyang kinikita niyo o mas maaring mas tumaas pa.

Makakabili kayo ng bagong sasakyan na hindi na mababawasan ‘yung kasalukuyang kinikita niyo. Lalaki pa ‘yung kita niyo dahil mas matipid po sa krudo ang bagong jeepney natin lalo na po ang electric na hindi na kayo kailangan bumili ng krudo. Salamat po.

[Crowd clapping]

Bigornia:        Thank you very much.

[Crowd clapping]

[Music]

Bigornia:        RJ Javellana, ikaw naman.

[Music]

[Crowd cheering]

0:17:19.3

Javellana:      Mang Domingo ang problema niyo ay problema ng bawat Pilipino. Una po sa lahat kapag ako’y naging Senador, tatanggalin po natin ‘yung Oil Deregulation Law.

[Crowd cheering]

Javellana:      Pangalawa po, isasabansa natin ang petrolyo o industriya ng langis. Ikatlo po, tatanggalin po natin ‘yung petroleum excise tax sa ilalim ng TRAIN Law.

Ika-apat, tatanggalin po natin ‘yung Value Added Tax dito po sa petrolyo. Ika-lima, gagawin po nating – ibalik po natin ‘yung oil price stabilization fund na tinanggal po pagkatapos po noong EDSA kudeta. ‘Yan po ang dahilan kung bakit naghihirap.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Javellana:      Hindi lamang po ang mga consumers, ang mga commuters kundi ang buong Pilipino dahil po rito sa patakaran na ito. Makakaasa kayo, Mang Domingo, ang puso ko po ay hindi lamang po puso sa driver kung hindi puso ng bawat Pilipino. Marami pong salamat.Mabuhay po kayo.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Bigornia:        Salamat po.

[Music]

Bigornia:        Mang Dado Padilla, ikaw naman.

[Music]

[Crowd cheering]

Padilla:           Ang problema po ng ating kaibigan ay ang mataas na presyo ng langis. Dapat po talaga kung ako’y papalarin ay dapat mareview ang TRAIN Law upang talagang makita. Kasi ang naapektuhan dito ay ‘yung talagang mahihirap ‘yung mga driver hindi lang ‘yung driver pati ‘yung mga consumer. Kaya po dapat kung talaga ako’y papalarin dapat mareview itong TRAIN Law na ito upang makita natin na ang naapektuhan nito ay ang mga mahihirap at ang mga driver. ‘Yun po.

0:18:56.2

Bigornia:        Salamat po. Dan Roleda, ikaw po.

[Crowd clapping]

[Music]

[Crowd cheering]

Roleda:          Ang problema sa presyo ng langis ito’y didiktahan ng law of supply and demand ng buong mundo at ng mga oil producing countries. Ito’y isang realidad na dapat nating tanggapin.

Bilang isang pamahalaan at para matulungan ang ating mga jeepney drivers na mga nasa public utilities kailangan talaga ng gobyerno ay pumasok at magkaroon ng intervention para matulungan sila. Halimbawa ay ‘yung sa TRAIN Law nga ‘yung excise tax huwag muna natin i-implement ‘yun at bigyan ng subsidy ang ating mga drivers.

Pero ang mahalaga, ang kita nila kasi kailangan mabilis ang daloy ng trapiko para mas marami silang pasada at marami silang pasaherong makukuha, maraming kikitain. Kailangan talaga ‘yan tutukan ng ating pamahalaan. Kailangan mag-intervene ang pamahalaan dahil ang langis ay usapang mahalaga na dapat nating tugunan at lalo na ang mga public utilities kasi kayo po’y nasisilbi sa bayan at nagsisilbi sa mga pasahero. Kailangan po natin talaga bigyan ng programa ‘yan na mabigyan kayo ng tulong para ang inyong kabuhayan ay masaayos.

Ang isang inisip ko nga diyan ay magtalaga tayo ng minimum wage para sa inyong lahat. Salamat po.

[Bell rings]

Bigoria:          Maraming salamat.

[Crowd cheering]

0:20:02.4

[Crowd clapping]

[Music]

Bigoria:          Sunod naman po natin si Ernesto Arellano.

[Music]

[Crowd cheering]

Arellano:        Ang suspension ng TRAIN Law, ang review ng deregulations ay makakatulong. Pero kinakailangan magbigay tayo ng mas major na framework para matugunan ito.

Ako’y magmumungkahi na ilagay natin sa public ownership ang mga industries para sa mga basic needs…

[Crowd cheering]

Arellano:        …para hindi subjected to private profit ang kalagayan ng mga empleyado o mga mamamayan na nangangailangan ng mga magagandang industriya. It should be publicly owned ang mga utilities na ito para hindi na maging factor ‘yung private profit para pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin. So, ito ‘yung bagong framework na aking isusulong sa Senado.

[Crowd cheering]

Bigoria:          Maraming salamat. At panghuli, si Toti Casiño, sir.

Casiño:           Ang presyong langis – ang presyong langis pandaigdig ay naglalaro ‘yan kada taon. Merong panahon sa isang taon mataas ang presyo ng langis, pumapalo ng $100 kada barales at bumaba pa sya ng kalahati hanggang $51. Kailangan sana meron tayong tinatawag natin Oil Strategic Reserves.

Ibig sabihin po nyan, panahon pa ni Pangulong Marcos, meron ‘yung Philippine National Oil Company, nakakapag-ipon tayo. Kung kelan mababa ang presyo ng langis…

[Crowd cheering]

Casiño:           …makaipon ng gayon – sa ganoon, nang tumaas ang presyo ng langis, mabebenta ‘yan ng mura.

0:21:49.9       Ang kailangan – ang nangyari, wala tayong ganung klaseng reserba kaya panay – kung umakyat ang presyo ng langis, akyat din ang presyo natin sa gasolinahan. Pero kung meron tayong sarili nating Strategic Oil Reserves, na kung kailan mababa ang presyo, saka tayo iipon. At kung kailan (mababa) ang presyo mababa ang presyo, hindi tayo bibili. Kukunti lang ang ibibili natin. Sana ibalik na natin ang dating panukala nung panahon ni Marcos, mayroong Philippine National Oil Company.

[Crowd cheering]

Bigoria:          Maraming salamat. O, Mang Domeng, ikaw po ba ay naliwanagan sa kanilang mga kasagutan? Oks ba sa iyo?

Zillabo:          Okay po basta sana po matupad…

Bigoria:          Mang Domeng, dito po tayo.

Zillabo:          Sana po matupad ang kanilang pangako.

Bigoria:          Mm hmm. Hwag mapako.

Zillabo:          Hwag lang mapako.

Bigoria:          So go ka pagka…

Zillabo:          Opo, pagka ganyan.

Bigoria:          Wala kang iba pang tanong? Walang follow up?

Zillabo:          Follow up ko po ‘yung, ano po, ‘yung phase out na jeep. Dapat may masolusyunan dapat may maitutulong po sa aming mga drayber.

Bigoria:          Abangan mo, dahil susunod na po ang Fast Talk. Susunod na po ‘yan dito lamang sa ating Harapan 2019.

[Music]

[Crowd cheering]

0:00:00.7

[Music]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:         Eto na po tayo sa unang round ng ating Fast Talk. Mabilisang sagot sa mabilisang tanong. Ang keywords, mabilis na tanong, mabilis na sagot. Dalawang minuto po sa bawat kandidato. Simulan natin kay Senador JV Ejercito.

[Crowd cheering]

Elchico:         Are you ready, Senator?

Ejercito:         Ready.

Elchico:         Sa isang salita, ilarawan mo ang relasyon ninyo ng iyong ama, si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ejercito:         Parang itong studio, malamig pero iinit din ‘yan.

[Crowd laughing]

Elchico:         Isinara mo na ba ang pinto sa pagbalik sa Pwersa ng Masang Pilipino?

Ejercito:         Hindi pa naman.

Elchico:         Ikaw lang ang may baon sa recess, kanino mo isi-share ito, kay dating Senador Jinggoy o kay Pangulong Duterte?

Ejercito:         Ang hirap naman n’yan.

[Crowd laughing]

Ejercito:         Siguro mapagbigay tayong Pilipino, puwede bang hatiin?

[Crowd laughing]

Elchico:         Panahon na ba para palitan ang Saligang Batas?

Ejercito:         Panahon na para tayo’y makasabay sa ating mga karatig bansa lalo na sa economic divisions.

Elchico:         So, panahon na?

0:01:04.0

Ejercito:         Panahon na.

Elchico:         Pabor ka ba sa Federalism?

Ejercito:         Pabor pero bigyan tayo ng panahon para pag-aralan dahil ito’y – papalitan ng sistema ng gobyerno, ang Saligang Batas. They should chart our direction in the next 50 years. Dapat pag-aralan nang mabuti.

Elchico:         Magaling mamuno ang isang halal na opisyal, dapat na ba na walang term limit kasi magaling?

Ejercito:         Kahit magaling, may hangganan din.One hundred six milyon ang Pilipino, marami rin may kakayanan, marami rin – dapat pagbigyan din natin ang bawat Pilipino.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:         Napatunayang nangurakot ng PHP50 milyon, dapat bang patawan ng death penalty?

Ejercito:         Dapat lang nang hindi na tularan at huwag nang – huwag nang maulit muli.

[Crowd cheering]

Elchico:         Sang-ayon ka ba sa Anti-Drug policy ng Pangulong Duterte?

Ejercito:         Opo, dahil naging hub for international drug trade ang Pilipinas pero dapat sundin lang. Siyempre hindi po tayo pabor sa EJK. In fact, ako nagdi-defend ng DILG. Tinanggal po natin ‘yung Oplan Double Barrel sa budget nito.

Elchico:         Sabi ni Pangulong Duterte hinay hinay lang laban sa mga Chinese workers. Agree or disagree?

Ejercito:         At any given time, we have to support our Filipino workers. Sila dapat ang priority.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

0:02:08.2

Elchico:         Sixty-five years old ang mandatory retirement so gobyerno, panahon na ba para ito’y babaan?

Ejercito:         Okay na siguro ‘yun para naman magkaroon din ng sapat na panahon para mag-enjoy din kasama ang pamilya.

Elchico:         Bumoto ka para sa TRAIN Law. Nagkamali ka ba?

Ejercito:         May sapat na panahon para sabihin kung tayo’y nagkamali o hindi. Mayron tayong proseso para itama ito.

Elchico:         Sakaling palarin ka ulit sa Senado, ano ang pangunahing isusulong mong isyu?

Ejercito:         Marami pang dapat gawin bagamat napasa – marami na tayong napasa…

[Bell rings]

Ejercito:         …ay…

Elchico:         Thank you.

Ejercito:         …kinakailangan mai-angat ang antas ng buhay ng ating mga kababayan. ‘Yun pong infrastructure development, ‘yan po ang magpapasigla…

Elchico:         Thank you po.

Ejercito:         …ng ekonomiya.

Elchico:         Maraming salamat!

[Crowd cheering]

Elchico:         Doris?

Bigornia:        Tayo naman, Elmer Francisco. Ready? Sir?

Francisco:      Yes.

Bigornia:        Okay. Go.

Francisco:      Sorry. ‘Di ko makita eh.

Bigornia:        Galing ka sa pamilya ng jeepney manufacturers, ano ang puwede ninyong mai-ambag sa ating mga jeepney drivers?

0:02:58.8

Francisco:      Ang pinakamalaking problema nila is ‘yung pambili. So, dun nang – dun tayo nagbi-bridge. Nagpapa-boundary hulog tayo para hindi sila mahirapang bumili ng bagong dyip.

Bigornia:        Ayon sa’yo, transport groups ang nagkumbinse sa iyong tumakbo sa pagka-senador. Naisip niyo bang mag-party list?

Francisco:      Naisip pero ang problema kapag naman nagpasa ng batas sa ano, sa Kongreso, kailangan ng counterpart sa Senado. Kailangan daw nila ng ano, boses sa Senado na nakakaintindi.

Bigornia:        Sa palagay mo, angkop sa Pilipinas ang Federalism?

Francisco:      Yes.

Bigornia:        Bakit po?

Francisco:      Unang-una, ako sinasabi ko para sa trabaho kasi with Federalism, magkakaroon ng mas malaking budget ang mga LGU para i-develop ang mga ano, infrastructure. Sa gayon, makakagawa tayo ng napakaraming trabaho sa mga probinsiya at hindi lang sa Metro Manila.

Bigornia:        Pabor ka sa Charter Change, Sir?

Francisco:      Yes, constitutional convention.

Bigornia:        Partikular, anong gagawin mo?

Francisco:      Federalism, ‘yan ang pinaka-importante sa lahat.

Bigornia:        Mm hmm. Pabor ka ba na tanggalin ang term limit sa mga halal na opisyal?

Francisco:      Hindi.

Bigornia:        Bakit po?

Francisco:      Dahil napakaraming mga Pilipino na ano, talented tiyaka gustong magsilbi sa bayan so hindi puwedeng ano, parati na lang sila.

Bigornia:        Ang stand mo po sa death penalty?

Francisco:      No.

0:04:09.3

Bigornia:        Bakit po?

Francisco:      Para sa akin, napakahalaga ng buhay ng tao. Hindi pupuwede na ano, na patay ka lang nang patay.

Bigornia:        Mm hmm. Papaano po ‘yung mga mandarambong?

Francisco:      Mayroon tayong ano, justice system para diyan. Ikulong nang habambuhay pero huwag nating patayin.

Bigornia:        ‘Yung mga SALN po, dapat po bang ibuyangyang ‘yan sa bayan?

Francisco:      Dapat.

Bigornia:        Bakit po?

Francisco:      Dapat ipakita sa lahat ng tao para malaman natin kung saan nanggagaling ‘yang pera ng mga ano natin, public officials, kung nagnanakaw ba sila o hindi.

Bigornia:        Para sa inyo, mayroon po bang tamang ginawa o pabor na ginawa ang Pangulong Duterte?

Francisco:      Yes, Build, Build, Build.

Bigornia:        ‘Yun po. Okay. ‘Yung mga Chinese, dapat po bang i-deport?

Francisco:      Ah, kung iligal sila eh dapat lang dahil kailangan nating protektahan ‘yang mga manggagawang Pilipino. Ang para – ang trabaho sa Pilipinas dapat para sa Pilipino.

Bigornia:        Suspension po ng TRAIN Law?

Francisco:      Dapat.

Bigornia:        Bakit po?

Francisco:      Dahil nakakataas ‘to ng ano, ng inflation. Katulad ng…

[Bell rings]

Francisco:      …sinabi ko kanina, kailangan nating ano, itigil ‘yung…

Bigornia:        Thank you.

Francisco:      …pag-eeksperimento.

0:05:04.0

Elchico:         Thank you.

Bigornia:        All right.

Elchico:         It’s your turn to do fast talk, RJ Javellana. Handa ka na ba?

[Crowd cheering]

Javellana:      Handa na.

Elchico:         Let’s begin. Consumer advocate ka, kung mayroon man ano ang magandang naidulot ng TRAIN Law?

Javellana:      Una sa lahat, ‘yung TRAIN Law, sa bahagi ng consumers, huwag lang ‘yung petroleum excise tax. Puwede po doon sa mga manggagawa na kung saan ‘yung sweldo ay natanggalan ng tax.

Elchico:         KungSenador ka noong isinalang ang Rice Tarrification Law, ano ang boto mo?

Javellana:      Tutol po ako sa…

Elchico:         Dahil?

Javellana:      Dahil ito po ay makakasira sa sektor ng agrikultura. Lalong-lalo na papatayin nito ang sektor ng magsasaka.

Elchico:         Panahon na ba para palitan ang Saligang Batas?

Javellana:      Sa ngayon po, kinakailangang pag-aralan ng maigi.

Elchico:         Dahil?

Javellana:      Kinakailangan po na taong bayan ang magtulak ng pagpapalit ng Konstitusyon, hindi po pulitiko, hindi po galing sa taas. Dapat po ang rebolusyon galing po sa ilalim hindi po sa itaas.

[Crowd cheering]

Elchico:         Ano ang stand mo sa Federalism?

Javellana:      Dapat pag-aralan po ng taong bayan ng mas malalim.

Elchico:         Kung magaling kang mambabatas, hindi ba dapat wala nang term limit? O dapat mayroon pa rin?

0:06:12.1

Javellana:      kailangan po.

Elchico:         Dahil?

Javellana:      Marami naman pong magagaling at mga patriyotikong Pilipino para mapagbigyan natin ang mga – lalong lalo na ang mga kabataan.

[Crowd cheering]

Elchico:         Dapat bang parusahan ng bitay ang mga nangnakaw o nangurakot ng daang milyong piso gobyerno?

Javellana:      Hindi lang po bitay doon sa mga nangurakot. Lalong lalo na po doon sa mga nanggagahasa na mga walang respeto po sa mga kababaihan natin, ano po?

[Crowd cheering]

Elchico:         Sino ang dapat mas kaibiganin ng Pilipinas? US o China?

Javellana:      Kinakailangan po mayron tayong Independent Foreign Policy, ano po? Kung maganda ang ginagawa ng Amerika o maganda ginagawa ng US na hindi nakakasira sa usapin ng kontrata o hindi lugi ang Pilipinas, okay tayo.

Pero kung ito ay makakasira, huwag natin pasukin.

Elchico:         Nanalo ka bilang Senador, anong unang i-imbestigahan mo?

Javellana:      ‘Yung mga behest loan po.

Elchico:         Ni?

Javellana:      Lalung-lalo na po ‘yung mga kumuha ng mga kontrata na nag-benepisyo sila diyan, sama na rin po natin ‘yung mga tinatawag na may mga sovereign guarantee…

[Bell rings]

Javellana:      …ng mga oligarko.

Elchico:         Thank you. Maraming salamat.

[Music playing]

0:07:20.1

Javellana:      Salamat po.

[Crowd cheering]

Elchico:         Doris?

Bigornia:        Okay. At ang pang-huli sa round na ito, Dado Padilla. Mang Dado, ready? Okay.

Nagsilbi kayo sa TESDA, kung may babaguhin kayo sa kalakaran doon, ano ito?

Padilla:           Ito ay ‘yung maayos na pagbibigay ng scholarship para sa ating mga kabataan. Dapat ay mas makasigurado tayo na ang pera ay nakakarating sa mga scholars.

Bigornia:        Kung ikaw po ay mananalo, paano mo palalakasin ang skilled workers sector?

Padilla:           Dapat po nang mas maayos na training at dagdag na pondo para lalo silang maturuan ng mahusay na training para maging qualified sila para makapagtrabaho kahit sa ibang bansa.

Bigornia:        May ini-idolo po ba kayong Senador? Sino ito?

Padilla:           Si Ping Lacson po.

Bigornia:        Bakit po?

Padilla:           At saka si Koko Pimentel. Eh, kahawig ko po, eh.

[Crowd laughing]

Bigornia:        Medyo nga, opo. Akala ko nga, tatawagin ko ho sana kayong Koko eh. Pero bakit po si Koko Pimentel, bukod sa kahawig ninyo?

Padilla:           Siya po ay abogado at naninindigan din para sa bayan. Naging speaker – naging Senate President at isang mabuting kaibigan.

Bigornia:        Kung mananalo po kayo, saan ka aalyado, sa administrasyon o sa oposisyon?

0:08:32.8

Padilla:           Administrasyon po sapagkat ang amin pong samahan ay Mayor Rodrigo Roa-Duterte National Executive Coordinating Committee.

[Crowd cheering]

Bigornia:        Anong naging batas ang sa palagay mo ay hindi dapat naging batas?

Padilla:           Ang batas po ng TRAIN Law, sapagkat ito po ay naramdaman agad ng mga consumers na pahirap para sa kanila.

Bigornia:        May solusyon po kayo sa traffic sa EDSA?

Padilla:           Mayroon po.

Bigornia:        Ano ‘yun?

Padilla:           Kailangan nating bigyan ng emergency power ang Pangulo para maayos ang trapiko sa Kamaynilaan.

[Crowd cheering]

Bigornia:        Kung wala po kayong garahe, dapat ba wala kang kotse?

Padilla:           Dapat po.

Bigornia:        Bakit po?

Padilla:           Sapagkat ito po nga ang nakaka-contribute ng trapik sa Maynila na nakakalat sa iba-ibang lansangan…

[Crowd cheering]

Padilla:           …nang wala naman sila talagang dapat – wala silang garahe.

Bigornia:        Ang social media, sa palagay niyo dapat rendahan, i-regulate?

Padilla:           Pwede pong marendahan, basta po ito ay hindi – dapat po ay sumusunod ito sa batas at nang hindi lalabagin ang karapatan din…

[Bell rings]

Padilla:           …ng mga pribado.

Bigornia:        Salamat po.

0:09:36.3

[Crowd cheering]

Bigornia:        Problema sa trabaho at ang daing ng isang estudyante, ‘yan ang ating babalikan. Kapit lang, ito ang Harapan 2019.

[Music playing]

[Crowd cheering]

 

 

0:00:00.9

[Music]

[Crowd clapping]

Bigornia:    Nagbabalik po ang Harapan 2019. Diretso na po tayo sa issue number 3 – age discrimination sa trabaho. Bakit nga ba may ilan pa ring mga kumpanya ang ayaw tumanggap ng medyo may edad na? May kuwento po si Imelda (Anilas).

Arilas:        Dati akong sanitary supervisor. April 2016 ako tinanggal dahil nagbabawas ng tao. Forty-nine years old na ako noon.

Nag-apply ako ng trabaho sa mga job fair. Qualified naman ako doon sa ina-applyan ko. Ang naging problema ko lang is ‘yung edad ko. Parang na-depress ako. Hindi lang kasi isang beses. Dalawang beses na hong nangyaring ganoon na pagdating sa edad, doon ako bumabagsak. Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko.

Sana magkaroon ng pangil ‘yung batas na walang diskriminasyon para makatulong sila sa iba pang katulad ko.

[Music]

Bigornia:    At kasama po natin ngayon si Imelda Arilas. Sorry po ah, Arilas.

Ano po ang inyong tanong Ate Mel?

Arilas:        May batas na po tungkol sa age discrimination. Bakit po may mga kumpanya pa rin na ayaw tumanggap ng may mga edad na? Paano po n’yo ba kami matutulungan tungkol dito?

Bigornia:    Okay. Buena mano ka, Senador JV Ejercito.

[Music]

[Crowd cheering]

Ejercito:     Magandang gabi ho ulit. Na tama kayo, mayroon tayong batas, ‘no, tungkol sa age discrimination. At kung – kung mayroon man na talagang sa pakiramdam – sa tingin ninyo ay ginagawa ng mga kumpanya na mayroon diskriminasyon, dapat ito’y ipagbigay alam sa DOLE nang sa ganoon ito’y ma-imbestigahan, ‘no, dahil batas na po ‘yan, matter of implementation at kinakailangan sundin po ng bawat kumpanya na – dapat bawal po ang diskriminasyon. Mapagbigyan kahit na medyo – may edad na ay kinakailangan mapagbigyan pa rin ng – kung qualified naman.

0:02:13.1

Bigornia:    Okay, maraming salamat po. Elmer Francisco, ikaw naman po.

Francisco:  Okay. Katulad nung sinabi ni Senador, it’s a matter of implementation. Kailangan talaga ‘yan na ano, na maipatupad ng tama. Pero kailangan ho natin tignan ‘yung ugat ng problema. Ang ugat ng problema ay ang kakulangan ng trabaho dito sa Pilipinas. Kaya po isusulong natin ang pambansang industriyalisasyon. Dahil kapag marami pong trabaho dito, eh marami pong – lahat po ng tao ay magkakaroon ng trabaho, lahat ng Pilipino. So, sila na mismo ang maghahanap sa inyo. ‘Yun ang problema talaga dito sa Pilipinas.

So, bukod sa implementation na reactive, dapat po tayo ay maging proactive, the Law of Supply and Demand po ‘yan. Kapag sobrang daming ano – naghahanap ng trabaho tapos kulang ‘yung trabaho, mahirap talagang maghanap ng trabaho. Namimili sila. Katulad ng sinabi niya, namimili sila ng bata, di ba? Pero kapag sobrang daming trabaho dito sa Pilipinas, eh lahat po magkakaroon ng trabaho pati dayuhan pupunta na rito sa Pilipinas para magtrabaho. Salamat po.

Bigornia:    Thank you, Sir. RJ Javellana, ikaw naman po.

[Crowd cheering]

Javellana:   Ma’am – Mommy Imelda, ang problema niyo po ay problema ng maraming mga Pilipino. Hindi lamang po kayo na may edad na, kung hindi ultimo po ang mga kabataan ay may problema po sa pagpasok ng trabaho. Sapagkat ang ating sitwasyon po ngayon ay kulang na kulang po ang mga empresa o pagawaan na kung saan ay magkaroon ng hanap-buhay ang bawat Pilipino. ‘Yan po ang dapat na pangunahing tutukan ng ating pamahalaan, ng ating gobyerno para po magkaroon ng isang tunay na makabuluhang buhay tayong mga Pilipino at magkaroon po tayo ng pagsusulong sa ating mga karapatan at mag-enjoy ho tayong mga Pilipino, hindi po ‘yung parang isang kahig, isang tuka. Matanda na nga o bata ay hirap na hirap pa rin po. So trabaho po para sa lahat, ‘yan po ay demokratikong karapatan ng bawat Pilipino. Salamat po.

0:04:18.1

[Crowd cheering]

Bigornia:    All right. Next naman po si Dado Padilla.

[Music]

[Crowd cheering]

Padilla:       Ang problema po natin na inyong dinaing dito sa harapan na ito ay problema po ng Law of Supply and Demand. Kasi po kaunti nga lang talaga ang trabaho. At sa bawat isang trabaho ay napakarami ang gustong magkapagtrabaho. Kaya po nagkakaroon ng karapatan nga ‘yung employer na mamili para sa kanya ay karapat-dapat. Kailangan nating magdagdag ng maraming trabaho upang nang sa ganon ang bawat Pilipino na walang trabaho ay makapagtrabaho. At ganon din po, binabanggit ko rin ito po ay problema, ‘yung issue ng discrimination na dapat po ay napaparating sa tamang ahensiya na DOLE upang magkaroon po ng – ng kaparusahan ang nagkakaroon po ng discrimination na employer. Salamat po.

[Crowd clapping]

[Music]

Bigornia:    Thank you, Sir. Mang Dan Roleda.

Roleda:       Tama ka na mayroon tayong batas na tungkol sa age discrimination. Ito’y isyu ng enforcement at inaamin ko na marami talagang kumpanya na hindi basta-basta tumatanggap ng may mga edad ng mga nag-a-apply.

Ako bilang isang practicing lawyer sa labor, matagal ko ng namungkahi ‘yan sa Department of Labor na magtayo ng parang help desk na hindi lang sa age discrimination kundi mga uri-uring discrimination sa mga pagpasok na dapat mag-intervene ang Department of Labor. At dapat meron silang memorandum of agreement sa mga local government para hindi nahihirapan ang mga manggagawa na pupunta sa DOLE kahit sa barangay lang ay maari silang magsumbong at ang barangay ay puwendeng puntahan ‘yung kumpanya at alamin ang totoong sitwasyon ba’t di natanggap ang isang aplikante kung ito ba’y may discrimination o hindi.

0:05:54.4   So pag-igtingin po natin ang enforcement at hindi lang enforcement kung hindi ‘yung pagsumbong, communication na maipa-abot sa mga kinauukulan ang mga problema o discrimination.

Bigornia:    Okay, salamat po.

[Crowd cheering]

Bigornia:    Next naman, Mang Ernesto Arellano.

[Music]

[Crowd cheering]

Arellano:    Problema talaga na – totoong problema ang enforcement na ‘yan. Pero ang mas malalim na ugat niyan ay kulang ng trabaho. So dapat isang programa ng gobyerno is to create jobs.

Ngayon, kasama nito ay mayroon kaming plano sa Labor Win na sa panahon na iyan na kailangan mo ng tulong mayroon insurance para sa mga discriminated at sa mga dislocated sa trabaho.

Bigornia:    Salamat po. Mang Toti Casiño, ikaw naman.

[Crowd cheering]

Casiño:       Ang problema po ng ano, ating paghahanap ng hanapbuhay ‘yung job matching ay kaya – kulang ang kakayanan ng Department of Labor para malaman kung anong klaseng trabaho ang puwedeng itapat sa ating mga manggagawa. Gaya ng sinabi niyo po, Ma’am Imelda kayo po’y sanitation, wala ho bang medyo mataas ang antas na tinatawag po natin quality assurance.

Ngayon, kung kailangan pa – kung may pangangailangan tayo dito sa quality assurance, ilan po dito ang kwalipikado para makapagbigay ng trabaho dito? Kukulang din po sila.

0:07:13.1    So kailangan niyo po ay pumunta po kayo sa TESDA at maghanap kayo ng mga upskill training para itaas ang antas ‘yung kakayanan dahil sa tagal ninyong nagtratrabaho bilang sanitary…

[Crowd cheering]

Casiño:       …susunod na ho noon, antas na ‘yun, ‘yung quality assurance kasi marami pa rin itong mga tanggapan natin, walang quality assurance ang sanitary.

Maraming mga lugar diyan madudungis, madudumi, punong-puno ng mga mikrobyo. Kaya nga, ano ba ang kailangan natin, hindi ka mawawalan ng trabaho, hindi ka mawawalan ng pag-asa. Ang kulang lang ang kakayahan ng Department of Labor malaman ito, ano dapat i-match sa inyong kakayanan.

[Crowd cheering]

[Bell rings]

Bigornia:    Maraming salamat po. Ka Leody de Guzman.

[Crowd cheering]

De Guzman:        Iyong problema niyo ay produkto ng 10 milyong manggagawang walang trabaho ngayon. Kaya’t ang lawak ng choice nung mga kapitalista na pumili ng mga bata, ng mga graduate at ng hindi mga may edad na.

At ‘yung unemployment natin ay resulta naman ng policy ng gobyerno. ‘Yung ating gobyerno ay walang patakaran to create jobs na permanente, ‘yung sustainable na trabaho. Ang binibigay na trabaho taga-walis, mga panandaliang trabaho sa konstruksyon. Walang sustainable na trabahong nililikha tulad halimbawa ng pagbabalik, pagbuhay sa garment industry, sa ating fisheries, sa ating agrikultura. Hindi naglalaan ng pondo ‘yung gobyerno natin diyan. Pinapaasa ‘yung ating mga mamayan mag-abroad at umaasa lamang kung anong pangangailangan ng ating mga – taga ibang bansa na doon nagsisimula ‘yung mismatch daw. Kasi nga walang, hindi gumagawa ng sariling trabaho, ‘yung ating…

[Bell rings]

0:08:51.8

De Guzman:        …gobyerno.

Bigornia:    Okay. Salamat po. Ate Mel…

[Crowd clapping]

Bigornia:    …ayos ba sa iyo ‘yung mga kasagutan nila?

Arilas:        Mm hmm, hindi sapat.

Bigornia:    Bakit po?

Arilas:        Mm hmm, ‘yung sinasabi nilang implementation nung age discrimination, nagiging ano kasi, nagiging – ang DOLE kasi tulog.

Bigornia:    Mm hmm.

Arilas:        Ang pagsasabuhay nung batas, sino bang mag-aano, mag-papaalala lagi sa kanila?

Bigornia:    Mm hmm.

Arilas:        Oo, magsusumbong ka na si ganitong kumpanya hindi na – hindi tumupad doon sa batas. Pero ganoon pa rin.

Bigornia:    Mm hmm.

Arilas:        Wala pa rin nangyayari.

Bigornia:    So gisingin mo silang lahat kung ganoon.

Elchico:      Mm hmm.

[Crowd laughing]

Arilas:        Hoy, gising!

Bigornia:    Ayun. Okay maraming salamat, Ate Mel. Partner, ikaw naman.

Elchico:      Maraming salamat. At ang ating huling tanong, mula po sa hanay ng kabataan AKA millennials. Kasama po natin si Clarinne Ramos mula sa St. Paul University, Quezon City. Clarinne ano ang inyong tanong?

Ramos:       Magandang gabi po. Ako po si Clarinne Ramos mula sa St. Paul University, Quezon City.

0:10:07.2      Marami ang naghahangad na magkaroon ng posisyon sa Senado ngayong halalan, bilang ang 2019 ay year of the youth ang katanungan ko po, para po sa re-electionist ano na po ba ang nagawa ninyo para sa mga kabataan?

Para naman po sa mga bagong mukha, ano po ba ang maihahain ninyo para sa aming mga kabataan? At bakit po namin kayo mas dapat iboto kaysa sa mga datihan na? ‘Yun lamang po. Maraming salamat.

Elchico:         Ang unang sasagot, hindi naman po nalalayo sa millennial, Elmer Francisco.

[Crowd cheering]

Francisco:      Maraming salamat po na sabi niyo na ako ‘yung mukhang bata dito ‘di ba?

[Crowd laughing]

Francisco:      So, ano pong ano – ano pong ginagawa natin? Ako po ay nanilbihan sa PEZA or sa Philippine Economic Zone Authority na mahigit dalawang taon. So, ang ginagawa po natin ay nag-iimbita tayo ng domestic pati foreign investors dito sa Pilipinas kasama ‘yung mga call centers doon.

Hindi po natin maikakaila na 5 milyong Pilipino ang nagkakaroon ng trabaho sa mga call centers. Ito po ang ginagwa po natin, karamihan po ‘yung mga kabataan eh doon pumapasok pag-graduate. Hindi natin sinasabi na dapat doon kayo pero ‘yan ang available na trabaho.

Ang problema naman po kung tayo ay mapupunta sa Senado ipapatigil natin ‘yung maipasa ‘yun TRAIN 2 dahil tinatanggal ‘yung incentives ng mga eco-zone locators katulad ng mga call centers. Dahil kapag naipasa po ‘yan 5 milyong Pilipino lalo na’t mga kabataan ang mawawalan ng trabaho.

Elchico:         Thank you. Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:         Sagutin mo ang millennial, RJ Javellana.

0:11:43.3

[Music]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Javellana:      Ako po ay mula sa Katipunan ng Demokratikong Pilipino. Ang aming pangunahing panawagan ay partido para sa kinabukasan. Kami po ay hindi lumahok ngayong election na ito para sa aming pansariling interes.

Lumahok po kami sa halalan na ito para po sa kinabukasan lalong-lalo na ng bagong henerasyon at ng kabataang Pilipino sapagkat naniniwala po kami na ang lipunan na ito ay mamanahin ng mga kabataang ito kaya kinakailangang lumikha po tayo ng isang bagong lipunan na kung saan ang lahat ng mga Pilipino ay hindi lamang po magkakaroon ng kaligayahan kung hindi tiyak po ang kanyang kinabukasan sa usapin ng kalusugan, sa usapin ng trabaho, sa usapin po ng maraming bagay. ‘Yan po ay para sa ating mga kabataan. Salamat po.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:         It’s your turn, Ginoong Dado Padilla.

[Music]

[Crowd cheering]

Padilla:           Para sa – para po sa mga kabataan ay nagawa na ng ating pamahalaan na maibigay ang uniber – ang ating free tertiary education. Ito po ay nagbibigay ng libreng edukasyon para sa ating mga kabataan, para makapagaral sa college.

Ganon din po, mayroon din pong free training sa TESDA. So ibig sabihin po ito ay pagkilala ng ating pamahalaan upang ang mga kabataan ay talagang maigayak para sa kanilang pagtratrabaho upang sila ay magkaroon ng magandang kita. Ito po siguro ay dadagdagan lang natin lalong mai – mapaabot doon sa mga kabataan lalong-lalo na doon sa mga lalawigan, sa mga baryo, sa barangay upang sila ay magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng access sa free tertiary education at skills training sa Tesda. Salamat po.

0:13:40.5

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:         Dan Roleda, ano pong sagot niyo?

[Music]

[Crowd cheering]

Roleda:          Ang kabataan ay tunay na pag-asa ng ating bayan.

[Crowd cheering]

Roleda:          Ako’y naging isang student leader. In fact, I was the first elected Student Council President of the entire country in 1980 before Martial Law was lifted. Nakikita ko mga suliranin na dapat tugunan sa mga kabataan at isusulong ko lalo na ang ‘yung equal access to fee and quality education na may kasamang stipend transportation dahil mayroon na tayong free education. Di naman natutuloy dahil wala silang panggastos sa transportation, pagkain.

At ‘yung mga out of school youth na medyo napababayaan kailangan we have to have a comprehensive program to bring them back to the society, integrate them to the communities. At kailangan natin patibayin din ang ating mga curriculum sa college dahil nagbago na tayo ng K-1 to K-12 pero luma pa rin ang ating mga curriculum sa college kailangan po nating tuguna ‘yan.

At mahalaga ‘yung access ng mga kabataan sa mga young entrepreneurship at mga livelihood programs na nauukol sa mga kabataan. At ‘yung sa kabataang barangay naman, we will not confide them only to sports and beauty contests but we should make them part of so – of the actual peace and order and economic socio…

[Bell rings]

0:14:44.5

Roleda:          …of the barangay.

Elchico:         Thank you po.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

[Music]

Elchico:         Tingnan natin ang sagot ni Mang Ernesto Arellano.

[Music]

Elchico:         Sir?

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Arellano:        Malaking problema talaga ‘yung job creation na dapat isagawa ng pamahalaan. Maraming job entrance natin pagkatapos ng tuwing taon pero wala tayong conscious program ng pamahalaan na maglikha ng trabaho. So ito dapat marami tayong natural resources na kailangan magamit dito sa Pilipinas. So, ‘yung mala – matagal na naming panawagan na industrialization ay dapat tugunan ng pamahalaan. Hindi – huwag na tayong mag-export ng mga raw materials. Dito na tayo lumikha ng mga industries para sa mga kabataan. Totoo na ang problema ni Clarinne ay trabaho pagkatapos ng pag-aaral. So, ang ating ibibigay na agenda pagdating sa Senado ay maglikha ng proposals for job employment dito sa bansa.

[Bell rings]

Elchico:         Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:         Pakinggan naman natin ang sagot ni Mang Toti Casiño.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

0:16:02.9

Casiño:           Marami po sa ating mga kabataan – ah sa tingin nila nawalan ng tra – wala na silang pag-asa. Pero totoo lang, malaki ang inyong hinaharap.

May pagkukulang ang pangunahing ekonomiya sa buong daigdig na mga middle managers hanggang sa upper managers dahil nga of the reverse population growth or aging. Ibig sabihin po niyan, kailangan ipatibay ang inyong kakayanan sa kalakalan ng agham, teknolohiya, information and communication technology, ganun din sa sining at kultura dahil ito po ang pinaka-pagkukulang ng mga pangunahing ekonomiya, dahil nga marami dito sa mga bansa na ‘to, wala na silang replacement. Tayong mga bansang umaahon, developing, marami tayong kabataan. Kailangan bigyan sila ng kakayanan lalo na ‘yung K-12, lalo na ‘yung higher education. Bigyan ng pansin ang science and technology, intercommunication technology pati na rin ang agrikultura para magkaroon na kayo ng kapasidad na makipag-kompetensya sa buong daigdig.

[Crowd cheering]

Elchico:         Maraming salamat. Ano ang sagot mo kay Clarinne, Mr. Leody De Guzman?

De Guzman:  Ah, mayron tayong halos 5 milyon na out-of-school youth tapos 54% ng mga unemployed ngayon ay mga kabataan. Ah, mauugat lahat ‘yan dun sa walang available na trabaho dahil nga walang programa ‘yung ating gobyerno to create jobs na sustainable. Kaya ‘yung sa amin, sa LaWin – sa Labor Win ng – na kami limang kandidatong manggagawa sa pagka-senador ngayon ay mayroong panawagan na dapat ‘yung maglaan ng sapat na pondo ‘yung gobyerno para paunlarin ang industriya ng garment, ng sakahan at saka nitong bakal na siyang magki-create ng trabaho.

‘Yung pera – puwedeng isuspinde muna ‘yung pagbabayad ng utang.Yung automatic appropriation, isuspinde. Ang laki ng pondong kinakain niyan na dapat sana’y magamit muna sa – natin sa pagpapaunlad ng ating industriya. Then, ‘yung TRAIN Law, alisin muna natin ‘yan. Tapos ‘yung mga – ‘yung mga…

0:18:08.1

[Bell rings]

De Guzman:  …Pork Barrel.

Elchico:         Maraming salamat po.

De Guzman:  [Laughs]

Elchico:         At ang nag-iisang re-electionist, Senador JV Ejercito.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Ejercito:         Magmula nung ako po ay pumasok ng legislature ‘no, nung ako’y nasa Kongreso, pinaglaban ko ang higher subsidy for the state universities and colleges. Nung ako’y napunta sa Senado, ako rin po ang isa sa author ng Free Tertiary Education at isa rin sa principal author…

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Ejercito:         …ng Sangguniang Kabataan Reform Law.

[Crowd clapping]

Ejercito:         I’ve always believed that the human resource is our most precious resource. We have to invest in our youth kung kaya’t ang problema ngayon gaya ng aking mga kasamahan ay kung paano mabibigyan ng trabaho.

We have 3 million graduates every year but our economy can only produce 1 million jobs. So, kinakailangan pasiglahin ang ekonomiya kaya nga po sinusulong ni Senator JV ang infrastructure development, transport modernization, na ito ang magpapasigla ng ekonomiya sa bawat lugar sa bawat – sa ating bansa, magbibigay ng trabaho at hanapbuhay kaya ‘yung 3 million – 3 million graduates dapat 3 million jobs din ang mabibigay natin sa kabataan.

0:19:12.1

Elchico:         Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:         Walong magkakaibang sagot. Ang tanong, kuntento ka ba sa mga naging sagot ng walong nag-aambisyon o parang may kulang?

Ramos:          Ako po ay natutuwa dahil karamihan sa inyo ay naisaisip ninyo ang trabaho para sa mga bagong graduate. Ang masasabi ko lang po kung kayo po ay papalarin, sana po lahat po ng ipinangako ninyo ay inyong mapanindigan dahil bilang kabilang sa susunod na henerasyon, kami po ang maaring magtuloy o magtama ng mga gagawin ninyo. ‘Yun lamang po. Salamat!

[Crowd clapping]

Elchico:         Maraming salamat kay Clarinne. Bigyan lang po natin ng panahong makahinga ang ating mga kandidato dahil ang Round 2 ng ating Fast Talk, susunod na sa Harapan 2019.

[Music]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

 

0:00:00.5

[Crowd clapping]

Elchico:         O, Fast Talk po tayo muli ah. Dalawang minuto, paspasan po ito, ah, mabilisan. Sa round na ito, una ka, Ginoong Dan Roleda.

Are you ready?

Roleda:          I am ready.

[Crowd cheering]

Elchico:         Kabilang kayo sa United Nationalist Alliance, may suporta ba kayo galing sa mga Binay?

Roleda:          Wala.

Elchico:         Naging Presidential Assistant on Foreign Investment kayo ng dating Pangulong Arroyo, dapat bang bawasan ang permits na ibinibigay sa mga casino?

Roleda:          Dapat i-regulate.

Elchico:         Kung manalo ka, anong isusulong mong batas tungkol sa gambling?

Roleda:          Dapat i-regulate ang ating gambling at limitahan ang mga pagpasok ng mga dayuhan.

Elchico:         Naging ALAB Party-list Representative po kayo, naniniwala po ba kayo na nabababoy na ang Party-list Law?

Roleda:          I believe so.

Elchico:         Dahil?

Roleda:          Dahil madami nang pumapasok na hindi naman dapat mga marginalized at nawala na ang mga programa at naging pulitiko.

Elchico:         Bilang dating councilor ng Maynila, sumuporta kayo sa movie industry. Ano ang plano niyong batas para sa entertainment industry?

0:01:08.9

Roleda:          Eh, dapat nating paigtingin lalo na ‘yung mga benepisyo ng mga gumagawa, mga nagtatrabaho sa entertainment industry dahil wala silang mga SSS, Pag-IBIG, wala silang security of tenure. Atin pong patibayin ang kanilang trabaho.

Elchico:         Charter Change, pabor o hindi pabor?

Roleda:          Pabor…

Elchico:         Bakit?

Roleda:          …ako. Kailangan nating baguhin ang ating Constitution para ito’y maging angkop sa globalization at sa mga bagay na gawin ngayong panahon.

Elchico:         Federalism?

Roleda:          Federalism ay dapat pag-aralan dahil hindi pa tayo handa, dapat natin munang patibayin ang istruktura natin tungkol sa political dynasty, peace and order saka mga rebel problems.

Elchico:         Dapat bang tanggalin na ang ang term limits ng mga opisyal ng gobyerno?

Roleda:          Hindi dapat tanggalin.

Elchico:         Dahil?

Roleda:          Dahil kailangan lahat ay magkaroon ng pagkakataon na magsilbi sa bayan at para parating bago ang pag-iisip ng mga nanunungkulan.

Elchico:         Nangurakot sa gobyerno, dapat bang patawan ng death penalty?

Roleda:          I am against death penalty.

Elchico:         Dapat bang isiwalat ang detalye ng SALN ng mga mambabatas?

Roleda:          Dapat ipaalam sa bayan.

Elchico:         Okay lang ba sa’yo ang mas paiigtingin pang kampanya laban sa ilegal na droga ng Pangulong Duterte?

Roleda:          Dapat nating paigtingin at sugpuin ang droga pero dapat respetuhin ang human rights.

0:02:09.8

Elchico:         Nakababahala na ba ang pagdami ng mga Chinese workers sa Pilipinas?

Roleda:          Ang Chinese kasi, the biggest population in the world. Ang kailangan dapat dito ay regulasyon at kailangan ay sang-ayon sa batas ang pagpasok nila, sila man eh Chinese o mga ibang dayuhan.

Elchico:         Sino ang idolo mo sa Senado?

Roleda:          Si Senator Miriam Defensor-Santiago.

Elchico:         Dahil?

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Elchico:         Maraming, maraming salamat.

Roleda:          Ay siya ay matalino, magaling. Thank you.

[Crowd cheering]

Elchico:         Thank you. Thank you. Doris.

Bigornia:        Tayo naman po, Mang Ernesto Arellano.

[Crowd cheering]

Bigornia:        Sir, nauna na po kayong pinagpaliwanag ng COMELEC kung bakit hindi kayo dapat tawaging nuisance. Sa isang salita, ano po para sa inyo ang isang nuisance candidate?

Arellano:        ‘Yung mga mandarambong.

[Crowd clapping]

Bigornia:        Okay. Pabor ka ba sa Pederalismo?

Arellano:        Pabor.

Bigornia:        Pabor po ba kayo na tanggalin ang term limits sa mga halal na opisyal?

Arellano:        Hindi.

0:02:55.8

Bigornia:        Bakit po?

Arellano:        Dahil recycled ang karamihan dito sa senado.

Bigornia:        Mm hmm.

Arellano:        Ang senado ay bilanggo ng mga political dynasties. Tanggalin na natin itong pagkabilanggo ng Senado sa kamay ng mga political dynasties.

[Crowd cheering]

Bigornia:        Dapat po bang isiwalat ang detalye ng SALN ng mga mambabatas?

Arellano:        Dapat lang na i-publiko ang kanilang SALN para malaman kung saan nanggagaling ‘yung kanilang kayamanan.

Bigornia:        Meron po kayong kotse?

Arellano:        Meron.

Bigornia:        May garahe?

Arellano:        Meron.

Bigornia:        Ah, so hindi kayo illegal parking?

Arellano:        Hindi.

Bigornia:        So pabor kayo po ba doon sa batas na gagawin na ‘pag walang garahe, walang kotse?

Arellano:        Pabor.

Bigornia:        Okay. Dapat bang ipa-deport ang mga illegal na Chinese workers?

Arellano:        Under due process at kung talagang sila’y illegal, mayroon tayong international law on reciprocity. Kung talagang illegal ito, pagkatapos ng due process at warranted ‘yung pagdedeport, ide-deport natin sila.

Bigornia:        Dapat po bang babaan ang retirement age sa Pilipinas?

Arellano:        Puwede pa ring i-maintain ‘yung kasalukuyan.

0:04:10.8

Bigornia:        Okay. ‘Yun – mayroon po bang dapat na baguhin sa kalakaran ng Senado?

Arellano:        Meron.

Bigornia:        Ano po ‘yun?

Arellano:        Kinakailangan ma-liberate ang Senado sa pagkabilanggo nito sa political dynasties.

Bigornia:        Kung kayo po ay mananalo, ano ang unang-unang isyu na inyong iimbestigahan?

Arellano:        Imbestigahan ko ‘yung kawalan ng mga batas kaugnay ng over-centralized wealth sa iilan.

Bigornia:        Okay. ‘Yung…

Arellano:        At magkaroon ng proposal na i-diffuse ang wealth…

[Bell rings]

Arellano:        …para sa lahat.

Bigornia:        Maraming salamat po, Sir.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Bigornia:        Partner.

Elchico:         Get ready, Toti Casiño. Umpisahan natin.

[Crowd cheering]

Elchico:         Kung ikaw ang masusunod, dapat bang mandatory ang debate para sa mga kandidato sa pagka-Senador?

Casiño:           Oo naman.

Elchico:         Dahil?

Casiño:           Para naman makilala ng mga botante kung sino ‘yung mga tumatakbong kandidato.

0:05:07.0

Elchico:      Bibigyan mo ba ng emergency powers ang Pangulong Duterte para masolusyunan ang traffic sa Metro Manila?

Casiño:       Oo, dahil maliban din d’yan dapat eh pagpatibayin ang Metro Manila Development Authority kasi nga sa local government code, nagkaroon ng kapangyarihan ang mga mayor na sila’y nangangasiwa at hindi ang magkaroon ng malawakang paga-ayos.

Elchico:      Anong mayron ka na wala ang millennials?

Casiño:       Ay kaalaman ho sa econom – information and communication technology.

Elchico:      Dapat bang i-regulate ang social media?

Casiño:       Hindi naman ho. Kasi ‘yan po ay ang pinaka – merkado ng mga – ng kaalaman, kaisipan at ideya ng mga mamamayan maging sila’y dayuhan o maging sila’y taga rito.

Elchico:      Bilang dating IT consultant ng COMELEC, pabor po ba kayo sa paggamit muli ng SmartMatic machines?

Casiño:       Ay hindi, hindi.

Elchico:      Dahil?

Casiño:       Dahil ‘yun ay malawakang – hindi secured, hindi nakakasiguro ‘yung mga boto ng mga mambabatas o ng mga botante dahil ang ginagamit nilang digital signature ay peke.

Elchico:      Oplan Tokhang 2.0 or 2.0, go or no go?

Casiño:       Ano ho ba ‘yung tokhang 2.0?

Elchico:      Oplan Tokhang fortified.

Casiño:       Ay…

Elchico:      Pagpapalakas, pinalakas na Oplan Tokhang.

Casiño:       Hindi ko kabisado ‘yung mga tokhang pero sana po ay maging – mayroong due process ang paghuhuli at panga – sa mga ganitong gumagamit ng mga droga.

Elchico:      Naging magaling kang mambabatas, dapat bang tuloy-tuloy lang ang pagtakbo mo sa kada election ng walang limit?

0:06:31.8

Casiño:       Hindi, hindi. Lagyan mo ng limit, nakakapagod mag ano eh, mambabatas.

Elchico:      Stand mo sa Charter Change?

Casiño:       Ay, kailangang palitan – kailangan talagang palitan na dahil nakita na natin sa nakaraang henerasyon, 33 taon na nakalipas at ‘yung (nakaraang) 12 taon parliamentary at saka po (pangalawang) hindi – hindi angkop sa unlad.

Elchico:      Sa mga naabutan mong lider, sino ang pinakamagaling na Presidente para sa iyo?

Casiño:       Siguro si Marcos.

Elchico:      Dahil?

[Crowd cheering]

Casiño:       Eh dahil siya na ‘yung naka buti nga nung (mga) sa loob ng 12 taon, nagawa niyang magagawa eh.

[Bell rings]

Elchico:      Maraming salamat.

[Crowd cheering]

Elchico:      Doris?

Bigornia:    Tayo naman ang magharapan, Ka Leody De Guzman. Umaangal ang mga manggagawa sa minimum wage na itinatakda ng mga wage board. Dapat na bang tanggalin itong mga wage board?

De Guzman:        Dapat na.

Bigornia:    Bakit po?

De Guzman:        Dapat – dahil sa nakaraan ay isang minimum wage lang naman at umunlad naman ang mga negosyo. Bakit kung kailan umunlad ang mga negosyo ay babawasan ang sweldong kinikita nung ating mga manggagawa sa probinsya?

Bigornia:    Aasahan ba nila na magsusulong ka ng batas laban sa endo?

0:07:33.4

De Guzman:        Definitely.

Bigornia:    Term limits, pabor ka? Hindi?

De Guzman:        Ah, hindi.

Bigornia:    Bakit po?

De Guzman:        Marami pa namang mga matitinong mga Pilipino na hindi katulad nila puro kurap at puro elitista. Kailangan magkaroon ng pagbabago sa politika natin na bigyan ng pagkakataon ‘yung mga manggagawa at ‘yung mga lider ng masa.

Bigornia:    Pabor ka ba sa death penalty at sino ang unang-una mong gustong masampolan?

De Guzman:        Ah, hindi ako pabor. Hindi ako pabor kaya hindi ako magsasampol.

[Laughing]

Bigornia:    Okay. Bakit?

De Guzman:        Hindi nakakatulong, nakakapagpigil sa intensyon ‘yung death penalty. Nagawa na natin ‘yan before pero hindi naman natigil ang korapsyon, hindi naman natigil ang panggaga – ang rape, hindi natigil ang mga pagpatay. Kaya hindi deterrent – tulad ng – ng drugs. Ang dami ng pinatay pero patuloy pa rin ang drugs.

Bigornia:    So ayaw mo ng anti-drug policy ni Pangulong Duterte?

De Guzman:        Ako okay ako na i-address ang isyu ng drugs pero hindi sa paraang pagpatay.

Bigornia:    Meron ka bang idol na Senador?

De Guzman:        Si JV syempre. Katabi ko …

[Crowd cheering]

Bigornia:    Dahil?

De Guzman:        Katabi ko. Hindi, hindi, hindi. Ako naman magaganda ‘yung mga programa niya.

0:08:40.5

Bigornia:    Oo. Ah, kung mananalo ka, saan ka aalyado?

De Guzman:        Ah, meron kaming grupo ng Labor Win at ‘yun ang gusto kong i-promote na dapat sa – sa panahon ngayon ay bigyan ng pagkakataon itong mga manggagawa na siyang lumilikha ng kaunlaran ng ating lipunan.

Bigornia:    Solusyon sa traffic, sinasabi ‘yung transportation sector mismo ang nagbibigay ng problema?

De Guzman:        Tingin ko, ‘yun pa rin. Mass transport ang dapat paunlarin. ‘Yung mga kotse nagi-isa ang sakay eh bawas-bawasan. Tingin ko, mass transport pa rin ang solusyon. Train pa rin ang – ‘yan.

Bigornia:    So pabor ka dun sa no to single?

[Bell rings]

De Guzman:        Oo. Dapat ay kwan lang, ah, plus paramihin ‘yung ating mga kwan…

Bigornia:    Thank you.

[Music]

De Guzman:        … mga…

Bigornia:    Lumalalim na po ang gabi ah. Pero may huling ratsada pa ang gating Harapan 2019. D’yan lamang po kayo.

[Music]

[Crowd cheering]

0:00:01.6

[Music]

Elchico:         Sa pagtatapos ng ating Harapan, narito naman ang mga huling mensahe ng kasama nating mga kandidato.

Bigornia:        Harapin po ninyo ang taumbayan. Bakit nila kayo dapat ihalal at paano niyo ipapakita ang pagmamahal sa bayan. Isang minuto lang po. Unahin natin, Dado Padilla.

[Crowd cheering]

Padilla:           Una po ay nagpapasalamat ako sa ABS-CBN, sa Harapan 2019, sa pagbibigay ng pagkakataon na kami ay maanyayahan dito, makapagsalita at makilala. Ako po ay pakiramdam ko sobrang nerbyos ako dahil akala ko parang BAR exams ito eh.

[Crowd laughing]

Padilla:           Sana po makapasa po ako sa Mayo 13. Marami pong salamat, Dado Padilla, number 53 sa balota. Marami pong salamat.

[Crowd cheering]

Elchico:         Thank you. Dan Roleda.

[Crowd cheering]

Roleda:          Ako po ay si Atty. Dan Roleda. Ako po’y iyong kaibigan. Ako’y naniniwala na ang pamilya ang bida. Gusto ko pong isulong ang plataporma na magpapatibay ng pamilyang Pilipino. Ito’y naukol sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan, pagkain at disenteng pamamahay.

Better leaders are because of better voters. Nasa inyong mga kamay, mga botante ang pagbabago ng ating pamahalaan.Magkaisa po tayo, magdasal po tayo. I believe in the unity of the Filipino spirit. If we can do it, then we’ll make it happen. Change can happen. We have to keep the faith. Everything is up to God. Everything is up to in your hands. Public accountability is a public function, is a public trust.

I am running to become a senator so that I become a public servant. I’m running to serve the Filipino people.

0:01:53.8       Ako’y hindi sikat, pero ako’y tapat. I cannot make promises, but I commit myself to give my all, do my best and serve the Filipino people well. Thank you po. Ako’y si Dan Roleda, number 56 sa balota.

[Crowd Clapping]

[Crowd cheering]

Roleda:          God bless po.

Bigornia:        Maraming salamat po. Ikaw naman po, Mang Ernesto Arellano.

[Crowd cheering]

Arellano:        Ang pagmamahal sa bayan ay pinakita ng Lu…kantang Lupang Hinirang. Tutulan ang anumang anyo ng panlulupig. Ang pagmamahal sa bayan ay may konteksto. Noong panahon ng Kastila, kung ikaw ay kasama sa Propaganda Movement at saka Rebolusyong 1896, ikaw ay isang nagmamahal sa bayan. Noong panahon ng American occupation dito sa Pilipinas, kinakailangan maging anti-American colonialist ka. Noong panahon ng Hapon, kinakailangan maging anti-Japanese occupation ka. Pero ngayon, ang talagang kaaway natin ay ang sarili nating kabaro na ang mga political dynasties. And pagmamahal sa bayan ay maipapakita sa pamamagitan ng matinding pagtutol sa paghahari…

[Bell rings]

Arellano:        …ng mga political dynasties.

Elchico:         Maraming salamat po.

[Crowd cheering]

Elchico:         Ibuhos mo na, Toti Casiño.

[Crowd cheering]

Casiño:           Maraming salamat po sa ABS-CBN para kami nga ay nalahok dito sa Harapan 2019.

0:03:33.3      Ang pagkakampanya po ay hindi biro. Mahirap ang makipaglaban dito sa mga datihang pulitika at alam natin ang lamang nila sa amin mga bagito. At hindi lang ho doon nagtatapos ang trabaho, pag kami naluklok sa Senado mas matindi ang trabaho kung ikaw ay tapat na maglingkod para sa kapakanan ng mga mamamayan.

[Crowd cheering]

Casiño:           Pero kung ikaw ay magnanakaw lang ay madali ang trabaho sa Senado. Kaya kami sa Katipunan ng Demokratikong Pilipino na ang aming hangarin ay para sa kapakanan ng mga kinabukasan, ang kapakanan ng mga kabataan ay talagang maglilingkod kami para alam namin ang lamang nito ay patas. Walang lamang para sa aming sarili kung hindi ang makakalamang dito ang mga mahihirap, ang mga magsasaka, ang mga kababaihan, ang mga kabataan, ang silang walang boses sa Senado. Kami ang magiging boses ninyo sa Senado.

[Crowd cheering]

Casiño:           Kami’y magbibigay ng rebolusyon sa Senado. Toti Casiño, numero 18 sa balota, Katipunan ng Demokratikong Pilipino. Mabuhay.

[Crowd cheering]

Bigornia:        Thank you. Maraming salamat po.Banatan mo naman Leody de Guzman.

[Crowd cheering]

De Guzman:  Ang eleksyon sa Senado ay 102 years na. At ang problemang pinag-uusapan 102 years ng nakaraan ay ‘yan pa rin ang problemang pinag-uusapan ngayon. Walang trabaho, mababa ang sahod, mataas ang presyo, may kriminalidad.

Kulang ang sweldo, yan pa rin ang problemang kinakaharap natin dispite ng ang mga nahahalal natin sa Kongreso – sa Senado ay matatatlino naman, cum laude, La Salle, UP ang mga pinanggalingan.

May problema mga kasama, ang nahahalal natin sa mga nakaraan ay galing sa elitistang uri, galing sa mga trapo, galing sa mga dynastiya na ang interes ay kontra sa interes ng mamamayang Pilipino. Kaya nag…

0:05:18.0

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

De Guzman:  …kaya nagkasundo kami sa aming Labor Win, ngayon ay meron kaming limang kandidato, si Arellano, Leody De Guzman, si Matula, Colmenares at saka si Allan Montano. ‘Yun po para pagbabago.

[Bell rings]

Elchico:         Thank you po.

[Music]

[Crowd clapping]

Elchico:         Talk to the people, Senador JV Ejercito.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Ejercito:         Hindi nagtatapos sa pagsasabatas ng Universal Health Care Law at ng creation ng Department of Human Settlements at iba pa ang atin pong trabaho. Hangga’t may naghihirap, hangga’t may walang trabaho, hangga’t maraming problema hindi pa tapos ang aking pakikibaka.

Mga kababayan, si Senator JV po ang gusto talagang isulong ang infrastructure development, transport modernization, na ito po ang magpapasigla ng ating ekonomiya. Maraming nangangako, gusto nila magkaroon ng trabaho pero ito po ang tunay na paraan para magkaroon ng inclusive growth.

Kapag meron tayong infrastructure development, meron tayong transport modernization, papasok ang negosyo, maikakalat natin ang negosyo sa bawat probinsya at ang bawat probinsya ay magkakaroon ng sariling growth development areas, ito’y trabaho’t hanapbuhay para sa ating mga kababayan.

0:06:31.8      Tatlong milyon ang graduate taun-taon, dapat tatlong milyong trabaho rin ang atin pong ibibigay sa kanila. Kaya mga kababayan, si JV Ejercito po, kasama kayo sa laban na ito. Mabuhay po, JV para sa bayan.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Bigoria:          Thank you, sir.

Elchico:         Thank you.

Bigoria:          I-aarangkada naman ni Elmer Francisco.

[Crowd cheering]

[Music]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Francisco:      Magandang gabi po.

[Crowd cheering]

Francisco:      Ako po si Elmer Francisco muli. Kailangan po nating ibalik ang patriotism dito sa Pilipinas. Dapat po tayo ay maging proud na tayo ay mga Pilipino. Papaano po natin gagawin to?

Kailangan po natin ang pambasang industriyalisasyon.Kailangan po nating palakasin ang ating coconut industry.Kailangan po nating tangkilikin ang ating mga pelikulang Pilipino.Kailangan nating tangkilikin ang mga gawang Pinoy. Kailangan po natin – ng gobyerno natin ang bibilhin ay ang gawa sa Pilipinas.

Kailangan din po natin na gumawa ng sariling nating makina para mapamura ang presyo sir, ng ating transportasyon. Kailangan po natin suportahan ang ating mga ano, transport groups – andito si Mark Lorenzo – para tulungan natin ang ating mga mananakay na makasakay sa kumportableng jeepney na hindi mausok at ligtas. Salamat po.

[Bell rings]

0:07:53.0

Elchico:         Maraming salamat.

[Crowd clapping]

[Music]

Elchico:         Atapang a tao ang peg, RJ Javellana.

[Crowd cheering]

Javellana:      Mabigat po ang tungkulin ng isang Senador, subalit si RJ Javellana Jr., handa sa mga hamon na ito. Bakit? Panahon na po para magkaroon ng isang tunay na himagsikan sa Senado.

Ano po ang aking ibig sabihin? Tapusin na po ang mga batas na nagpapahirap sa mga manggagawa, kabataan, kababaihan at masang Pilipino kasama ang mga consumers at commuters. EPIRA Law, Oil Deregulation Law, itong TRAIN Law at iba pa.

Si RJ Javellana po ay hindi po magnenegosyo sa Senado. Si RJ Javellana po ay inyong magiging kapanalig, boses at kasangga lalung-lalo na po ng masang Pilipino, ng mga commuters, ng consumers at ng mga kababaihan at kabataan. Makaka-asa po kayo sa matapat na panunungkulan ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino sa Senado.

[Crowd cheering]

Javellana:      Mabuhay po kayong lahat. Huwag nating…

[Bell rings]

Javellana:      …ibenta ang boto. Salamat po.

[Crowd cheering]

Elchico:         Maraming salamat po.

[Crowd cheering]

[Music]

Elchico:         Mga kababayan, ito na po ang huling Harapan 2019: The Senatorial Town Hall Debate ng ABS-CBN.

0:09:15.7

[Music]

Elchico:         Para lang po malinaw, ano po, inimbita po namin lahat ng 62 kandidato sa pagka-Senador sa ating apat na Harapan. Tatlongpu’t-anim po sa kanila ang ating nakilala at nakilatis. Dalawampu’t-anim ang hindi po nakasipot dahil sa iba’t-ibang dahilan. May mga tumanggi, may umoo pero nagbago po ‘yung isip at meron din pong hindi sumagot sa aming mga tawag at text.

[Music]

Bigoria:          At diyan po nagtatapos ang ating Harapan 2019. Maraming salamat po sa inyong pagtutok sa apat nating Town Hall Debate.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Bigoria:          At maraming, maraming salamat din po sa ating mga Halalan partners lalo na sa Commission on Elections, DFA, PPCRV, Lente, NAMFREL, Pulse Asia, Management Association of the Philippines, Vera Files, YouthVote, REACT at sa aming mga partner schools.

[Crowd cheering]

Bigornia:        Ako po si Doris Bigornia.

[Music]

Elchico:         Maraming, maraming salamat din po sa Manila Bulletin at sa Philippine National Association of Sign Language Interpreters, Philippine Federation of the Deaf, at sa College of St. Benilde School of Deaf Education and Applied Studies.

Nawa’y nakatulong po kami sa sama-sama nating pagkilala at pagkilatis sa mga kandidatong tumatakbo sa pagka-Senador.

Ako po si Alvin Elchico.

[Crowd clapping]

0:10:39.5

[Crowd cheering]

Elchico:               Ito po ang Harapan 2019.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

#MatalinongBoto2019

 

 

 

 

 

 

Tags:

Related Posts